Pagkatapos akong mawalan ng malay ay hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari ngunit pag gising ko ay masayang nakatingin sa akin si William. "Anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya. "Ok na! Hindi ka na niya gagambalain pa," nakangiting tugon niya sa akin. "Talaga?" "Oo! Sabi ko sayo malaking tulong 'tong si doktora para ma-overcome mo 'yang gumagambala sayo." Tumingin ako kay doktora at ngumiti. "Salamat po doktora," nakangiting sambit ko sa kanya. "Walang anuman basta kapag nagkaroon kayo ng problema ay wag kayong mag alinlangan na lumapit sa akin," "Sige po doktora," tugon ni William sa kanya. "Ooh siya umuwi na kayo para makapag pahinga na kayo," "Salamat po ulit doktora." "Wag niyong kakalimutan 'yung susunod na session natin aah," "Opo." Binuksan na ni Will

