Nagtuloy-tuloy ang magandang pakiramdam ko dahil kahit pa anong gawin ko ngayon ay masaya ang puso ko. Lumipas ang mga oras at bumalik muli si Doc Kim upang ipa-pirma sa akin ang dokumento para sa dischargement ko. "Okey! Miss Agatha paki-pirmahan na lang itong mga documents na dala para makadischarge ka na," sambit ni Doc Kim. "Mabuti naman at lalabas na ako," "Hindi na kita makikita ulit," "Jusko pwede naman pumunta ka na lang sa office para makita mo ako," "Pwede ba?" "Oo pwede naman kung may gagawin ka doon," "Paano kung bibisitahin lang kita?" "Syempre magpaalam ka muna sa boyfriend ko," "Meron na agad?" "Oo. Kakasagot ko lang kahapon sa kanya," "Sino naman 'yan? Akala ko ba ako lang?" "Hala ka? Nag pipiling ka na aah," natatawang sambit ko sa kanya. "May I know kung si

