ANEL
Sa unang araw ko sa bahay ng mga Del Vasquez, nakatulog naman ako. Sobrang komportable nga, e. Ang lambot ng kama, may aircon, tapos umagang-umaga, kinakatok na ako ni BradPete para mag-agahan.
"Anel? Bangon na," katok niya sa akin pasado alas singko nang umaga.
Yes!
5 AM!
Nagkumahog ako kanina. I wore that stupid maid outfit and may head dress pa na parang ribbon na hindi ko maintindihan. Ang daming alam ng uniform pero infairness, cute!
"A-Ang aga naman ng bangon dito, Brad?" pasimpleng reklamo ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Sapilitang inabot sa akin ni Bradley ang isang board. Napakaraming task na nandoon tapos may timetable pa. "Ayan, sis. Sa 'yo na ang kopya na 'yan para masanay ka sa routine dito."
"H-Ha?" tanong ko. Napatitig ako saglit.
5AM, magluluto na kami ng breakfast?!
6AM, magse-serve na kasi bababa na si Leon?!
Napakaaga naman!
"T-Teka, teka lang—"
Pumalakpak si BradPete. Nagsilapit sa kaniya lahat ng staff sa baba, ang iba nakapang-maid outfit din gaya ng akin.
"Good morning, everyone! Start tayo with positive vibes! Galingan natin today and don't forget, for the girls, na magluto ng bacon at hash browns for Boss Leon. He likes it crispy, okay?"
"Yes, sir!" they answered in chorus.
"For the boys, ihanda na ang sasakyan. Trim na rin 'yung bonsai sa labas and make sure the fountain is clean. 'Wag kalimutan din na magdilig sa labas, okay?"
"Yes, sir!"
Pumalakpak uli si Bradley. Grabe, parang military training!
"Galingan natin today!"
"Yes, sir!"
"Y-Yes, sir!" sabi ko na lang sabay peke ng tawa. Ganu'n ba kasi dapat 'yung sagot?
Leon must be treating them right for them to be like this.
Well, sana all! Sana all tinatrato nang tama ni Leon!
Sumunod na ako sa kababaihan papuntang kusina pero bago pa kami makapunta roon, tinawag kami ni Bradley ulit.
"Everyone! Wait!"
Bradley rushed to me. Ginitna niya ako at tinuro habang nakatingin sa akin ang higit benteng staff ng mansyon na 'to.
"Ito pala si Anel. Siya ang bagong sitter ni Valier, please be nice to her, okay?" Bradley said. Nginitian ko sila at kinawayan. "Anel, sila ang makakasama mo rito sa bahay. Mababait 'yan sila at masisipag."
"H-Hi po sa lahat, ako nga po pala si Anel. Bago po ako... sana maging close-close tayo lahat," nahihiyang pakilala ko.
Pinalakpakan nila ako na kinatuwa ko naman. Nag-hi rin sila sa akin, tapos may isang driver na kumindat sa akin. Nagkantsawan sila.
Bradley saw it and clicked his tongue. "Hoy, Wesley! Lumalandi ka na naman agad, ha! Study first 'yan si Anel!"
"Joke lang boss, e!" depensa naman ni Wesley.
"Sige na nga, kilos na tayo! Aga-aga malandi 'to si Wesley!" biro ni Bradley.
We all went our separate ways. May mga dumiretso sa labas para sa sasakyan, may iba sa hardin, may iba na umakyat para maglinis, tapos ako ay sumama sa kusina.
Sabi ni Bradley sa akin, ako ang magluluto ng food ni Valier.
Ano ba ang food ni Valier?
Ewan ko rin!
"Ah, hija! Ikaw 'yung bagong yaya ni Valier?"
Habang nakatanga ako sa pantry, nilapitan ako ng isang babae. She must be in her forties. May mangilan-ngilan na siyang uban at may malamlam siyang ngiti sa labi. She was wearing a different outfit than us too, hindi siya naka-bestida, parang scrubs ang hitsura ng suot niya, pero itim.
Nagliwanag ang mukha ko. "A-Ay, hello po! Good morning, yes po, a-ako nga po 'yun..."
She chuckled. "Pang-ilan ka nang bantay ni Valier. Sana tumagal na, 'no?"
"Sana nga po," tawa ko rin. Napatingin ako uli sa pantry. s**t. Ano kaya sa sandamakmak na pagkaing 'to ang ipapakain at lulutuin ko para kay Valier?
"M-Madam, ano po kayang gusto ni Valier sa mga nandito?"
Kinuha ni Madam ang isang cereal box, tapos minwestrahan ako na sumunod sa kaniya.
"Halika, tulungan kita," saad niya. Nagsalin siya ng cereal sa isang mangkok. "Hindi malakas kumain si Valier sa umaga. Madalas ang gusto niya, cereal lang o kaya oats. Tapos may chocolate milk siya."
I nodded. "Ano pong alternative sa chocolate milk?"
Umiling siya sabay tawa. "Wala... chocolate milk lang ang gusto niya sa umaga."
Napangiti ako. At least, may idea na ako na gusto niya 'yun.
"Pakiabot ako ng prutas, hija," sabi ni Madam.
I grabbed the bowl of fruits on the center table. Pumitas si Madam ng ilang grapes sa bungkos, tapos kumuha ng ilang strawberries. Kumuha rin siya ng isa pang saging.
"Advice naman ng mga doktor kay Sir Leon na pakainin ng prutas lagi si Valier, kaya sa agahan niya, laging may prutas. Hihiwain mo nang maliit, ha," turo niya sa akin. I watched her prepare the fruits as others were cooking Leon's breakfast around us.
"Ano pong pangalan niyo?" tanong ko bigla.
"Irene," sabi niya. Nginitian niya ako. "Nanay Irene ang tawag nila sa 'kin dito."
"Salamat po, Nanay Irene," ngiti ko. "Clueless po kasi talaga ako sa ngayon sa routine ni Valier at sa mga gusto niya. Eto nga pong breakfast, litong-lito na ako."
"Magpatulong ka lang, ineng. Kami lahat dito, gusto namin na may tumagal nang bantay si Valier. Kawawa rin ang bata, laging nag-aadjust," sagot niya naman.
Inutusan ako ni Nanay Irene na iayos ang food ni Valier. I placed the fruits on a shallow bowl with a wooden spork. I also prepared his chocolate milk, binuhos ko sa isang baso na may dalawang hawakan.
Pagtapos ko roon, tumulong muna ako sa ibang gawain. Tumulong ako sa paghanda ng agahan ng mga kasambahay, tapos tumulong din sa pag-aayos ng mesa.
Bago mag-alas sais, umakyat na ako para gisingin si Valier. His doctors advised Leon to set-up a routine for Val. Mas maganda raw na active ang lifestyle nya at maagang magising dahil he tends to oversleep. Mahaba nga talaga kasi siyang matulog at kailangang masanay siya sa maagang gising at maagang simula ng araw.
"Valier, gising na," bulong ko sa bata. I gently shook his tiny arm. "Gising na, Val. Breakfast na."
Mabilis naman siyang dumilat. Antok na antok pa nga siya pero cooperative naman noong binibihisan ko, tapos sinuklayan.
"Saan si Daddy?" mahina niyang tanong habang hawak niya ang kamay ko. He was rubbing his eyes while yawning.
I pointed below. "Nasa dining na si Daddy, sabay kayong kain. May fruits doon for you."
"Fruits?"
"Mhm, fruits! Sabi ni Nanay Irene, you like fruits?"
"Opo," inaantok niyang sagot.
Natawa ako. Ang cute niya dahil antok pa talaga, pero ang tagal ng tulog niya at kailangan talagang magising na siya para makapaglaro pa kami sa labas.
Pagbaba namin, wala pa si Leon. Hindi pa raw bumababa, ayon kay Nanay Irene.
"Sunduin mo nga sa taas, Anel," utos ni Nanay.
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ako? Bakit, b-bakit ako po?"
"Kakatukin mo lang si Sir Leon mo. Baka hindi niya pa alam na may nakahain na rito," sabi sa akin ni Nanay Irene.
Nalaglag ang panga ko. Bakit ako?! Ang dami naman ng tao rito, ako pa ang magsusundo kay Sir?!
Ugh!
"S-Sige po," napilitan kong tugon.
I walked up the stairs to the third floor. Katabi ng opisina na pinuntahan niya kahapon ang kwarto niya. Sa dulo ng hallway ng third floor, may higanteng portrait doon, hindi ko napansin kahapon.
It was a portrait of Leon, Valier when he was a little bit younger, and... and a woman. A pretty woman. Parang modelo sa ganda—mahaba ang buhok, maliit ang mukha, at may magandang ngiti.
Obviously, she's Leon's wife, or girlfriend, I don't know. Pero nakuha ni Valier ang mga mata niya.
I smiled bitterly. Well, at least may paalala ako rito sa bahay na 'to na out of reach talaga si Leon sa akin. Araw-araw akong sasampalin ng katotohanan ng painting na 'to—katotohanan na tanga talaga akong pinaniwalaan ko siya dahil may pamilya siya. Hiwalay man o hindi, may pamilya siya.
Lumunok ako at kinatok ang pinto ni Leon. Doon ko napansin na nakabukas ang pinto kaya tinulak ko nang bahagya.
Pagkatulak ko, halos napatalon ako sa gulat sa nakita ko.
Peste ka naman, Leon!
"Ay, damulag!" sigaw ko at agad na nagtakip ng mga mata.
Si Leon! Nagsusuot ng polo habang bukas ang butones at zipper ng pants! Kitang-kita ko ang mamahalin niyang brief pati ang... ang bakat!
"Good morning," matamlay niyang sabi na parang walang nangyari. "Why?"
Umiwas ako ng tingin. Nakikipagtitigan kasi sa akin 'yung ano niya, kainis! "U-Uh... may breakfast na po sa baba, Sir. Baba ka na po, Valier's waiting."
He was silent, kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Now you wanna act professional?" he said sarcastically.
Umiling ako. "Boundaries lang po, Sir. At ayaw kong ma-issue."
"Tss," tugon ni Leon.
Akala ko ay kikilos na siya pababa, pero naglakad siya papalapit sa akin, marahan akong hinila papasok ng kwarto, sabay padabog na sinara ang pinto sa likuran namin.
Bigla akong inupo ni Leon sa kama niyang napakalambot sabay tumayo siya sa harapan ko.
Nakatutok sa akin 'yung bakat niya! Sa mukha ko mismo!
"A-Anong gagawin mo sa 'kin?" nahihiya kong tanong.
Leon leaned to me. Namamawis na ako kasi tutok talaga sa akin ang bakát niya, tapos ang abs niya pa, nakatitig din sa 'kin!
Saka... ang bango niya. Ganitong-ganito 'yung amoy niya noong...
Lumiyad pa papalapit sa akin si Leon hanggang sa nakadiin na ang mukha ko sa V-line niya. Napamura na ako.
"Sir L-Leon, ano ba! Hindi puwedeng may mangyari sa atin! Wala na ako sa bar!" hiyaw ko.
Biglang lumayo sa akin si Leon, sabay pinakita ang hawak niya. Isang bote ng whiskey na walang laman.
"Anong mangyayari?" takang tanong niya. Tinaas niya ang bote. "Kinuha ko lang 'to sa bedside, ipapababa ko lang sa 'yo. Papalitan mo kay Nanay Irene."
Para akong nalaglagan ng bato sa ulo dahil natameme talaga ako.
Ah, ganu'n? Wala pala? Akala ko mero'n! Dinidikit niya kasi sa akin! E malay ko ba!
I quickly grabbed the bottle away from him and fixed myself. "S-Sige, sige. Baba na ako, ha."
"Sabay na tayo," bulong niya. He zipped his pants up finally.
Whew!
"Hindi na, una na po 'ko, Sir!" hiyang-hiya kong sagot.
He clicked his tongue, parang iritang-irita siya sa akin. "Sabay na tayo, bababa na rin ako."
Pagtapos niyang ibutones ang polo niya at itago ang nakikipagtitigan niyang bàkàt, kumuha siya ng coat tapos inaya niya na akong lumabas.
"Let's go," Leon said as he walked behind me.
Noong papalabas na kami ng kwarto, hinawakan niya ang likod ko nang marahan, tapos... tapos pasimpleng bumababa ang kamay niya sa púwìtàn ko!
"L-Leon! Baka may makakita sa 'yo!" saway ko sa kaniya.
He chuckled before he stepped outside. Bumulong siya sa tainga ko, tapos pinisil pa ang púwít ko! "Akala ko may boundaries? Bakit 'di mo na ako tinatawag na 'sir'?"
"Tigilan mo nga ako! Wala na tayo sa club!" pagtataray ko.
He stopped, but he was still laughing. "Okay, fine."
"Saka ayaw kong machismis, Leon, kaya may boundaries ako, okay?! Sir Leon pala! My bad!"
"Okay, keep your boundaries up," Leon muttered. "Let's see how long that will last. Come on, breakfast must be cold by now."
Ugh, Leon! Epal ka talaga kahit kailan!