William's Pov
Unang kita ko palang kay Agatha alam kong may kakaiba na sa kanya. Matagal-tagal ko na ding sinusubaybayan si Agatha mula ng lumipat siya sa tinitirahan niya. Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya na gusto kong malaman kaya mas gusto ko pa siyang makilala. Si Agatha sa pag kakakilala ko sa kanya isa siyang seryosong tao, mahilig mapag-isa at tahimik na tao. Hindi siya yung tipo ng tao na mag pu-first move para kausapin ka. Kakausapin ka lang niya kapag kakausapin mo siya pero kapag hindi mo na siya kakausapin wala na siyang pake sayo. Si Agatha yung tipo ng babae na kayang mag paka independent kaya niyang mabuhay kahit wala ka kasi hindi daw siya naniniwala sa katagang "No man is an island" ngunit ang katagang ito ay biglang nag bago.
She is depending on me right now. Sobra akong nabahala sa mga kinikilos niya ngayon.
Ilang oras na ang lumipas buhat ng lumabas ako sa silid niya nang bigla nalang akong nakarinig ng malakas na sigaw. Dali-dali akong tumakbo sa silid niya at nakita kong nakataas ang kanyang mga kamay na para bang may humahawak nito.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya at hinawakan ko agad siya sa kanyang mga braso at tinawag ang kanyang pangalan.
"Agatha!" sigaw ko.
"Agatha! Agatha!" paulit-ulit kong sigaw sa kanya kasabay ng pag yugyog ko sa kanya.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at kitang-kita ko sa kanya na sobrang takot na takot siya. Pawis na pawis siya ng hinawakan ko siya kahit na naka aircon sa loob. Nanginginig siya at tila ba'y nawawala sa kanyang sarili.
Hinagkan niya ako ng sobrang higpit! hindi na ako pumalag pa sa pag yakap niyang ito sapagkat ramdam ko sa kanya na takot na takot siya.
Pagkayakap ni Agatha sa akin ng mahigpit ay bigla nalang siyang nag kwento sa nangyari sa kanya kanina. Maluha-luha siyang isinaad ang nakakatakot na pangyayari sa kanya dito sa ospital.
"May babaeng gustong pumatay sa akin kanina William," nanginginig na sambit niya sa akin.
"Babae?" nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Oo! kanina may biglang pumasok na babae dito! t-tapos, ta-tapos kanina tulog ka lang dito sa tabi ko tapos nung nagising ka sa sigaw ko biglang sinakal mo ako," nanginginig niyang saad sa akin.
"Kanina pa ako sa labas Agatha, Anong pinag sasabi mo diyan?" nag-tatakang tanong ko sa kanya.
"Ano?" gulat na tanong niya sa akin. , "Paanong kanina ka pa sa labas? Eeh nasa baba ka lang ng kama ko natutulog," sambit niya sa akin.
"Hindi! I swear Agatha nasa labas ako kanina pa hindi pa ako pumapasok dito sa kwarto mo," seryosong sambit ko.
"s**t! Kinilabutan ako bigla!" sigaw niya habang hipo-hipo ang kanyang braso. , "Nakita mo yung mga balahibo ko sa braso? Nag taasan silang lahat! Papatawarin naman kita kung sinaktan mo ako ng walang dahilan eeh!" galit na sambit niya sa akin.
"Bakit naman kita sasaktan? para saan?" inis na tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako nagloloko William! Nandito ka nga kanina tapos sinakal mo ako tapos bigla kang nawala!" pamimilit niya sa akin.
"Ok! Calm down. Kung ako nga yung sinasabi mo bakit naman kita sasaktan diba?"
"I don't know! Pero I swear William I saw you with my two eyes!"
"Sige hindi na ako makikipagtalo sayo pero ito lang ang tandaan mo Agatha. Hindi totoo ang mga nakita mo kanina at nangyari sayo kaya wag mo na itong iisipin huh,"
"P-pero,"
"Wala ng pero-pero Agatha,"
"Basta wag na wag mo na akong iiwan William! Please! Baka balikan niya ako," sambit niya habang nag susumamo sa akin.
"Ok! Ok! Ok! Hindi kita iiwan. Pangako ko sayo 'yan," habang hawak-hawak ang mga kamay niya.
"Salamat." sambit niya sa akin sabay ngiti.
Ngumiti ako pabalik sa kanya at hinigpitan ko ang mga hawak sa mga kamay niya.
"Promise yan huh! Wag mo kong iiwan," habang tinataas ang hinliliit niya sa akin.
"Oo pangako." sambit ko habang taas-taas ang hinliliit ko.
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Agatha ay bigla ko nalang napansin ang mga dugo sa kama niya kaya agad ko itong tinanong kay Agatha.
"Wait ano 'to? Bakit may mga dugo sa kama mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam," tugon niya sa akin.
Chineck ko ang buong kama niya at nakita ko yung dextrose ni Agatha na nakatanggal sa kamay niya.
"Natanggal yung swero mo teka at tatawagin ko yung Nurse." sambit ko sa kanya habang papabitaw sa kamay niya.
Agad na hinabol ng hablot ni Agatha ang kamay ko at nakiusap na wag ko siyang iiwan muli.
"Huy! Teka lang! Wag mo kong iwan!" takot na sigaw niya sa akin.
"Mabilis lang ako tatawagin ko lang yung Nurse na naka asign sayo,"
"Kakapangako mo palang sa akin na hindi mo ako iiwan William,"
"Saglit lang 'to tatakbuhin ko na yung Nurse para mabilis akong makabalik dito,"
"Ok sige bilisan mo aah,"
"Oo."
Nag madali akong lumabas sa kwarto niya para tawagin ang Nurse na naka assign sa kanya. Patakbo akong pumunta sa Nurse Desk para sabihin kung anong nangyari kay Agatha.
Natanggal ang swero niya at may bakas ng mga dugo sa kama niya. May mga dugo na din yung dextrose niya kaya hindi na niya magagamit ito.
Pag punta na pag punta ko sa Nurse Desk ay agad kong hinanap si Nurse Jane.
"Si Nurse Jane?" madali kong tanong sa isang Nurse doon.
"Ahmmm... Kinausap ata ni Doc. Kim, Bakit po Sir?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Available ka ba? Natanggal kasi ang swero ng kaibigan ko at puro dugo na sa kama niya," sambit ko sa kanya.
"Ano pong nangyari sa kanya? Wait Sir kuha po ako ng bago para sa dextrose niya," sambit nito sa akin.
Madali akong umalis sa harap niya pagkatapos kong sabihin kung ano ang kailangan ko at bumalik na ako sa kwarto ni Agatha. Pag kabukas na pag kabukas ko ng pinto ay nakita ko agad siyang nakatingin sa akin. Malaki ang ngiti niya ng nakita niya ako marahil nung umalis ako ay nag aabang na siya sa pinto kaya nakatingin siya agad sa akin nung pag pasok ko.
Ngumiti ako sa kanya at nag tanong.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Nanghihina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Masama pakiramdam ko ngayon nanghihina ako dahil sa nangyari kanina," malungkot na tugon niya.
"Padating na yung Nurse kaya mag wait ka lang muna diyan huh!" sambit ko sa kanya.
Napansin kong tingin siya ng tingin sa mga braso niya kaya nag lakas loob na akong nag tanong sa kanya.
"Anong meron diyan? Bakit tingin ka ng tingin sa braso mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Aah-eeh Ano may bakas kasi ng kamay dito sa braso ko." takot na tugon niya.
Agad kong nilislis ang damit niya at tiningnan ko yung braso niya.
"Wala namang bakas ng kamay?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Alam ko! kanina kasi meron tapos bigla ding nawala," sambit niya sa akin habang nag susungit.
"Sige na meron kung meron," sambit ko sa kanya.
"Para namang hindi ka naniniwala sa akin. Wala naman akong dahilan para mag sinungaling sayo diba?" masungit na sambit niya sa akin.
"Hoyoyoy! Kanina ang clingy mo sakin may pa wag mo ko iwan, wag mo ko iwan ka pa! tapos ngayon susungitan mo ko? alis nalang kaya ako tutal kaya mo naman na ata diba?" asar na sambit ko sa kanya.
"Hala! Joke! Charrr! Charoot lang! Ito naman di mabiro," pamimigil nito sa akin sabay ngiti.
"Pekeng ngiti! aalis na talaga ako dito," seryosong sambit ko sa kanya.
"Ito na nga ooh! ngingiti na ng maayos," nakangiting sambit nito.
"Mabuti."
Ngumiti ako sa kanya pabalik at pinipilit kong baguhin ang takbo ng utak niya. Alam kong may nangyayari sa kanya na hindi maganda kaya ganyan siya ngayon. Takot, kabado at hindi kayang mapag iwanan.
"I will be staying with you for a whole night," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Thank you! William." nakangiting tugon niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisa-pisa ito. Napaka lambot at napaka kinis ng mga kamay niya halatang hindi sanay sa gawaing bahay.
"You will be safe here, with me!" sambit ko sa kanya.
"Yes! I do," nakangiting sambit niya sa akin.
Bigla nalang akong natawa sa ginagawa naming dalawa. Tumingin ako sa kanya ng matalim sabay asar sa kanya.
"Yieeh, Aminin mo naa-attached kana sa akin noh?" pang asar ko sa kanya.
"Yes!" Seryosong sa'ad niya.
Nanlaki ang mata ko at humaba ang buhok ko ng bahagya nung narinig ko yung sagot niya.
"Yes! kasi wala akong choice! Ooh? Umasa ka?" bigla niyang sambit habang nakabungisngis.
"Hala nagjo-joke ka pala?" pang aasar ko sa kanya.
"There's a time naman na maganda akong kausap hindi lang talaga ako kumportable sayo dahil iba ang pagkatao mo,"
"Bakit ano ba ako sayo?"
"Hmmm... Isa ka lang namang babae na kapitbahay ko sa apartment," asar na sambit niya sa akin.
"Aahh ganun ba ako sa paningin mo?"
"Oo. Hindi ko alam bakit naaasar ako sayo kapag nakikita kitang paiba-iba ng babae na kasama tapos ang ingay niyo pang mag s*x! Nakakaistorbo kayo nang tao!"
"Hindi ko naman ginusto na masarap sila sa akin at panay ang pag sama nila sa akin sa bahay,"
"Kadiri! Hindi ka ba natatakot sa Hiv? Hindi naman sa kinokwesyon kita pero syempre di ba paiba-iba ng babae ang ginagamit mo araw-araw,"
"May proteksyon akong ginagamit at para sabihin ko sayo na malinis ang mga babaeng dinadala ko sa bahay ko," seryosong sambit ko sa kanya.
"Whatever! pero next time kapag gagawa kayo nang milagro sa apartment mo siguraduhin mong wala ako sa bahay aah! kasi sobrang hirap ako matulog dahil light sleeper lang ako mabilis akong magising sa mga ingay at kalabugan,"
"Ok. Sa susunod mag lalagay ako ng mga sound proof sa dingding para hindi mo marinig ang mga ungol ng mga babae ko,"
"Ewww."
Naiiba ang usapan namin ni Agatha at naaaliw ko siya kahit pa nakataya ang pagkatao ko sa topic naming ito ay hinayaan ko nalang siya para maiba ang isipan niya at mabura sa kanya ang takot.
Habang inaaliw ko si Agatha ay dumating na yung Nurse na nakausap ko kanina sa Nurse Desk dala-dala nito yung pamalit na dextrose at stethoscope niya.
Sinuri niya agad si Agatha at tiningnan ang natanggal nitong dextrose.