Pagpasok ko sa loob ay nakaramdam ako ng bigat sa katawan ko ngunit itinuloy ko pa rin ito para na rin matapos na ang banggaan namin ni William. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa upuan habang umiinom ng tea. "Ms. Agatha! kumusta?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ko. "Upo ka muna at magkwentuhan tayo." sambit niya. Umupo ako sa harapan niya at mas lalong nakaramdam ako ng bigat sa katawan ko. "Grabe ang lakas ng pwersa mo aah," nakangiting sambit niya sa akin. "Ano 'yun doktora?" naguguluhang tanong ni William sa kanya. "Ilang taon na siyang nasa iyo?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo doktora," naguguluhang tugon ko sa kanya. "Anyway inom ka muna calming tea para mas mabilis kang kumalma.

