"Sige na matulog ka na at hahawakan ko lang ang kamay mo para hindi ka nila gambalin," "Sigurado ka?" "Oo naman. Gusto mo ba matulog nalang din ako sa tabi mo?" "Huh? Gago wag!" "Bakit naman," "Siraulo ka talaga," "Tatabi lang naman sayo eeh," "Napaka manyak mo talaga Willliam! Sige na matutulog na ako." Ngumiti siya sa akin at pinahiga ako sa kama. Paghiga ko sa kama ay agad akong pumikit para matulog at sa pag pikit ng mga mata ko ay mabilis din akong nakatulog. Kinabukasan. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakatulog si William sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko. "Anong oras na?" tanong ko nalang bigla. Napatingin sa akin si William at ngumiti muli sa akin. "Gising ka na pala," sambit niya sa akin habang humihikab-hikab. "Oo kakagising ko la

