06

1983 Words
ANEL "Angge... punta na ako sa room ni B-Boss..." Humalakhak sa kabilang linya si Angge habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa kwarto ng bwisit na si Leon. Ang tahimik na sa mansiyon. Alas nuwebe na kasi nang gabi at wala na talagang gising sa paligid bukod sa akin at sana kay Leon dahil sasapukin ko siya kapag tinulugan niya ako. Valier is sleeping already. I put him to sleep before I cleaned up and got ready to go talk to Leon. Kung ano mang sasabihin niya sa akin ay hindi ko alam pero pupunta pa rin ako. Malay natin, gawin niyang 50,000 ang isang buwan ko. Sulit na, 'di ba? "Ano? Diyan na ba ako sa mansiyon titira next week?" biro ni Angge. Dinig na dinig ko ang lutong ng chichirya na kinakain niya, malamang ay 'yung mixed nuts na naman na lagi niyang binibili. "Empress Angge na ba ako next week?!" "Shh!" saway ko sa kaniya at luminga. "Baka may makarinig sa 'yo, 'no. Saka wala lang 'to, ano ka ba. Baka may ipapakuha lang siya sa kwarto niya." "Ang ipapakuha niya? Ang perlas ng silangan, Anel—" "Angge!" saway ko ulit sabay natawa na lang. Humalakhak din ang bruha sa kabilang linya. "Hoy, biro lang! Pero guwapo naman daw 'yang boss mo. At! At higit sa lahat, mayaman. Sana mabait din. Mabait ba?" "Hindi!" angil ko. "Napakasungit kaya nito, ang sarap kotongan!" "Wooshooo!" panunuya ni Angge sa akin. "Sa una lang 'yan. Damoves ka! Malay mo triplehin sahod mo, 'di ba." Umiling ako. "Hindi puwede, 'no. Gusto mo bang kuyugin ako rito? May nakapila na kay Leon, sama nga ng tingin sa 'kin kanina." "Feelingera siya! Sino naman 'yan? Maganda ba? Baka naman tuhod mo lang 'yan, 'wag siyang mataray diyan ha." "Ewan ko, 'no. Pero sabi may gusto raw kay Leon. E ano? Ligawan niya pa 'yan, wala akong pake. Sinasamaan ako ng tingin, akala aagawin ko 'yang crush niya." "Basta. Unahan mo! Malay mo, type ka ng boss mo, 'di ba?" Pwe! Si Leon? E manloloko 'yan, paasa! Ayaw ko diyan. Leche siya, 'no. Pasalamat siya dahil titiisin ko siya kasi sulit ang trabaho na 'to. Kung hindi? Ewan ko na lang. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Leon. "Ayoko nga. Si Leon? Hindi ko siya type, 'no. Typical masungit na walang substance, puro pera lang. Saka mas maraming guwapo sa paligid kaysa sa kaniya 'no!" "Ay, ganda ka, Anel? Gumaganyan—" "I can hear you, just so you know." "Ay, pútã ka!" Napatili ako nang sumulpot bigla sa likuran ko si Leon. Dali-dali kong pinatay ang tawag ni Angge sabay bulsa ng phone ko. Nakasuot na lang ng itim na tshirt si Leon habang naka-itim na jogger pants. His hair was slightly damp and he smells fresh, like mint and musk. Tinaasan niya ako ng kilay sabay turo sa bulsa kung saan ko nilagay ang phone. "Who were you talking to?" "Pinsan ko," diretsahan kong sagot. "Ano palang kailangan mo sa akin? B-Bakit pinapapunta mo pa ako sa kwarto mo." He sighed. "You're badmouthing me to your cousin?" Inirapan ko siya. Napakaarte at OA. Badmouth ba agad 'yun, e nagpapakatotoo lang ako. "Anong badmouth? It's the truth. Hindi naman talaga kita type." Tumango siya, 'yung tango na walang laman. Tumatango pero halatang pikon. "Talaga? Wala ba 'kong substance?" "Wala," tugon ko. Tumango uli siya. "Marami pang mas guwapo sa 'kin?" "Oo, napakarami," sagot ko ulit. Tinanguan niya lang ako sabay ngisi. Dinilaan niya ang ibabang labi niya sabay muwestra sa pinto sa likuran namin. "Okay, sabi mo, e. Pasok na." "P-Pasok?" Naglakad siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Napaatras ako nang napaatras dahil tinititigan niya ako sa kada hakbang niya! Tàngínà talaga ni Leon! Ano ba naman 'to! "A-Ano ba 'yun?!" may gigil na tanong ko pero hindi maitago ang kaba. Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ako! Nginisian lang ako ni Leon. Napaatras pa ako lalo hanggang sa tumama na sa pinto ang likod ko. "L-Leon, tumigil ka nga—" Akala ko ay hahawakan niya ang kamay ko, pero dumako lang iyon sa doorknob. Pinihit iyon ni Leon sabay nguso ng pinto. "Pasok na sa kwarto." Agad kong inayos ang sarili ko dahil napahiya ako. Okay, inaamin ko! Akala ko may gagawin siya! Akala ko ikikiss niya ako, ganu'n! Argh, kairita! Inirapan ko siya sabay padabog na pumasok sa kwarto. Si Leon naman, sinara ang pinto sa likuran namin at ni-lock ito. I heard the bolt, it locked. Kung ibang lalaki siguro ang magkukulong sa akin sa isang kwarto... baka umiiyak na ako. Pero kay Leon? Ewan ko ba, ang komportable ko. Parang normal lang ito sa amin. I mean... dati. Dati normal sa amin. "Ano bang gagawin ko rito, Leon?" I asked frankly. Luminga ako sa kwarto niya. May king-sized bed sa dulo, tapos may mga painting. His room also has a lot of bookshelves filled with hardbound books that probably cost more than my entire life. Naupo siya sa dulo ng kama, tapos kinuha ang isang pulang box sa drawer niya. It was a first aid kit. "Come," bulong ni Leon. First aid? Bakit, ano kayang nangyari? Lumapit ako sa kaniya at nagulat ako nang maghubad siya ng tshirt niya. Halos maglaway ako sa nakita ko, este, kadiri naman si Leon! Ang ganda ng katawan niya, I mean, sakto lang! Ang lalaki ng muscles at ang lapad ng dibdib, tapos... tapos ang abs. Ang abs niya na peanut butter na lang ay kakainin ko na, este, ang abs niya na basic! Ano ba 'yan! "B-Bakit ka naghuhubad?" hiyang tanong ko. "Kung gusto kitang ikama ngayon, kanina pa tayo namamawis, Anel," saway sa akin ni Leon, bahagyang natatawa. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya sabay hampas sa balikat niya. "Ano?! Bastos ka—" "Argh! f**k!" Nagulat ako dahil sumigaw siya, as in sigaw! Gulat na gulat ako dahil hindi naman malakas ang hampas ko pero napahiyaw siya. Agad kong sinilip kung ano man ang nasa likod ng balikay niya at napatakip ako ng bibig sa nakita. May benda roon. Napakalaki ng benda na may mga bahid ng dugo. "O-Oh my god," nasabi ko na lang. Namimilipit pa rin si Leon. Kagat niya ang labi niya at nakapikit siya habang namutil ang pawis sa noo niya. "I-I'm sorry, hindi ko alam—" Tumango si Leon. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa first aid kit. "It's fine... pakilinis..." Mabilis akong tumango. Kahit ayaw na ayaw ko kay Leon, nabigla ako rito. Halata kasi na masakit ang sugat dahil namumula ang paligid, parang sariwang-sariwa pa. I slowly removed the bandage around his wound. Halos maluha ako sa nakita. Isa iyong pahabang sugat... parang hiniwa. May mga tahi na sa paligid noon pero nagdurugo nang bahagya at namumula nang sobra. "P-Paano ka nagkaroon nito?" takang tanong ko, nakangiwi. Nanginginig ang kalamnan ko. Sino namang gagawa nito kay Leon? "Nothing. J-Just clean it..." "Hindi ko 'to lilinisan kung hindi mo sasabihin. Nakikipagsuntukan ka ba? May anak ka, Leon, ano na lang ang iisipin ni Val sa 'yo?" Napapikit siya. "Hindi ako nakikipagsuntukan." "E ano 'to? L-Leon, may humiwa sa 'yo! Hindi ka ba tumawag ng pulis? Napaano ka ba?" "Someone attacked me," he replied shortly. "And no, I did not call the police. Hindi kailangan." "Anong hindi?!" halos pasigaw kong sabi. Grabe kasi ang sugat na ito! At hindi niya pa tinawag?! "Kanina lang ba 'to?!" "Yes," he replied. "I had an extra polo shirt, thank God, no one noticed." "At talagang naligo ka na may sugat?!" buwelta ko. "I just washed my hair." "Jusko po." Sinimulan kong linisan ang sugat niya, dahan-dahan. Napapamura ako sa nakikita ko. The stitches look properly done but it's bleeding. "Sinong umatake sa 'yo, Leon?" "Wala nga, linisan mo lang," sagot niya. Napailing ako. Ayaw magsalita! Hindi naman sa feelingera ako, pero sobra akong nag-alala. This looks so fúckíng painful and scary. I cleaned the wound and applied a new gauze. Napalunok ako dahil kitang-kita kay Leon na may iniinda talaga siyang masakit. Paano niya kaya natiis ito kanina? Hindi ko namalayan man lang na may mali sa kaniya. After I wrapped his wound up, uminom siya ng antibiotic at huminga nang malalim. "Sa ospital ka dapat, hindi rito. Baka maimpeksyon ang sugat mo," nag-aalalang sabi ko. Naupo ako sa tabi ni Leon. Tinitigan ko ang mukha niya at tumitig din siya sa akin pabalik. "Galing na ako sa ospital," sambit niya. "Kay Brad Pete, bakit 'di mo sinabi?" He sighed. "Sa 'yo ko gustong magpalinis ng sugat, e." "Ewan ko sa 'yo," irap ko. "I-report mo 'yan sa pulis. Delikado 'yan, Leon. At magdagdag ka ng bodyguards. Paano ka naatake nang ganiyan?" "Business world," he replied casually. Nginitian pa ako ni Leon. "I'm fine, really." "Hindi naman," sabi ko. "Namimilipit ka nga." "Yeah?" may panghahamong sabi ni Leon. Lumapit pa siya sa akin at nakipagtitigan. "Look at me and see if I'm in pain." Hindi naman ako nagpatinag. Tinitigan ko rin siya. "You're in pain." "I'm not, I'm fine," sagot niya sa akin. "Hindi nga. Mag-file ka ng report sa police at magpatingin ka uli sa ospital—" "I've settled it, Anel. I'm fine—" "Hindi naman. Kung bumulagta ka bigla diyan, anong iisipin ni Val?" "I am fine." "Hindi—" Namilog ang mga mata ko nang bigla akong halikan ni Leon. He pressed his soft lips against mine and I can feel his warm breath. Hindi ko namalayan na napapikit na ako habang hinahalikan niya ako. Nakalimutan ko ang galit ko sa kaniya at ang pag-aalala na nararamdaman ko dahil sa mainit niyang halik. Hinawakan ni Leon ang balikat ko paakyat sa batok, at nilaliman niya pa ang halik. Sabik na sabik iyon, at hindi ko napansin na... na gumaganti na rin ako sa halik niya. Leon slipped his tongue inside my mouth. Sínisípsìp niya ang dila ko habang humihigpit ang kapit ko sa matigas niyang braso. "Mhmm..." mahina kong sambit. Bumababa na ang kamay ni Leon mula sa batok ko, pababa sa likod... hanggang sa nasa púwîtàn ko na. "L-Leon..." Lalo pa niya akong hinalikan. Napakapit na ako sa dibdib niya lalo pa nang unti-unti niya na akong itulak pahiga sa kama. Parang wala na ako sa sarili dahil hindi ko napigilan ang sarili na sumunod sa gusto niya. Bumaba ang halik ni Leon sa leeg ko at parang kiniliti ang pagkatao ko roon. Napaliyad ako nang bahagya lalo pa nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko. "L-Leon..." Nararamdaman kong tinatanggal niya ang suot kong brà ngunit bago pa tuluyang mangyari iyon... KRRINGGG! KRINGGGG! Napabalikwas ako at agad na hinugot ang phone ko sa bulsa ko dahil tumunog iyon. Nang tingnan ko—si Angge! Napatayo ako agad sa kama at lumayo kay Leon. Tinalikuran niya naman ako sabay peke niya ng ubo. "Anel! Anong nangyari sa 'yo?! Bigla mong binaba 'yung tawag!" Napakagat ako ng labi at sinilip si Leon. "W-Wala, ano, m-may inasikaso lang. Sandali lang, Angge, ha. Tapusin ko lang 'to! T-Tawagan kita agad ulit, promise!" "G-Gano'n ba? Sige." "Okay, bye." Binaba ko agad ang tawag at inayos ang sarili ko. Anong nangyari?! Paano kami umabot sa gano'n?! Napalunok ako. "L-Leon, alis na siguro 'ko. O-Okay ka na ba? Wala k-ka nang kailangan?" Umiling si Leon, hindi makatingin sa akin. His ears were very red and he seems shy. "Wala na. Magpahinga ka na, Anel." "Okay... i-ikaw rin. At ang sabi ko sa 'yo, mag-report ka... at palinis sa doctor—" "I'm fine. I'll call you tomorrow to clean me up again. Thank you." Tumango na lang ako kahit 'di niya nakita at dali-daling lumabas ng kwarto. Nakahinga lang ako nang nasa labas na. Napamura ako sa sarili ko. Muntik nang may mangyari sa amin ni Leon! Totoo bang nangyari 'to?! Nananaginip lang ba ako?! What the hell, Anel!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD