Point of View: Third Person "Nandoon sila!" turo ni Suzy sa mga tauhan ng Lolo niya. Nagpunta ang lahat sa direksyong itinuro niya ngunit nagpaiwan siya. Siya ang naatasan na humawak sa mga hunters ngayon. Nang malaman niyang may kasama ang mga lobo na isang tao, may gusto siyang malaman. Sinigurado niyang ang lahat ay nagtungo roon at saka siya pumunta sa kabilang dereksyon. Doon niya nakita ang dalawa na kasalukuyang nakahilata sa damuhan. Nang lapitan niya ito ay roon niya napansin ang panghihina nilang dalawa, ngunit may malay pa rin si Andrea. Dahan-dahang napatingin sa kaniya ang dalaga. "T-Tulungan mo siya, Suzy. Ako lang naman ang kailangan mo... hindi ba? Gamutin mo siya... kung hindi ay mauubusan siya ng dugo. Ayokong mawala siya," ani Andrea. Tumulo ang luha sa kaniyang mga

