"Hayaan mo na kami sa isang 'yon, boss. Kami na ang haharap sa kaniya kaya hindi mo na kailangang sumama," pagkukumbinsi sa 'kin ni Kuya Matthew. Pati ang kambal ay ayaw akong pasamahin pero buo na ang pasya ko. Gusto kong sumama! "Pero, kuya, ako ang kailangan niya kaya kailangan kong sumama. Gusto ko ring malaman kung ayos lang si Devin. Please naman, kuya," pagmamakaawa ko. Pero mukhang buo na rin ang pasya nila na magpunta sa teritoyo ni Jack nang hindi ako kasama. "Kaya nga hindi ka dapat sumama, ikaw ang kailangan niya. Sisiguraduhin naman naming ayos lang si Devin. Boss, kaibigan namin siya kaya gagawin namin ang lahat para maging ayos lang siya," ani Kuya Marvin. Napayuko na lang ako dahil lahat sila ay tutol sa pagsama ko. Gusto ko lang naman makita kung ayos lang ang lagay ni

