I found peace in my room nakatulala lang ako sa kawalan habang inaantay na dapuan akong muli ng antok. Habang nasa himpapawid ang aking kaisipan ay naalala ko ang matatamis na sandali ko kasama ang unang lalaking nag patibok ng puso ko. Sa dami-dami nang lalaki na makikita ko sa bar at makakasex ko bakit si Yael pa? Hindi kaya ilaglag ako ni Yael sa marami? Ipapakilala na ba niya ako bilang Syrina at hindi Agatha? Kahit may kaba sa dibdib ko ngayon ay nahahaluan naman ito ng kilig. "Ang laki pala ng kanya," kinikilig kong sambit habang inaalala ang mga nangyari kagabi. "Nauuhaw ako." nasambit ko bigla dahilan para tumayo ako sa kinahihigaan ko at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Pagbaba ko sa kusina ay binuksan ko agad ang ref ko at tumambad sa akin ang napaka bahong amoy nito.

