Point of View: Andrea Raizen Narvaez Nakahinga ako nang malalim matapos kong makitang ayos lang si Devin. Kusang tumulo na ang mga luha ko dahil sa gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti nang nagkakakulay ang mukha niya at tumigil na rin ang pagdurugo ng sugat niya sa balikat. Mukhang wala naman siyang ibang sugat kundi ang tama niya. Malaki ang pasasalamat ko kay Ate Suzy dahil hindi niya pinabayaan si Devin. Hindi ko nga alam kung paano ko pa siya mapapasalamatan matapos ang nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya rito sa gubat at hindi niya kasama ang mga hunters na kaninang nagpaputok sa 'min. Naguguluhan pa rin ako kung bakit niya nalamang may mga lobong gaya namin sa gubat. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit hindi niya ako pinatay. Hindi ba at pumapat

