Hindi ko alam kung anong nangyari dun sa matanda at nag wawala pagkatapos hawakan ang mga kamay ko pero hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako bigla sa kanya. "Bakit tayo pinaalis nung manggagamot?" tanong ko kay William. "Hindi ko din alam kung bakit pero hayaan mo na at umuwi na lang tayo alam kong pagod na pagod ka na dahil sa ginawa ko sayo," "Ok lang basta kasama kita," "Sorry talaga Agatha," "Ok lang." Sumakay na muli kami dun sa tricycle na sinakyan namin kanina papunta dito pagkatapos nito ay bumalik na kami sa syudad para doon naman sumakay ng taxi pauwi sa apartment namin. Habang nasa taxi kami ni William ay hindi niya mapigilan na mag tanong sa akin kung anong nangyari sa aming dalawa nung matanda. "Anong nangyari sa inyo nung matanda? Bakit nagalit siya sayo?" tan

