EPISODE 30

1878 Words

Lumipas ang isang oras ay nakatapos na kami ng isang palabas. "Ano iisa pa ba kayo?" tanong ni William sa akin. "Ako uuwi na ako at inaantok na ako," singit ni ma'am angela. "Inaantok na din ako," tugon ko naman. "Ooh edi wag na manood. Itatabi ko na ba itong mga pagkain na natira?" "Sige na itabi mo na 'yan at puputok na ang tiyan ko sa kabusugan," "Ok sige." Tumayo na sa upuan si William para linisin ang la mesa na pinaglagyan ng mga pagkain namin. Kinuha niya ang mga tira-tirang pagkain at dinala niya sa kusina para ayusin sa ref ng bigla akong siniko-siko ni ma'am Angela. "Husband material 'yung jowa mo. Akala ko ba babaero 'yan?" "Hindi ko pa nga sinasagot. Oo babaero 'yan," "William? Babaero ka daw?" bigla niyang sambit kay William. "Shhh! Bakit mo naman sinabi sa kanya?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD