Chapter 7: Pagbabago sa loob ng Lionheart Mansion

2036 Words
Pagod na pagod ang magpipinsan nang makabalik sa Lionheart mansion. Halos ayaw na ring magsibangon kinabukasan dahil sa p*******t ng mga katawan. Habang nag-aalmusal ang lahat kinausap ng Don si Airah. "Sana naman tawagin mo akong lolo kahit minsan lang katulad ng mga kapatid at pinsan mo." "Mangyayari lang yun kapag gumaling na kayo sa sakit niyo." "Imposibleng gagaling pa ako. Palala ng palala na ang sakit ko." Sagot ng Don. Walang ni isa man kang ang sumubo nang magmula nong magsalita ang Don. "Bakit ba ayaw mo man lang pagbigyan si lolo? Kaunting bagay lang naman ang hinihiling niya sayo." Mahinahong tanong ni Arthron. "Please lang. Wag mo namang pairalin ang pride mo." Pakiusap naman ni Arthur. Hindi sumagot ang dalaga at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Bago ako aalis, gusto ko munang makitang magkakasundo na kayo. Throne, sayo ko iaasa ang mga pinsan at mga kapatid mo." Sabi niya kay Throne. "Nga pala pagka-graduate mo sa Micanovic high, sa Lux University ka na rin mag-aaral kasama ang mga pinsan mo." "Opo grandpa." Sagot ni Throne na nakayuko. Nang makaalis na ang Don, kinausap ni Arthur ang mga anak at mga pamangkin. "Ang totoo palala ng palala na ang sitwasyon ng lolo niyo kaya ipakita niyo sa kanya kung karapat-dapat ba kayong magiging isang apo niya. Kung maaari iwas-iwasan niyo na ang pag-aaway." Paalala niya sa lahat. Napatingin din siya kay Airah na abala lamang sa pagsi-cellphone. "Airah." Tawag niya. Napadiin naman ang paghawak ni Airah sa kanyang cellphone bago inangat ang tingin. Tumikhim muna si Arthur bago magsalitang muli. Hindi niya maiwasang mai-intimidate sa mga tingin ng anak. "Inaayos na namin ang mga kakailanganin mo at maari ka ng pumasok sa Lionheart ngayong paparating na pasukan." Ilang sandali katahimikan na ang sumunod dahil hindi sumagot ang kinakausap at muli ng itinuon ang pansin sa hawak na cellphone. "Kinakausap ka ni Tito tapos di ka man lang marunong sumagot? Palibhasa lumaki sa labas." Sabi ni Alvira. "Alvira." Tawag ni Arthron para tumahimik na si Alvira. Umungol naman si Alvira bilang protesta, inirapan si Airah bago ibinagsak ang katawan sa couch. Iniba naman agad ni Mrs. Nova ang usapan para hindi magiging awkward ang atmosphere. Ilang araw ang lumipas tapos na rin ang summer vacation. Muli na namang magbubukas ang klase at papasok ng muli ang mga tagapagmana ng Don sa Lionheart Academy. "Young master gising." Pagising ng isang personal butler ni Aikoh. "Alis! Disturbo." Sigaw nito sabay sipa. "Pasukan na po." Muling sabi ng butler. Napabalikwas naman siya ng bangon. Asar na asar na tinungo ang banyo. Nasa hapag-kainan na ang lahat at naka-school uniform na rin. Hindi nila kasama ang Don sa breakfast nilang ito. Wala rin si Airah. "Asan si ate Airah?" Tanong ni Aina. Sa lahat ng Lionheart siblings mas gusto niya si Airah dahil kahit mukha itong cold mabait naman ito sa kanya. "Next week pa daw papasok." Sagot ni Throne. "Bakit siya pwede ako hindi?" Reklamo ni Raven na tinatamad pumasok. Kundi lang siya pinagalitan ng mama niya sa cellphone baka nag-absent na siya ngayon. "Di wag kang pumasok. Problema ba yun?" Sagot naman ni Ava. Inikot naman ni Raven ang mga mata. Kung di lang siya nag-alala na mawawalan siya ng allowance kapag nag-absent siya bakit hindi? Nasa silid naman niya si Airah. Tinitingnan ang files na tungkol sa Lionheart heirs and heiresses na ipinasa sa kanya ng kanyang papa Andrey. "Kapag diyan ka titira posibleng makakakuha tayo ng clue kung paano nadisgrasya ang lola mo." Ang naalala niyang sabi sa kanya ng kanyang ama sa phone. Isa sa pinakadahilan kung bakit pumayag na lamang siyang tumira sa mansion ni Don Art iyon ay upang makahanap ng clue at ebidensya tungkol sa nangyari sa kanyang lola. Lumabas siya at namasyal sa paligid ng mansion. Narinig niyang may flower garden ang lola niya kaya naman hinanap niya ito. "Miss. Bawal dito. Kita niyo na ngang may nakalagay na restricted area?" Sabi ni Gina. Isa sa pinakamatagal ng katulong sa Lionheart mansion. Napataas ang kilay ni Airah dahil sa tono ng pananalita ni Gina. Kung makaasta kasi parang sinong may-ari ng lugar. Napatingin si Airah sa isang maliit na daan patungo sa malawak na flower garden. May karatula nga na sinulatan ng restricted area. "Umalis na kayo dito Miss. Nakakaabala lang kayo sa trabaho namin." Sabi naman ni Joan na kasama ni Gina. Natalsikan pa si Airah ng tubig mula sa pagdidilig ni Joan. Nabasa ang kanyang sapatos at blusa na ikinatalim ng tingin ni Airah. Kinuha ni Airah ang cellphone niya at tinawagan si Arthur. Si Arthur naman na nasa office niya nagulat makitang tinawagan siya ni Airah. Halos mapatalon na siya sa tuwa nang damputin ang kanyang cellphone. Nanginginig ang boses niya nang sagutin ang tawag. "Hello!" Sabi niya ngunit walang sumagot sa halip, boses ng mga katulong nila ang kanyang narinig. "Hindi dahil apo ka ng Don tinatanggap ka na namin na maging amo namin. Si Miss Aikah lamang ang tunay naming amo at siyang karapat-dapat magiging young mistress sa mansion na ito." Boses ito ni Gina na ikinasama ng mukha ni Arthur. "Oo nga. Malay mo isa ang kaniyang ina sa umakyat sa kama ni Sir Arthur tapos nagpabuntis para makapagsilang ng tagapagmana di ba?" Napamura naman si Arthur sa narinig. Aware siya na maraming kumalat na tsismis tungkol kay Airah magmula ng dumating ito sa mansion ngunit hindi niya inaakala na pagsasalitaan siya ng mga katulong na ito ng ganito kapag wala siyang ibang kasama. Pagkatapos ng mga boses sa kabilang linya nakarinig siya ng mga hiyaw sa sakit at mga ungol na lamang. Ilang sandali pa'y narinig na ni Arthur ang boses ni Airah sa kabilang linya. "Kung nakikinig ka dapat nandito ka na at linisin ang kalat mo." Sabi ni Airah at pinatay na ang cellphone niya. "Boss, may meeting pa po kayo mamayang 9 am." Sabi niya ngunit nakaalis na ang boss niya. Nang makasakay si Arthur sa kotse niya bigla siyang napaisip. Pwede naman tawagan na lamang niya si butler Kim at siya ng bahala sa dalawang maid na iyon. Kinuha ulit ang cellphone niya at tatawagan na sana si butler Kim nang maisip na ito palang ang unang pagkakataon na nilapitan siya ng anak at tinawagan. Maaaring ito na ang unang hakbang para mapalapit ang loob ni Airah sa kanya. Kaya ibinaba na lamang ulit ang cellphone saka pinaandar na ang kotse. Pagdating niya sa mansion nakita niya ang dalawang maid na nakaluhod sa tapat ng pintuan at may nakasabit pang karton sa kanilang leeg na may nakasulat na "wag niyo akong tularan. Isa akong katulong na walang galang sa aking amo." Nakita niya si Nova na umiiyak na dahil naaawa sa dalawang katulong niya na nakaluhod sa tapat ng pintuan. Nakasandal naman sa gilid ng pintuan si Airah habang tinitingnan ang mga kawal na papalapit sa gawi niya. Nandito sila para paalisin si Airah at ikulong sa kwarto nito bilang parusa sa ginawa niya sa dalawang maid. Ngunit bago pa man mahawakan ng mga kawal dumating na si Arthur. Nagliwanag ang mukha ni Nova makita ang asawa. "Arthur, si Airah kasi. Natalsikan lang ng tubig sinampal na agad sina Gina at Joan. Hindi lang yun pinaluhod pa sila." Naluluha niyang sambit. "Pinakiusapan ko siya kaso ayaw talaga. Kausapin mo yang anak mo. Kawawa naman ang mga katulong natin kapag nangyayari palage ang ganito." Pinahid ni Mrs. Nova ang kanyang luha. Palihim na napangiti makitang sobrang dilim ng mukha ni Arthur. Hinihintay niya na papagalitan ni Arthur si Airah at paparusahan. "Ang bait talaga ni Mrs. Nova. Kaya naman sobrang bait din ni Miss Aikah dahil nagmana sa kanya." Bulong ng isang maid sa kasama. "Sinabi mo pa." Sagot naman ng isa pa at sabik na sabik ng malaman na mapaparusahan din si Airah kagaya sa ibang mga heirs at heiresses ng Don kapag may nagawa silang mga pagkakamali. Minsan kasi noong binastos ni Raven ang isang maid, sinampal si Raven ni Sir Arthron at ni-freeze pa ang credit card nito. At noong sinampal ni Alvira ang isang maid dahil sa badmood siya tinanggalan si Alvira ng allowance sa loob ng dalawang buwan para hindi na mang-aapi ng mga maid na wala namang ginawang kasalanan. "Hindi siya katulad sa anak sa labas na yan na demonyita." Sabi naman ng isa pang katulong. Huminga naman ng malalim si Arthur bago nagsalita. Tinawag si butler Kim. "Ibigay mo na sa mga katulong na yan ang mga sahod nila sa buwan na ito. Magha-hire ulit kayo ng bago." Natahimik naman ang lahat at nagulat sa narinig. Hindi nila inaasahan na matatanggal sila dahil lang sa sinabi nila tungkol kay Airah. Isa-isang tinawag ni Arthur ang mga katulong na nagsasabi ng masasamang salita kay Airah. "Tandaan niyo. Ano man siya o sino man siya, isa pa rin siyang Lionheart at wala kayong karapatang husgahan siya o ang kanyang pinagmulan dahil katiting lamang ang alam niyo tungkol sa kanya. Umalis na kayo dito. Hindi ko kailangan ng katulong na walang galang sa anak ng sariling amo." Parang bombang sumabog sa pandinig nila ang sinabi ni Arthur. Hindi nila inaakala na matatanggal sila sa trabaho dahil sa pagsasalita nila ng di mabuti kay Airah. Sina Joan at Gina naman na inaakalang dumating na ang magtatanggol sa kanila hindi makapaniwala sa narinig. Tinanggap nila ang sampal ni Airah para parusahan din si Airah katulad sa ibang mga tagapagmana ng Don hindi nila inaakalang matatanggal pala sila sa trabaho. "Hindi kayo mapaparusahan kung ginagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo. At ito ang pinakatatandaan niyo, matuto kayong gumalang sa inyong amo at sa mga anak nito." "Hindi man sila ang nagpapasahod sa inyo ngunit sila ang dahilan kung bakit kailangan kayo. Kung wala sila ano pa ba ang silbi niyo? Kaya wala kayong karapatang laitin at husgahan sila. Matuto kayong rumespeto lalong-lalo na kay Airah. Hindi dahil sa anak siya ng Don o anak ko siya. Kundi karapatan din respetuhin ng iba." Pagkatapos sabihin ang dapat sabihin pinatanggal na ang mga katulong na nagsasabi ng di maganda kay Airah. Pinagsabihan din ang mga bodyguards nila na huwag gayahin ang mga katulong na nag-aabuso sa pinapakitang kabutihan sa kanila. Dahil sa nangyari, hindi na matatalim na tingin ang nakikita ni Airah sa mga mata ng mga katulong na naiiwan kundi takot. Di na rin katulad ng dati na dadaan-daanan lamang siya at lalagpasan na parang hindi nakita kapag nakakasalubong sa pathway. Natuto na rin silang bumati sa kanya at magbigay galang sa takot na mangyari rin sa kanila ang nangyari kina Joan at Gina at sa mga katulong na nagsabi ng masama tungkol sa kanya. Sina Aina at Aiden naman nabaguhan sa mga katulong na nakakasalubong nila. Dati kasi naririnig pa nilang tinatawag sila ng mga ito ng gold digger ngunit ngayon bumabati na ang mga ito na puno ng pagalang. "Aiden. May napansin ka ba?" Tanong ni Aina kay Aiden dahil sabay silang dumating galing sa school. "Ako na po ang mag-aakyat sa bag niyo young lady." Sabi ng isang katulong kay Aina at kinuha ang bag niya. May kumuha rin sa bag ni Aiden at dinala na sa kwarto nito. Sina Aiden at Aina naman nagkatinginan. Dati kasi kahit nagpapatulong sila sa bag nila nagtutulakan pa ang mga katulong kung sino ang magbubuhat sa mga bag nila. Kung sino ang makakapagbuhat sa school bag nila nagrereklamo pa at panay ang simangot. Ngunit ngayon parang may himala at nag-uunahan pa ang mga ito sa pagsalubong at pagbati sa kanila. "May himala ba?" Tanong ni Raven na kararating lang din, makitang sobrang galang na ulit ng mga katulong nila sa kanya. Dati para siyang virus na nilalayuan nila kapag nakitang paparating na siya. "Magmula ng dumating si ate Airah dito ang dami ng nagbago sa mansion na ito." Sabi ni Aina. "Si lolo, hindi na masyadong cold. Kumakain na rin siya ng gulay. Tapos biglang bumait ang mga walang galang na mga katulong." Dagdag niya pa. Makitang papalapit na si Raven sa kanila nagmamadali ng umakyat si Aina papunta sa kanyang kwarto ganon na rin si Aiden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD