"Nako wag masyadong pa sweet at hindi tatalab sa akin 'yan!" pang aasar ko sa kanya. "Sus! Madali ka lang pakiligin masyado ka lang maarte," "Maarte? Talaga ba?" "Hindi pala maarte ang tawag dun. Ano nga 'yun?" "Pa hard to get!" natatawa niyang sambit sa akin. "Syempre anong gusto mong gawin ko? Bumigay agad sa mga pa-sweet mong ginagawa? Nuh hindi pa ako baliw para maging easy girl," "Gagalingan ko na lang manligaw para sa ganun ay makuha na kita," "Siguraduhin mong gagalingan mo dahil kapag hindi bahala ka diyan," "Ako pa ba? Kakayanin ko kahit mahirap," "Naks! Akala mo 'yun? 'Yung playboy na si William mag titiis para sa akin? Wow! Amazing!" pang asar ko sa kanya. "Syempre naman piling ko kasi worth it 'yung pag sa-sacrifice ko kaya itotodo ko na 'to," "Sige ikaw ang bahala ba

