Narinig namin ang mahinang pagkatok sa pinto kaya naman agad nagtungo roon si kuya. Natanaw ko agad ang napakagwapong si Kuya Mike sa kaniyang tuxedo. Hindi siya naka-necktie pero mayroon siyang bow na kulay asul. "Hi, babe," nakangiting bungad niya kay ate. "Babe, you're here!" masiglang bati naman ni ate. Noong una, ang akala ko ay ang korni ng tawagang babe. I mean, para naman kasing pang-baboy ang tawagang iyon. Pero alam niyo iyong kapag kita mong masaya silang dalawa sa tuwing tinatawag ang isa't isa, iba pala ang pakiramdam. Hindi ko man alam kung ano talaga ang pakiramdam pero just by looking at the both of them – parang may inggit factor. They both look happy and contented with each other. Para bang nakikitaan ko na sila ng forever. I just can't help but feel happy for the bot

