Madilim na ang kapaligiran sapagkat gabi na rin talaga ng nag kaayaan kami bigla dito sa bahay nila Pat at Mary. Pag dating na pag dating pa lang namin sa bahay nila ay pumuwesto agad kami sa veranda nila para doon mag pahangin at magligpit ng kaunting kalat dito. Pinaupo ko lang si Agatha sa hanging bench para hindi na siya mapagod pa sa kakakilos niya. Habang abala kami ni Pat mag linis ng pwesto namin ay inaya naman ni Mary si Agatha sa loob para gumawa ng mga pwede naming kainin. "William, hiramin ko muna si Agatha huh?" nakangiting sambit ni Mary sa akin. "Sige lang!" "Sige," "Kahit wag mo na ibalik!" pang aasar ko. "Baka umiyak ka na lang kapag di ko na binalik 'to sayo," natatawang sambit niya sa akin. "Syempre joke ko lang naman 'yun!" natatawang tugon ko sa kanya. Umalis

