EPISODE 9

1464 Words
"Nurse Erica po," nakangiting sambit niya sa amin. "Kailan po kayo nag ra-rounds dito Nurse?" tanong ni Agatha. "Kaka-rounds lang namin kanina, Bakit?" "Kayo po ba yung palakad-lakad kanina sa labas ng kwarto ko?" "Maaari na kami 'yun bakit?" "Aaahh edi kayo nga yung nakita ko?" "Bakit ma'am ano bang meron?" nagtatakang tanong ni Nurse Erica sa kanya. "Nako Nurse! matanong lang po talaga itong kaibigan ko pasensya na po," singit ko sa kanila. "Ok sige po. Ayusin ko po muna yung swero nyo ma'am at nakatanggal ito sa inyo ngayon. Matanong ko lang po kayo ano pong nangyari dito?" tanong niya sa amin. "A-ano ka-si Nurse Erica," utal na sambit ni Agatha. "Naghahaturan kasi kaming dalawa Nurse kaya po natanggal sa pagkakalagay sa kanya. Pasensya na po," naka ngiting sambit ko. Tumingin sa akin si Agatha ng matalim at sumabay nalang sa alibi ko. "Diba? Kaya natanggal yan kasi hinaharot mo ko? Nako! Nako! 'Yan tuloy nangyari sayo," pang aasar ko kay Agatha. "Ayy? Oo nga hinarot mo kasi akong pokpok ka kaya natanggal ang swero ko," nakataray niyang sambit sa akin. "Hingang malalim," sambit ni Nurse Erica kay Agatha. , "Ok! Good! Sa susunod ma'am mag ingat kayo sa dextrose nyo kasi kapag nagkaproblema na naman kayo diyan ay hahanap na tayo ng bagong line niya dahil nabubugbog na po yung luma," sambit nito. "Sige po." Napalitan na ang dextrose ni Agatha. "As per checking po sa papers nyo ma'am Agatha nalaglag po kayo sa hagdan?" tanong ni Nurse Erica. "Yes! Nurse. Nalaglag ako sa hagdan," sambit naman ni Agatha. "Bakit?" nagtatakang tanong niya kay Agatha. , "Madulas ba ang hagdan niyo o baka natapilok kayo?" "Naka cast na po kasi yung paa ko nung nalaglag ako baka siguro po natisod ako," "Maaari," sabay sulat nito sa maliit na papel niya. , "Bale gusto ko lang po sabihin sa inyo ma'am Agatha na serious case na po itong sa inyo kasi both feet baldado. May chance po na putulin yung mga paa nyo kapag po hindi ito gumaling agad," seryosong sambit ni Nurse Erica. "Ano po? Totoo ba ito?" kinakabahang sambit ni Agatha. "Hala ka boy! Narinig mo puputulin na yang mga paa mo," pang aasar ko kay Agatha. "Walang puputulin na paa!" sabat ng boses ng isang lalaki na nagmumula sa likuran ko. Ngumiti ng sobrang laki si Agatha sa kanya. "Ahemm... Nandito ako girl kung maka ngiti ka diyan," inis na sambit ko sa kanya. "Doc. Kim," sambit niya habang abot-abot ang kamay niya sa akin. "Aah... Ikaw pala si Doc Kim. William nga pala," ngiti ko habang abot-abot ang kamay ko. "Una na ako Ms. Agatha at nandyan na si Doc Kim para check-upin ka," ngiti ni Nurse Erica sabay alis. "Thank you! Nurse Erica," sambit ko. Ngumiti lang si Nurse Erica sa akin kaya bigla kong natuon ang atensyon ko kila Agatha at Doc Kim. Batid sa mukha ni Agatha na sobrang saya niya kaya lumabas nalang muna ako ng silid niya. Iniwan ko nalang muna silang dalawa sa silid tutal mukha namang wala na akong space para sa kanilang dalawa. "Zach at Doc Kim."  Hindi ko alam kung bakit parang naiirita ako sa inyong dalawa dahil umaaligid kayo kay Agatha. Wala namang level sa aming dalawa dahil bago-bago palang naman kami na magkakilala pero dahil sa sobrang naku-curious talaga ako sa katauhan ni Agatha parang gusto ko siyang makilala pa ng lubusan at kung maaari ay gawin ko siyang kasintahan. Umaligid man kayo kay Agatha ay sisiguraduhin kong ako ang pipiliin niya pagkadating ng judgement day. Lumabas na muna ako ng silid ni Agatha at tumungo muna ako malapit sa convenience store para bumili ng makakain. Mabagal akong nag lakad para pag balik ko sa silid niya wala na si Kim este Doc Kim. "Psst! Psst!" Malakas na pusisit ang narinig ko mula sa likod ko kaya lumingon ako mula sa pinang gagalingan ng pusisit at nakita ko si Nurse Erica na nakangiting kumakaway sa akin. "Hey!" nakangiting sambit nito sa akin. "Uy! Uwi kana Nurse Erica?" nakangiting sambit ko. "Oo uuwi na ako, Ikaw ba?" tanong niya sa akin. "Aah sige ingat sa pag uwi," naka ngiting sambit ko. "Ikaw nga? Uuwi ka na ba? Tara sabay na tayo," paanyaya niya sa akin. "Nako mag babantay pa ako ng baldado," nakangising sambit ko. Natawa siya sa sinabi at biglang tugon sa akin. "Ayyy sayang naman sige una na ako baby aah," sabay kindat nito sa akin. Nag patuloy na ako sa pag lalakad at sa hindi kalayuan ay bigla akong hinabol ni Nurse Erica. "Nakalimutan mo," sabay abot ng kamay ko. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Basta! Sige na bye na Baby." tugon niya sa akin. Umalis na si Nurse Erica sa harapan ko at naiwan na akong mag isa sa daan. Binuksan ko ang palad ko at nakita ko ang isang pakete ng condom. "Sabi ko na nga ba eeh!" inis na sambit ko. Pagkakita ko ng isang pakete ng condom sa palad ko ay agad ko itong tinapon sa basurahan. "Wag muna ngayon please lang!" sambit ko nalang bigla. Alam ko ibig sabihin nito kaya tinapon ko na agad. May iniwan din siyang numero niya sa plastic. "Anong akala mo sa akin? Easy to get?" natatawang sambit ko nalang. Pagkatapos kong itapon ang dapat kong itapon ay nag madali na akong pumunta sa convenience store. Baka kasi mawalan na ng kasama si Madam Agatha mabaliw-baliw na naman 'yun. Pag pasok ko sa store isang magandang ngiti na agad ang tumambad sa akin mula sa service crew nila doon. "Magandang gabi po Sir." nakangiting bati ng babaeng crew. Ngumiti din ako pabalik sa kanya at dumiretso na ako sa kuhaan ng tubig. Kumuha lang ako ng dalawang bottled water at pumunta na ako sa snack bar nila doon. Sobrang nakaka miss ang Filipino snacks at dahil sa sobrang dami ng variety ng snacks dito ay napatagal ako ng pili. Habang namimili ako ay biglang may pumalo sa pwet ko nang pagkalakas-lakas. "Awww!" sambit ko habang hipo-hipo ang pwetan ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Kendra na naka ngiti sa akin. "What's up!" sambit niya sa akin habang naka ngiti. "Huy! How do you find me?" nagtataka kong sambit sa kanya. "Duh! I know your scent! Sabi ko sayo I will find you whenever you go." sambit niya sa akin habang nagpapa cute. Hipo-hipo ko ang ulo ko na tinitingnan siya. "Nag jo-joke ka din pala Kends?" sambit ko sa kanya sabay tawa. "Really? Well, How's life anyway? It's been a months na hindi tayo nag kita? right?" sambit niya sa akin. "Ok naman," sambit ko sa kanya. "Good! Tara sa condo ko! I'm tight right now!" masaya niyang sambit. "Sorry, I can't. May pasyente ako ngayon," sambit ko sa kanya. "May kamag-anak ka pala dito? I thought nasa states silang lahat?" sambit niya sa akin. "Yeah nasa States silang lahat. Ako kasi ang bantay ng kaibigan ko na ospital ngayon wala kasi siyang pamilya dito so since ako ang katabing bahay niya ay ako na muna ang mag babantay sa kanya," sambit ko naman. "Is she or he? Or it? Baka kung saan mo na naman nadampot yang entity na 'yan aah?" pang aasar niya sa akin. "Alien 'yun para lang mapanatag ka. Kendra I have to go! Nice seeing you again." sambit ko sa kanya sabay punta sa counter. Isa si Kendra sa mga nadala ko sa apartment ko at nakasama ko sa tawag ng laman. Mula ng bumalik ako dito sa Pilipinas naging ganito na ang buhay ko dito. Paiba-iba ang babaeng kasama ko araw-araw kaya akala nilang lahat ay masama akong tao. Abot-abot ko sa counter yung mga pinamili ko. "Ms. Wait lang aah may nakalimutan ako." sambit ko sa kanya sabay ngiti ko. Pumunta muli ako sa snack bar at kumuha nalang ng kung anong pwedeng kunin doon. Kumuha na din ako ng pang pamper ni madam Agatha na chocolate para may kainin siya doon. "Para kanino yan?" tanong ni Kendra sa akin. "Wuyy! Nandyan ka pa pala?" gulat na sambit ko sa kanya. , "Para nga dun sa pasyente ko!" inis na sambit ko. "Urghhh! I think this entity is important to you. I hate seeing you today! Inis!" sambit niya sabay alis sa harap ko. "Sige! Ingat ka sa pag uwi." sambit ko sa kanya. Pagkatapos kong kumuha ng mga dagdag na bilihin ko ay bumalik na muli ako sa counter. Nakangiting inabot nung cashier yung mga dala ko sabay punch nito. "Thank you." sambit ko sa kanya sabay bayad. Nag madali akong lumabas sa convenience store para makabalik na ako agad sa hospital medyo nag aalala kasi ako kay madam na baka umalis na yung Doc Kim at iwan na siyang mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD