Switching Scenes AGATHA'S POV Lumipas ang gabi na kaming dalawa ni Mary ang magkatabi. Maliwanag na ang kapaligiran ngunit nag papalakasan pa rin ng hilik ang dalawa. Nakaupo lang ako nito upang hindi ko magising si Mary ngunit ilang minuto rin ang lumipas ay nagising na rin siya. "Ooh buntis gising ka na?" bulong niya sa akin. "Shhh... Oo kakagising ko lang rin," tugon ko sa kanya. "Gusto mo bang sumama sa akin sa kusina?" tanong niya sa akin. "Magluluto tayo ng agahan natin tapos after nito babalik na tayo sa hotel," "Sige pwede naman," "Baka gising na rin ang mga bata sigurado akong matutuwa sila na makita ka," "Bakit?" "Maganda ka kasi kaya sigurado akong uulanin ka ng papuri sa mga boys ko," "Ooh? Puro lalaki pala ang anak mo," "Oo lahat sila kamukha ni Pat!" "Nako! Ba

