Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ding magluto ng agahan si William. Dinala nalang niya ang mga pagkain sa sala upang hindi na ako tumayo pa sa upuan at maglakad. "Hindi mo naman ako sinabihan na marunong ka palang magluto," nakangiting sambit ko sa kanya. "Kailangan bang sabihin ko pa ito sayo kung pwede ko naman ipakita sayo," "Masyado ka talang pa-fall," "Bakit nahuhulog ka na ba? Wag kang mag alala sasaluhin kita," "Ewan ko sayo!" sambit ko sa kanya habang kinikilig. Kukunin ko na sana ang plato sa tapat ko ngunit bigla itong kinuha ni William at sinandukan ako ng pagkain. "Wag masyadong maraming kanin," sambit ko sa kanya. "Huh?" gulat na tanong niya sa akin. "Sabi ko kaunting rice lang," "Bakit? Sayo ba 'to?" "Hala? Gago? Seryoso?" "Bakit? Akala mo ba sasandukan kita

