08

1469 Words
ANEL Nagising ako na nakabalot sa katawan ko ang malaking polo, habang nakahiga sa sofa sa study ni Leon. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa namin. Antok na antok pa ako dahil sa pagod pero agad iyong nawala nang makitang alas siete na nang gabi. "S-Shít!—" "Val is fine. Brad got him." Napapitlag ako nang may magsalita sa kabilang dulo ng study. Si Leon, topless pa, habang hawak ang isang mamahaling baso na may lamang alak. Hindi ako umimik sa kaniya. Nanatili lang akong nakaupo, natahimik, sabay yumuko. Ngayong nakatulog na ako, parang medyo natauhan ako... hindi dahil sa may nangyari sa amin pero dahil baka napasobra nga ako sa mga sinabi ko kay Leon. Totoong galit ako sa kaniya. Galit kasi paasa siya, na nahulog ako sa kaniya sa wala. Pero pagdating ko rito, wala naman siyang ibang ginawa kung hindi maging mabait sa akin na halos mapanuyo na nga, at sinuklian ko iyon ng kasungitan at pagmamaldita. I feel bad for him. Maybe it was out of line but... "Leon," tawag ko sa kaniya. Narinig kong pumihit siya at dama ko ang titig niya sa direksyon ko. Nagsimula siyang maglakad papalapit kaya nagsimula na rin akong magsalita. "S-Sa mga nasabi ko, gusto ko lang humingi ng—" "I get it. You can keep the job," Leon answered coldly. "Keep the job and keep me satisfied whenever I want, tulad sa club gaya ng gusto mo." Napalunok ako. "I-Iba kasi ito—" "Get dressed and leave, may trabaho ka pa sa baba," sambit ni Leon. "Tomorrow get ready. You'll come with Val and I." Tumango ako nang marahan. "Saan?" Hindi na niya ako sinagot at tinalikuran lang ako. Hindi ko na siya pinansin at hinintay pang sumagot, at nagbihis na at bumaba. Noong nakaraan, mabait na siya sa akin. Ngayon? Parang basura niya ako kung ituring. Ayos lang siguro. Hiniling ko rin 'to pero... pero makakaganti rin ako sa 'yo, Leon. Darating din ang araw na ako ang tatrato sa 'yo nang ganito. Nagbihis na ako at dali-daling lumabas ng study niya. Noon lang ata ako nakahinga nang maayos, paglabas ko roon. Nakakasakal ang presensiya ni Leon at... at ang katotohanang galit siya sa akin. Dapat wala na akong pake. Isa pa, mas madaling gumanti sa taong nagagalit din sa 'yo, 'di ba? "Val?" Kinatok ko ang kwarto ni Val. Pagbukas ko, naglalaro siya ng malalaking toy trucks. "Hello po, Yaya Anel," bati niya sa akin. Pinakita niya agad ang toy trucks niya sa akin, na ikinatuwa ko naman. Mukhang komportable na siya sa akin. "Pinakain ka na ni Brad ng meryenda, Val?" I gently asked him. I stared at his face. The little boy nodded. "Opo. Cookies." "Very good—" Natigilan ako sa pakikipag-usap sa kaniya nang may mapansin sa mukha ni Val. May maliit na pulang ilaw na nakatutok sa mukha niya. "Jusko!" sigaw ko. Agad kong hinatak si Val palayo sa kinauupuan niya at tinago siya sa likod ng kama niya. Kinabahan ako. Napakalakas ng t***k ng puso ko na hindi ko na naririnig ang sinasabi sa akin ni Val. May... may nag-laser sa mukha ni Val! Naalala ko ang nangyari kay Leon noong nakaraan, iyong may sumaksak sa kaniya! Shît! May gustong pumahamak sa pamilya nila! "S-Stay here, okay?!" sabi ko kay Val na kinakabahang tumango. May nagmamasid sa labas, may nag-aabang kay Val! Gumapang ako para isara ang malaking kurtina at nagtatatakbo papunta kay Val. Kinarga ko siya at noong patakbo na kami papunta sa pinto, sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. "Tulong!" sigaw ko. Nagsisisigaw ako at natatarantang binuksan ang pinto, hawak ang ulo ni Val na umiiyak na sa braso ko. "Anel, Val! Ayos lang ba kayo?!" Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Brad Pete na patakbo palapit sa akin habang nagkakagulo sa pasilyo. Nagtatakbuhan ang mga guard habang tinutulungan akonni Brad Pete kay Val. "Anel!" Pagod na pagod ang katawan ko pero nakaya kong kargahin si Val bago kami pinaulanan ng bala sa kwarto na iyon. Noon din, nakita kong nagtatatakbo si Leon papalapit sa amin, bukas pa ang polo. "Valier!" he exclaimed. Agad niyang kinarga si Val at niyakap ang anak. Ang dami nilang tinatanong sa akin pero hindi ako nakasagot. Umiiyak na rin ako sa labis na takot na naramdaman ko. Kung hindi ako dumating agad doon, paano si Val? Baka napahamak na siya... "Find them!" sigaw ni Leon. Mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao sa paligid ko. Wala na akong naririnig na barilan pero nanginginig pa rin ako. "Boss, we'll mobilize search efforts right now. Sa ngayon, manatili po kayo rito. Maximum security will be implemented immediately," sabi ni Brad bago umalis at tumakbo na rin pababa. Habang umiiyak ako at si Val sa takot, naramdaman kong inangat ni Leon ang baba ko at tiningnan ang mukha ko. Leon wiped my tears away. For a moment, I did not see him as my enemy, as the man who broke my heart, and as the man whose bed I warm for a price. I saw a kind man. I saw concern in his eyes. Napayakap ako sa kanila ni Val, hindi na nagdalawang-isip. Umiyak ako sa bisig niya. at napayakap din sa akin si Val na takot na takot din sa nangyari. "It's alright, Anel. I'm here," Leon said. Nararamdaman ko na inaalis niya ang lambing sa boses miya pero hindi niya magawa. Napakabilis ng mga sumunod na pangyayari sa loob lang ng isang oras. Bumalik si Brad na may balitang hindi maganda—wala raw natagpuang bakas ng mga kalaban ang security. They coordinated with the police but it will take a full day for them to conclude something. "I won't wait for a day knowing damn well they could try to hurt my family again," Leon said. "Brad, pack Anel and Val's bags." "Yes, boss." Nag-angat ako ng tingin kay Leon. Pack my bags? "S-Saan tayo pupunta?" Hindi niya ako sinagot dahil may kausap na siya sa telepono. Nasa kwarto niya kami habang natutulog si Val sa kama niya. Pagtapos ng tawag ni Leon, tinanong ko uli siya. "L-Leon, saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon pero inayos niya ang damit niya at kumuha ng ilang gamit. He grabbed something from his drawer before he answered coldly, "We'll be leaving. Somewhere Val can be safe... where you'll take care of him." Ilang minuto lang, nasa pinto na si Brad at ang ibang maid bitbit ang mga gamit namin ni Val. Habang karga ni Leon si Val, nagmamadali kaming lumabas ng bahay at nagpunta sa likod ng bahay ni Leon na isa ring golf course at sa gitna noon—naroon ang isang helicopter. "Come on," Leon called me. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sumakay na ako. Tinanguan lang ako ni Brad at alam kong siya na ang gagawa ng pagpapaliwanag kay Angge dahil wala ako sa katinuan para ipaliwanag ito sa pinsan ko. Umandar ang chopper at nakita kong nakatitig lang si Leon kay Val. I can see fear in his eyes, and I know how scared he was of what happened to his son. "Sinong gumawa nito, Leon?" tanong ko. Hindi siya umimik. He was just staring at Valier. "Natatakot na ako sa mga nangyayari, Leon," sambit ko. "Sobrang gulo, at muntik pang mapahamak si Valier." Hindi niya uli ako sinagot. Sa halip, napapikit siya na parang naririndi siya sa mga pinagsasabi ko. Sa kabila ng muntik mangyari sa akin, ganito pa rin siya na parang walang pakialam. Dinibdib niya talaga ang nangyari? Ang mga sinabi ko? Na wala siyang pakialam mapa'no man ako? Napigtas ako noon. Muntik akong mabaril! Hindi ako papayag na wala siyang sasabihin sa akin tungkol dito! "Leon, damay na ako rito," sabi ko. Hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng piloto ang usapan namin. "Babysitter ako ni Val at alam mo ang trabaho ko sa 'yo. Muntik na akong mabaril kaya kailangan mong sabihin sa akin kung sino—" "Someone wants to hurt my family, that's all I know for now." Hindi ako nakasagot doon. Hindi sapat ang sagot na iyon pero maraming tanong ang umusbong sa akin. Sino naman ang gagawa nito sa isang munting pamilya? Bakit? Bakit nila sinasaktan sina Leon, lalo na si Val na bata lang? Naalala ko ang laser sa noo ni Val at ang takot ko nang mga sandaling iyon. Diyos ko, protektahan niyo po kami. Maya-maya lang, nagsalita na ang piloto na nasa probinsiya na kami. Isang liblib na lugar malapit sa isang isla, kung saan may malaking villa sa tabi ng dalampasigan. "Sir, you've reached Monte Agapi," sambit ng piloto. "Let's go," Leon shortly told me, carrying his son, while I got confused of the new view. Sana lang ay ligtas kami sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD