"Ang galing niyo, Drea. Congrats!" ani Kaia. "Naiyak ako kanina, Drea! Para akong nanonood ng pelikula!" ani Dyna habang nagpupunas kuno ng tumutulong luha. "Ang drama mo talaga, Drea!" Napatingin ako sa nagsabi noon at halos matawa ako. Bakit ngayon ko lang siya nakita? Ang paborito kong pinsan – ang paborito kong asarin! "Noo! Long time no see. Balita?" tanong ko sabay gulo ng buhok niya. "Argh! Bwisit! Ayos naman ang araw ko pero nagbago nang makita ka." Napapalakpak ako dahil sa sinabi niya. "Improving ang pang-asar skills mo, ah? Pero better luck next time!" Sinamaan niya ako ng tingin, he growled at me kaya napataas ako ng kamay ko. "Easy there! Maraming bisita na hindi alam ang tungkol sa atin." Imbis na magsalita ay tinalikuran na lang niya ako. Mukhang naiinis na talaga siy

