ANEL
Pagtapos ng agahan, umalis na si Leon para pumasok sa opisina niya. I was relieved when he left. Napakapilyo niya kasi.
"Ngayon, sa hardin muna kayo ni Val. Tandaan mo, Anel... makulit 'yan 'pag komportable na," paalala sa 'kin ni Brad Pete.
Nginitian ko na lang siya sabay tingin kay Val. Mukhang nahihiya pa rin siya sa akin—ayaw tumingin at ayaw akong kausapin.
"Uy, Val, friends tayo, ha?" sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa garden. Tinanguan lang ako ng bata, sabay takbo sa damuhan at mga bulaklak.
Sungit! Mana sa tatay!
Napalingon ako sa paligid habang nandoon siya. Ang enggrande talaga ng bahay nitong mga del Vasquez. Parang pabrika sa laki ang bahay, tapos nakalinya ang mga sasakyan. Kahit isang pirasong tile siguro sa bahay na 'to, isang linggong budget ko na.
"Aaahh!"
Naibalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Valier. Nataranta ako kasi akala ko napano na siya, pero nakaupo lang siya sa damuhan at may tinititigan.
"Val! Ano 'yun?" takbo ko palapit sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan kung ano ba 'yung tinitingnan niya.
Nakatitig siya sa mga tipaklong na nagtatalunan sa damuhan. Maliliit at mangilan-ngilan lang, pero sobrang aliw ni Val.
"Val, bakit?" I asked him.
Nakabuka ang bibig niya na parang sobrang mangha. "What are these? Dati ko pa sila nakikita po sa garden..."
I smiled. At least sumagot, 'di ba? Tinuro ko 'yung mga tipaklong na nagtatalunan. "Sila ba? The... the jumping jumping insects?"
He looked at me with curious eyes. "Opo..."
"Ah, tawag diyan, tipaklong," nangingiting sagot ko.
Nangunot ang noo ni Val. Pinagmasdan niya ang mga tipaklong at takang-taka pa rin siya. "Ano po 'yun?"
"Insekto sila, Val," paliwanag ko. "In English, grasshopper ang tawag sa kanila. They hop on the grass!"
"Cool!" sambit niya. Napangiti siya. Napangiti ko si Val!
Lalo pa akong natuwa dahil sabik na sabik siya na titigan ang mga tipaklong. He tried to catch one but he can't. Ako, bilang laki sa damuhan ng probinsiya, sinubukan kong humuli at nakakuha naman ako ng isa.
"What! How did you do that, Yaya Anel?!" sigaw ni Valier, napapalakpak sa tuwa. Tuwang-tuwa siya sa tipaklong na hawak ko.
Napahalakhak ako sa cuteness ni Val. Halos maduling na siya matitigan lang ang insekto. "Alam ko lang manghuli! Lumaki ako na humuhuli ng tipaklong."
"Really?" Valier replied.
Noon, na-realize ko rin na alam niya pala ang pangalan ko. I didn't know that he paid attention to that.
"Pakawalan ko na siya, ha, para dadami pa sila," mahinahong paliwanag ko kay Val.
Tumango naman ang bata at nakangiti pa rin. Nakipag-apir ako sa kaniya, tapos nag-apir naman siya.
"Paano mo pala nalaman ang name ko, Val? Parang hindi ka naman nakikinig nu'ng nagpakilala ako sa 'yo," biro ko sabay pabirong sinundot-sundot ang tagiliran niya.
He chuckled, showing his cute little teeth. "Daddy told me your name. Sabi niya ikaw daw si Yaya Anel..."
Daddy? His dad... Leon.
Well! Dapat lang ipakilala niya ako, para may maganda naman siyang magawa para sa akin!
"Talaga? Your dad did that?" I asked. Napanguso ako. "May iba pa bang sinabi si Daddy Leon mo?"
Valier started picking up some grasses and throwing them away. Aba, parang matanda na ang galawan, ah. Ganiyan na ganiyan ako dati noong stressed sa college!
"Sabi ni Daddy, be good to Yaya Anel," Valier answered. "'Wag daw akong makulit."
I nodded. Aba, dapat lang, Leon. Ipaalala mo 'yan sa anak mo, 'no. Masakit ka na sa ulo kaya tama lang na 'wag niyang ipasa kay Valier ang kalikutan niya!
"Do you know Daddy?"
Nabigla ako sa tanong ni Valier. Luh! Ano kayang tanong 'yan?!
"H-Ha?"
He pouted. "Friend mo po si Daddy?"
Mabilis akong umiling. Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko sa tanong ni Valier. "A-Ah, no! No! Hindi 'no, b-boss ko lang si Leon..."
"Really?" he asked.
Nag-iwas ako ng tingin. Malakas daw ang pakiramdam ng mga bata, baka maramdaman ni Val na nagsisinungaling ako!
"Ikaw talaga na bata ka," nasabi ko na lang. Tumayo na ako sa damuhan at inaya si Val. "Halika na nga, maglakad-lakad muna tayo para ma-exercise ka."
Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Pupunta tayo kay Daddy?"
"What? Hindi, 'no. Nasa work na kaya ang Daddy mo," sagot ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa fountain.
"Okay," he replied. Ngumuso na lang siya at sinabayan ako sa paglalakad.
Well, tama nga si Brad Pete. May kakulitan si Val, pero 'di niya sinabi na madaldal din! Kung ano-ano pa ang sinasabi ni Leon sa kaniya, 'wag naman sana niyang mamana ang kalokohan ng Daddy niya!
---
After our morning walk in the garden, naligo na si Valier at nagbihis na. Sinamahan ko siya para sa tutor niya sa alas nuwebe, which is basic reading and writing, tapos binantayan ko rin siya sa Japanese lessons niya mula 10:30 hanggang 12.
Ang bata pa pero sinasanay na siya na mag-aral nang mabuti. Maganda rin, para hindi siya puro laro na lang. Mas mainam na mamulat sa kahalagahan ng edukasyon habang maaga pa.
Kinahapunan, nag-siesta si Val hanggang kumagat na naman ang dilim. Habang natutulog siya, tumulong muna ako sa kusina para magluto ng hapunan.
"Kumusta si Val?" mahinahong tanong sa akin ni Nanay Irene nang magkausap kami sa kusina. "Hindi naman ba makulit?"
"Hindi naman po," ngiti ko habang naghihiwa ng carrots para sa chicken pot pie na request ni Leon ngayong gabi. "Mabait naman po si Val, napakadaldal nga lang."
Napatawa si Nanay Irene habang inaasikaso 'yung dough ng pie. "Ay, oo. Grabe ang batang iyan 'pag nagdaldal..."
"Nay Irene, may green peas po ba na ilalagay? Baka ayaw po ni Sir?"
Napalingon ako sa likuran namin. Isang babae na parang kaedaran ko ang nagtanong kay Nanay Irene. Naiiba siya kasi siya lang ang may nameplate rito—Diane.
Tinitigan ako ni Diane mula ulo hanggang paa. Kinawayan ko siya nang maliit pero hindi ako pinansin at napahiya ako roon. Okay?
"Lagyan mo, Diane," sagot ni Nanay Irene. Umalis naman na agad si Diane.
"Bago rin po siya?" tanong ko kay Nanay Irene. Iba kasi ang tingin niya sa akin, parang naninimbang.
Umiling si Nanay Irene. "Hindi... sadyang gusto niya lang maglagay ng name plate para makilala siya ni Boss."
Natawa ako. Ah, kaya pala. Okay, gets. At 'yung tingin? Gets ko na rin. Kung iniisip niya na aagawin ko sa kaniya si Leon, tigil niya 'yan. Kaniyang-kaniya na ang paasang iyan!
Pagtapos makapagluto ng hapunan, ginising ko na si Val at nagsalo sila ni Leon sa mesa, na pasado alas siete na rin nakarating. He looked the same as he did when he left in the morning, sobrang fresh lang na parang walang ganap sa busy niyang company.
Dumaan ako sa likuran ni Leon para punasan ang mukha ni Val na may sauce na.
"Kain, Anel," biglang aya sa akin ni Leon.
Natigilan ako roon. Mabuti na lang at walang tao sa dining bukod sa amin.
"Kumain na ako, e," sagot ko, totoo naman. Katatapos lang din namin kumain pero doon sa quarters ng mga maid. May dining area rin kasi roon at doon kami kumain.
"Upo ka kung gutom ka pa," mahinang sabi ni Leon.
"Ayaw ko nga. Busog nga ako, e," sambit ko naman. "Val, done ka na?"
"No pa po..."
"Okay, eat ka na—"
"How's first day?" tanong na naman sa akin ni Leon habang inaasikaso ko pa ang anak niya.
Huminga ako nang malalim. "Okay naman, Leon. Mabait naman si Val, e."
"Hindi ka naman siguro aalis?" nananatsang tanong sa akin ni Leon.
Umiling ako. "Hindi naman..."
He chuckled a little and shaked his head. "Parang may plano ka."
"Kung aalis man ako, dahil sa 'yo 'yun at 'di kay Val," sambit ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kumain ka na nga diyan, Leon, at tantanan mo ako."
"Okay, sabi mo," mabilis na sagot ni Leon sa akin.
Aalis na sana ako para ihanda ang bath tub ni Val para maghilamos ngayong gabi nang tawagin na naman ako ni Leon.
"Can you go to my room later? We need to talk about something," he said.
Nangunot ang noo ko. "Ngayon na kaya. Anong sasabihin mo sa 'kin?"
Leon smirked. "Mamaya mo malalaman, sa kwarto ko."