Chapter 8: Aina

1199 Words
Aina's p.o.v Parang may kakaiba talagang nangyari kanina kaso wala akong mapagtanungan. Bumaba lang ako noong dinner time na. Sabay-sabay ulit kaming lahat maliban kay lolo na hindi bumaba. Pinuntahan siya ni Aikah at siyang naghatid ng pagkain kay grandpa. Pagkatapos ng dinner namin tinanong ko ang isa sa mga maid na nagiging kaibigan ko na. Ikinuwento niya ang ang nangyari kanina. Kaya naman pala bumait bigla ang mga katulong sa amin. Dati kasi kung gaano kalamig ang pakikitungo ng mga Lionheart sa aming mga anak sa labas ganoon din kalamig ang pakikitungo ng mga maid sa amin. Iniisip kasi nila na ang tanging mga boss lamang nila ay ang mga lumaki sa mansion na ito katulad na lamang kina Kuya Aikoh, Kuya Throne, Ate Aikah ay Ate Ava. Kaming mga lumaki sa labas ay nakitira lang at nakikain lang sa mansion na ito kaya hindi nila kami pinakikitunguhan ng mabuti. Ngunit iba na ngayon. Kapag hindi sila magbibigay galang baka mapapatalsik din sila kagaya ng mga kasamahan nila dati. Habang sinasagutan ko ang aming assignments dumating naman si Aiden. Nagpaturo siya sa akin tungkol sa assignments nila. Hindi siya mahilig mag-aral ngunit napipilitan lang siya dahil sa takot na madis-appoint si grandpa. Halos lahat yata kaming mga nandito ginagawa ang lahat makuha lamang ang loob ni grandpa. Iwan ko lang kay Ate Airah dahil parang gusto naman yata niya ang sinusunod. Kapag kasi tititig na parang si grandpa na. Nakaka-intimidate masyado. Kinabukasan, maaga na naman akong nagising. Kailangan kong maging maaga dahil sabay-sabay kaming ihahatid ng driver papunta sa paaralan. Kapag nahuli kami bibigyan kami ng parusa ni Daddy Arthur. Napaka-strict kasi nila sa mga family rules. Kahit naman magkakasabay kami sa pagpasok hindi naman kami nagpapansinan lalong-lalo na sa paaralan. Noong minsan ngang tinawag ko silang ate at kuya pinagalitan nila ako. Tatawagin ko lang daw sila ng gano'n kapag sa harap nina grandpa at daddy. Akala ko noong una kong pagtapak sa Lionheart mansion magiging masaya ang buhay ko. Iyon ay dahil may matatawag na rin akong ate at kuya. Akala ko masayang magkaroon ng kapatid at may matawag na papa at grandpa. Hindi ko inaasahan na pandirihan ako at ikinakahiyang maging parte sa itinuturing ko sanang pamilya. "Bumaba ka na diyan. Nandito na tayo." Sabi ni Aiden. Saka ko naalalang nasa kotse parin pala ako. Bumaba na rin ako at sabay na kaming naglakad ni Aiden. Sa kanilang lahat si Aiden lang ang talagang malapit sa akin. Iyon ay dahil pareho kaming out of place sa lugar na ito. Hinatid niya ako sa classroom ko bago siya umalis. "Andiyan na naman ang isang pulubi. Tumabi kayo baka madumihan pa ang mga gamit niyo." "Ano ka ba. Nakalimutan mo na bang apo yan ng isang Don?" "Oo nga pala. Apo nga pala siya ng isang Don. Hindi naman kasi halata kasi kahit balutin pa niya ng alahas ang katawan niya hindi parin nito natatakpan ang pagiging isang pulubi niya." Ito ang maririnig ko mula sa mga bully kong mga kaklaseng babae. Tinatawag nila akong pulubi at minsan gold digger dahil iniwan ko raw ang mahirap kong pamilya na nagpalaki sa akin dahil sa pera. Hindi na ako umangal dahil totoo namang sumama ako sa Don dahil na rin sa posibleng yaman na mamamana ko. Iyon ay dahil kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng pera para maipaopera si mama dahil may sqkit siya. At ang isa pa sa dahilan dahil matagal ko ng pinagarap na magkaroon ng ama at mga kapatid. Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad na patungo sa upuan ko. Kahit ilang days na akong nag-aaral dito naninibago pa rin talaga ako. Unang-una dahil sa mga bully. Ngunit mas nakakaramdam ako ng inferiority dahil galing lamang ako sa mahirap na pamilya at naa-out of place din ako sa lugar na ito. Pakiramdam ko hindi ako nabibilang sa mundong ginagalawan nila. Lahat sila galante at gorgeous kumilos habang ako sinasanay parin ang sarili na makihalubilo sa mga galing sa high class families. Tapos yung mga kapatid ko ayaw namang mamansin sa akin dito sa school. Para ngang di nila ako kilala eh. Para ring ikinakahiya nilang nagkakaroon sila ng kapatid na katulad ko. Pagsapit ng tanghali lumabas na rin ako sa classroom dahil natapos na ang klase namin sa umaga. Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa locker bago naglakad papunta sa cafeteria. "Aray." Naihiyaw ko at napangiwi kasi bumagsak ang katawan ko sa lupa. May bumangga kasi sa akin. "Haharang-harang kasi." Sambit ng kung sino kaya napalingon ako rito. Dito ko nakita ang isang gwapo sanang lalake kaso walang kasing sama ng ugali. Isa siya sa mga kaibigan ni kuya Aiko na walang kasing sungit. May kasama siyang apat na lalaki at isa na don si kuya Aiko. Tumayo na lamang ako ngunit binanggaan ulit ako ng lalaking masungit na ito na ikinatumba ko ulit. Pero si Kuya Aiko, parang di niya ako kilala. Ni di man lang ako tinapunan ng tingin. "Buti nga sa kanya." Sabi ng isang maarteng babae. "Haharang harang pa. Kala niya mapansin." Ito naman ang rinig kong sabi ng iba. "Sino ba ang babaeng yan at haharang-harang sa daraanan ng nina baby Syd?" Baby Syd. Iyon ang palayaw nila sa pinakabully sa paaralang ito. "Yung bagong gold digger ng pamilyang Lionheart." Sagot ng isa oang babae sa katabi niya. Napayuko na lamang ako. Naikuyom ang kamao. Gold digger. Iyan ang salitang palage kong naririnig magmula noong ilipat ako sa paaralang ito. "Inaakala niya siguro na dahil nalaman niyang apo siya ni Don Art pwede na siyang magiging katulad natin. Tsk. Kahit anong gawin niya isa parin siyang hampaslupa." "Gusto siguro mapansin ni baby Syd kaya sinadya niya itong harangan at kunwari nabanggaan." "Mana kasi sa ina. Nang-aakit ng mayaman para maanakan at magkaroon ng anak nantagapagmana." Rinig kong bulungan ng mga estudyante sa paligid. Parang gusto ko ng umiyak. Nadaanan ako nina ate Alvira pero di man lang ako pinansin. Kinakahiya nga nilang may kadugo silang katulad ko. Palibhasa laking mansion sila. Si kuya Aiden naman, sumasama sa barkada at paminsan-minsan lamang kami nagkakasalubong sa paaralang ito. Si ate Airah kaya? Ano din ba siya pag pumasok na? Malamang di rin ako non mapapansin kasi mas cold siya kumpara sa iba. Pumasok ako sa cafeteria. Mag-isang naupo sa isang table kasi walang nais makitabi sa akin. Dahil anak lang daw ako sa labas ng mga Lionheart. At nakitira lang sa mansion para yumaman. Kung wala lang sakit si mama hindi ako mapipilitang tumira sa tahanan ng mga Lionheart na ito. Bukod kasi kina papa at lolo, hindi ko na alam kung tunay ba ang pakikitungo sa akin ng mga taong nasa paligid ko. Namimiss ko tuloy si mama pati ang mga kaibigan ko sa dati kong paaralan. Kung sana'y hindi na ako lumipat. Kaya lang kailangan kong sundin ang gusto ni grandpa kung gusto kong maipagamot si mama. May pera na nga sana ako. Ooperahan na rin si mama kaya lang mas malungkot ang buhay ko kumpara sa kasama ko pa si mama at ang mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD