Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang bigla niya akong hinila papasok sa loob.
“Mukha kang tanga na nakatingin doon.” Panlalait niya sa akin.
“Hindi kasi sila humihinga. Patay na ba iyong mga ‘yon?”
Umiling siya sa akin. “Robot ang mga iyan. Alam mo naman siguro na walang robot ang humihinga.” Sarcastic na sagot niya.
Tumahimik na lamang ako. She really knew everything about this place but I certainly doubt she really knew anything at all.
I didn’t ask for more answers. Sinarili ko na lamang ang mga tanong ko. I am sure she can’t even answer all of it.
Just like me, she is also just a player who unknowingly invited here. Sadyang mukhang matalino lang talaga siya and she copes up with everything. Like, sino ba naman na mag-aakala na robot ang mga nakabantay na men in black doon sa labas ng building? Obviously, siya lang.
Tumigil lang siya sa paghila sa akin nang makarating kami sa isang kwarto.
Dire-diretso lamang ang pasok namin hanggang sa mapansin ko na hindi na lamang kami ang mga tao sa loob ng building na ito.
I immediately thought they are also robots but no… they’re not. Humihinga sila, just like us.
“Hello, invited din kayo ng Andromeda?” Tanong ng isang lalaking naka-adidas na shirt and pants. Pati sapatos niya Adidas din ang tatak.
Sa mga suotan niya, aakalain mo na pa-cool siya but I felt like he’s not. His hair is so messy and hindi pa pantay ang pagkakasuot niya ng eyeglass niya.
To be exact, he is a rich kind of nerd.
“Yes, obviously. I am Chantelle by the way.”
Ngiti ang iginawad ng lalaki sa amin. “Ivan is my name. Ikaw?”
“Axcel.” Tipid na sagot ko lamang.
Marami pang mga tao ang nasa loob ng malaking kwarto na ito. Different gender, different identities and different social status.
Napako ang paningin ko sa isang lalaking nakikipag-usap sa isang grupo ng mga kababaihan. I don’t know why but I felt like we had met before. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.
“Hello everyone!”
Napatigil ang bulungan ng lahat nang biglang may nagsalita sa speaker.
“You might be wondering why you’re invited here.”
“Sa malamang, sa malamang. They are” Bulong ni Chantelle.
Napakunot ang noo ko sa narinig. They? ‘Di ba dapat ‘we’?
“Lahat kayo dito ay pinili for the exclusive dry run of our game called Andromeda. First and foremost, let me just tell you a short explanation about Andromeda.”
As the man behind the speaker was talking, nagsipasukan ang mga men in black sa loob ng walang kalaman-laman na kwarto. They aligned themselves in front of the wall and gently press something on it.
Bigla namang may lumabas na mga leather inclined chair at mga apparatus.
Is this kind of an experiment or something?
“Gaya ng sa nakikita ninyo, bawat isa sa inyo ay hihiga sa mga inclined chair na nakikita ninyo dito. And you will also wear the helmet na nakalagay dyan.”
Nakita ko naman na nilabas ng mga robot ang helmet na iyon. It just looks like an ordinary helmet pero maraming mga nakadikit na kung ano-ano doon.
“Andromeda is a virtual game and you will play it with your subconscious. It means, habang natutulog kayo, you are playing the game.”
“Akala ko sa mga pelikula ko lang ito nakikita.” Excited na ani ni Ivan.
Same. I didn’t know that someone could actually make something like that. Kahit robot na mukhang tao nga hindi ko alam na pwede palang maging totoo.
“May mga missions kayong dapat tapusin and these missions may need you to team up with other players in the game. Magkakaroon kayo ng bagong identity in the game pero same pa din naman ng name ninyo. Wish you all the best and good luck!”
Nagpatuloy ang bulungan ng lahat at mas malakas pa ito kaysa kanina.
Everyone feels so excited about this game. Kahit ako ay nae-excite din.
Entering a new world via video game? This really sounds so new to me. Hindi ko akalain na sobrang advance na pala ang technology ng mundo.
The lights turned red kasabay ng paglabas ng mga pangalan namin sa mga screen ng aparato na katabi lamang nung inclined chair.
Mukhang matalino naman ata ang lahat ng mga tao dito dahil naramdaman agad nila kung ano ang ipinapahiwatig ng pulang ilaw na iyon.
Isa-isa kaming naglakad papunta sa inclined chair na naka-assign sa amin.
I looked at my right at nakita kong katabi ko pala si Ivan.
Pagka-upo ko sa upuan, lumapit agad sa akin ang robot and adjust the height of the chair.
It then felt comfortable dahil parang nakahiga na ako sa ayos ko.
The robot then held my hands and placed it beside me. Pagkatapos noon, biglang may lumabas na handcuffs and locked my hands in the chair.
Lalo akong naguluhan sa nangyayari.
“Kailangan ba talagang naka-gapos ang mga kamay namin?” Rinig kong tanong ng isang player din.
Walang sumagot sa kaniya. Sobrang tahimik ng buong lugar after nun. Everyone felt something is wrong but nevertheless, mas angat ang excitement nila.
The robot then placed the helmet in my head. Puro itim na lamang ngayon ang nakikita ko. Walang kahit anong sinag ng liwanag na nanggagaling sa loob ng kwarto. Ang kapal naman yata ng glass nitong helmet na ito at sobrang dilim.
Nanatili akong tahimik at kinakabahang naghihintay ng susunod na mangyayari hanggang sa maramdaman ko na parang inaantok ako.
Sinubukan kong huwag ipikit ang mga mata ko pero hindi ko magawa.
What’s happening?...
•~•
PAGDILAT ng mga mata ko, puro puti agad ang nakikita ko.
Nasa langit na ba ako?
Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar hanggang sa mapansin ko na pamilyar ang lugar na ito.
Nasa isang ospital ako?
Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto at biglang lumabas ang isang nurse.
“Hello, Mr. Rivera. I’m glad you are finally awake.” Bungad niya sa akin.
Lumapit siya sa akin at pinag-aralan ang lagay ko.
I then grip at his arms and ask him. “Nasaan ako? ‘Yung ibang players nasaan? Bakit nandito ako sa ospital?”
Kunot-noong tumingin sa akin ang doktor. Base sa itsura niya, maski siya ay naguguluhan sa mga tanong ko.
“Your medical exams are okay. There’s no signs of having an amnesia here.” Rinig kong sabi niya sa sarili niya habang tinitignan ang mga papel na nasa kamay niya.
“No, wala akong amnesia. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa akin.”
Tumango naman siya sa naging tanong ko at ibinaba ang mga kamay niya.
“Well, we also don’t know what happened to you. But you were shot at your stomach yesterday. Hindi naman masyadong malala yung tama ng bala so you are safe now.”
Napahawak ako sa tyan ko sa naging tanong niya. Agad ko naman naramdaman ang pagkirot ng sugat ko.
It is true… I was really being shot. But why? How? Sa Black Towers ba?
Paalis na sana ang doktor nang pigilan ko siya.
“Can I ask another question?”
He then nodded his head. “Sure. Anything.”
“Nasaang hospital ako? Para masabi ko sa tito ko at masundo ako.” Tanong ko sa kaniya.
Bigla akong nagulat sa naging sagot niya…
“Andromeda Hospital.” He answered before he left.
Shock was written all over my face.
Andromeda Hospital… Andromeda.
I’M IN THE GAME?!!