Or not…
“HAHAHAHAHAH Púch*ng mukha yan. G*gø ang pangit mo ‘tol.”
“Para kang harinang tinubuan ng mukha. HAHAHAHAHAH.”
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago tumalikod at dumiretso sa cr. Nakasalubong ko pa ang mga teacher na nagchichikahan sa tapat ng faculty pero nang makita nila ako, sa akin na naman nabaling ang topic nila.
Wala na ba talagang matinong mga tao dito?
Pagkapasok ko sa cr, dali-dali kong tinanggal ang uniform ko at pinagpag iyon para matanggal ang mga nakadikit na harina.
Naghilamos at naglinis na rin ako ng mga braso para matanggal ang mga harinang dumikit sa akin.
Nanlumo ako nang mapansin na may kasama pang glitters ang harinang nilagay nila.
“Oy, Axcel. Andito ka pala.” Tawag sa akin ni Ralph.
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang hawak-hawak niyang timba na pinaglagyan nila ng harina at mga glitters.
“Sabi ko sa kanila dapat mas damihan nila yung glitters para mas mukhang colorful pero si Tadeo kasi isang buong karton ng harina ang dinala sa school.” Pagkukwento niya sa akin ng naging plano nila.
Ang plastik talaga. Kalalaking tao, napakaplastik.
Walang emosyong hinila ko ang nakasabit na uniform at sinuot bago lumabas ng cr.
Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ralph ngunit hindi ko na siya pinansin.
Nagdirediretso lamang ako papunta sa gate ng school.
“Bata, saan ka pupunta?” Tanong ng guard sa akin.
Walang salitang nilagpasan ko lamang siya at lumabas ng gate.
“Cutting na iyang ginagawa mo! Anong section ka ba?! Isusumbong kita sa teacher mo!”
Itinaas ko ang kamay ko at nagwave sa guard bago lumiko sa unang kantong nakita ko.
Walang kwenta ang mga tao sa mundo. They don’t even care kung nakakasakit na sila ng kapwa nila.
I don’t want to wait for karma. At ayaw ko ding maghiganti. I just want to find a peaceful place for me, hindi ba pwede iyon?
Pagkabalik ko sa bahay, pansin kong wala ng sumusunod na mga pulis sa akin.
Maybe they already felt tired? Isang taon ka ba naman halos mangstalk sa isang walang kamalay-malay na teenager, sinong hindi mapapagod.
Hindi na din nahagilap ng mga mata ko si Tito Bry. Siguro ay nasa trabaho na iyon.
Ibinaba ko ang bag ko at pabagsak na umupo sa sofa.
So, what now?
Wala akong pwedeng gawin sa buhay ko. Kaka-cutting ko lang at first itong mangyari sa buhay ko. They said na kapag nagcutting ka daw, you will feel some sense of excitement but I don’t felt anything strange other than boredom.
Inikot ko ang paningin ko sa buong bahay para maghanap ng gagawin hanggang sa napako ang tingin ko sa letter na natanggap ko kahapon lang.
I look at the calendar at hindi nga ako nagkakamali. It’s now January 11, 2022. It’s the date written on the letter.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil bigla ko na lamang napansin na kinuha ko na pala ang letter at naglakad palabas ng bahay para maghanap ng masasakyan.
Ano bang meron sa larong ito at kailangan pa na makipag-meet up? Siguro maglalaro lang ng moro-moro? Langit lupa?
Pagkasakay ko sa jeep ay agad kong nilabas ang bente pesos na nasa bulsa ko. Pansin ko ding nakatingin ang mga pasahero sa akin.
Bakit ganyan sila makatingin?
Ngayon lang ba sila nakakita ng estudyante na naka-uniform na may harina pa ang buhok at kumikinang dahil sa mga glitters?
Umiwas ako ng tingin at binaling na lamang ang paningin ko sa bintana ng jeep.
“Sukli mo po.” Rinig kong sabi ng katabi kong babae.
Inabot niya ang sukli kong puro barya at agad ko naman itong pinasok sa bulsa ko.
Pinag-aralan ko ang ayos ng babaeng katabi ko.
Her voice sounds calm but felt so sarcastic. Siguro may pagkamaldita ito. Halata din sa suot niya na mayaman ito dahil sa mga gintong nakasabit sa leeg at tainga niya.
Bakit kaya ito nag-commute kung mayaman naman pala ito?
Umiling-iling ako. I should just mind my own business bago makialam sa buhay ng iba.
“Para po.”/”Para.”
Wow. Sabay kami ni miss mayaman.
Tumigil ang jeep sa tapat ng gate ng Black Tower. Pagkababa ko, saka ko lamang napansin na may hawak ding letter ang babaeng katabi ko kanina.
Yung letter niya ay katulad lang din noong sa akin.
Coincidence? Huh?
“Player ka din ng Andromeda?”
Maglalakad na sana ako papasok sa gate nang marinig ko siyang magsalita.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang mataray niyang mga kilay na nakataas habang nakatingin sa hawak ko.
“The letter. Are you invited?” Tanong niya ulit habang nakacross arms pa.
“Hindi ba obvious?” Sarcastic na sagot ko sa kaniya.
Now I know. I am sure hindi kami magkakasundo ng babaeng ito.
“Chantelle nga pala. Ikaw?”
“Axcel.” Tipid kong sagot.
Tumango-tango lamang siya at nilakaran ako.
“One tip for you, in this game, everything here is unreal. So kung may makita ka man or maramdaman na parang katulad sa totoong buhay, it isn’t true. Kalimutan mo na lang iyon.” Bilin niya sa akin bago dire-diretsonh pumasok sa loob.
Kunot-noong tinignan ko lamang siyang papaalis sa paningin ko.
Sino ba siya para magbigay ng bilin sa akin? Mukha ngang mas matanda pa ako sa babaeng iyon pero kung makaasta akala mo sobrang tanda na. Ganoon ba talaga ang mga spoiled?
Nagkakad na lamang ako papasok sa loob ng gate.
“Invitation po?” Tanong ng humarang sa akin na guard. Mabilis ko namang inabot sa kaniya ang letter na natanggap ko.
Yung suotan niya akala mo kasama sa cast ng men in black.
Akala ko ba ang mga guard white ang uniform? Bakit dito itim?
They really live up with their name. Black Towers. Kaya siguro lahat ng mga empleyado nila naka-itim. Hindi ba sila naiinitan sa suot nila?
“Thank you. Sa second building na lang po kayo dumiretso. May nag-aassist po sa inyo doon.”
Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat.
Second building?
Inangat ko ang paningin ko para makita ang kabuuan ng black towers na naaabot lamang ng paningin ko.
There are one…two…three…four…five—wait no… There are freaking eight buildings na nakikita ko?! Hindi pa kasama ang mga buildings na nahaharangan noong iba.
Saan dito yung second building?
Dire-diretso lang ang lakad ko—nagbabakasakali na makita ko si Chantelle. She also received the letter, right? Then it means parehas lang kami ng pinunta dito.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang mahabang pila ng mga naka-itim na mga empleyado ng Black Towers.
Mukhang nakapalibot sila sa isang building. Ito na ba iyong second building?
Dumiretso ako sa tapat ng building na iyon. Tinitigan ko ang mga naka-itim na empleyado pero mukhang hindi sila gumagalaw.
Pinag-aralan ko ang kabuuan nila and I was surprised that they aren’t even breathing.
Pero mukha naman silang normal.
“Huy! Axcel!”
Napatingin ako sa loob ng building when I heard someone calling me softly.
Agad ko namang nakita si Chantelle na nawe-weirduhan na nakatingin sa akin.