
Si Angkol Emilio ay taga ibang bayan at dahil nga sa hirap ng buhay sa lugar na kanyang kinalakihan, halos wala siyang nagiging kostumer bilang isang tubero. Sa kagustuhang magsimula muli at maghanap ng mas maayos na oportunidad, nagpasya siyang lumipat sa Santo Birhen, Barangay Marupok, Sitio Makisig isang lugar na hindi niya inaasahang magpapabago ng takbo ng kanyang buhay.Si Emilio Bautista, isang 45-anyos na half Korean at half Pinoy, ay kilala sa pagiging tahimik ngunit may natural na karisma. Lumaki sa hirap at natutong magsumikap mula sa murang edad, dala niya ang kasanayan sa pagiging tubero na minana pa sa kanyang ama. Sa kabila ng kakulangan sa edukasyon, pinatunayan niyang ang sipag, diskarte, at malasakit sa kapwa ang tunay na susi sa pag-asenso. Sa bagong barangay, mabilis siyang nakilala bilang “maaasahang tubero”laging handang tumulong kahit minsan ay walang kapalit.Sa kabilang banda, naroon ang isang babaeng matagumpay sa kanyang larangan isang kilalang top lawyer mula sa isang prestihiyosong law firm. Matalino, matapang, at halos walang talo sa bawat kasong hinahawakan, pinili niyang paghirapan ang kanyang pangalan kahit na siya ay nanggaling sa marangyang buhay.Magtatagpo ang dalawang magkaibang mundo ang simpleng buhay ni Angkol Emilio at ang marangyang mundo ng isang abogada. Sa kanilang pagkikita, unti-unting mabubuksan ang puso nilang pareho sa mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera pagmamahal, tiwala, at tunay na kaligayahan.

