*Ex*
Part2
Ivan*
POV
Pag dating sa Giftshop.
Inikot ko na ang Mata ko na sana makakita ako ng magandang regalo para sa asawa kong si Denice.
Best friend ko si Denice.
Magkababata kame.
Mag bestfriend ang mga Mommy namen.
Pag ka graduate namen ng Grade 6.
Kailangan na nameng magpaalam sa isa't isa.
Sa America kase mag ha High School si Denice at ako naman e dito lang sa Pinas.
Akala ko hindi ko na sya makikita.
Akala ko putol na yung friendship namen.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko sya.
Taon na din nakalipas hindi na kame nagka usap pa.
Kaya binaling ko nalang yung isip ko sa pag aaral.
~~~~
10 years ago...
"Wow." Sabi ni Josh na pinsan ko.
Tinignan ko si josh.
Tapos sinundan ko naman yung Mata nya kung san nakatingin.
(Wow, wow talaga.)
Sa sulok ng Canteen.
May dalawang Babae dun. Nakatalikod yung isa at alam kung yun yung wi na Wow ni Josh.
Brown na mahaba at medyo curly yung buhok.
Tapos sexy. Sa braso nya makikita mong makinis sya.
Ewan ko ba kung ano tong nararamdaman ko.
Hanggang sa tumayu sya. Parang napatayo rin puso ko.
Tapos dahan-dahan lumingon na sya.
Humarap sya samen.
"Wow..." Bulong ko.
Ang ganda nya. Maamo ang mukha. Kaso iniisip ko baka masama naman ugali.
Hanggang sa isang grupo ng Cheerleaders ang huminto sa harap nya.
"Feeling mo maganda ka na nyan??! " Mataray na pagkakasabi ni Sam na leader ng grupo.
"N'Nanahimik n'na a'ako. Pakiusap." Sagot na Nakayuko at parang natatakot ang magandang Babae.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at lalapit na sa kanila.
Kilala ko galawan ni Sam.
Bully sya sobra.
Ayaw nyang nalalamangan.
Pero etong babae na wi na Wow ni Josh. Nakaka Wow talaga. Walang wala si Sam.
"Sam, ano trip mo." Sabi ko.
"Hi, babe." Sabi nya sabay Lingon ni Sam saken at biglang ngiti.
May gusto si Sam saken pero ayoko sa kanya.
Inggitera e.
Kaya lang nung lasing na lasing ako akala ko si Denice yung nasa tapat ng pintuan ng dorm ko hinalikan ko to at ipinasok sa loob ng dorm ko.
Nag s*x kame. Tapos pag gising ko iba na mukha ni Denice.
Si Sam pala yon.
Sinakyan ko nalang sya sa pang haharot nya saken.
Pero sinabi ko sa kanya na Hook-up lang kame.
I don't do relationship. Ok raw sa kanya.
Pag nag iinit ako inaaya ko sya.
"Babe, nakikipag kaibigan lang naman ako kay transfer." Sabi ni Sam.
"Nakikipag kaibigan? E ba't ganon tono mo." Seryoso kong sagot.
"Magsorry ka. Wag ng mauulit to Sam." Dugtong ko.
"Uhm, sorry Sandra. Nagbibiro lang naman ako." Sabi ni Sam.
(Sandra... Sandra?... Ang gandang pangalan) isip ko.
Tumango lang si Sandra at naglakad na palayo kasama ang kaibigan neto.
Tinitignan ko sya habang palayo.
Maganda sa Harap.
Maganda rin pag Naka talikod. (Wow)
"Dude, baka malusaw." Sabi ni Josh habang tumatawa.
Napatingin naman saken si Sam.
"Men, lezz go. Ma Le late na tayo sa klase naten." Sabi ni Kyle na pinsan ko din.
Naglakad na kame papuntang klase namen.
Pag tapos ng mga klase namen.
Pumunta na kame sa mga Dorm namen.
Hindi mawala sa isip ko si Sandra.
*knock knock!
"Who's there? " Sabi ni Josh.
"Putaenamopo. " Boses ni Jacob na pinsan din namen na nasa labas nitong Dorm.
"Byusit. Hahahaha!" Sabi ni Kyle habang humahalakhak.
Nakahiga na ko sa bed ko.
Si Josh ang nagbukas ng Pinto tapos, bumungad ang Dalawang Bwisit, Kasama ni Jacob si Justine na pinsan din namen.
Lima kameng magpipinsan na magkakasama sa School na to.
Pero sa dorm si Josh at Kyle ang ka share ko.
Kabilang Kwarto sina Jacob at Justine.
Pagpasok ni Jacob kita kong may dala itong alak.
3rd year College na kame kaya ok lang mag inom.
"Alright, let's to this! " Sabi ni Justine na Tuwang tuwa.
Pinapaikot na nila yung Emperador.
Mayamaya pa mga may Tama na kame.
Pareparehas kameng nahihilo.
"Huy, wala bang chix dian?" Sabi ni Justine.
"Hindi ka ba pwedeng malasing ng walang hinahanap?" Sabi ni Josh.
"Oo nga, libog na naman dep*ta." Sabi ni Kyle.
"Chix lang e. Damot nyo puta kayo." Sabi ni Justine.
Nagtawanan kame bigla.
Si Justine kase tong medyo may malalang sakit na Kalibugan sameng magpipinsan.
"May sasabihin ako." Sabi ni Josh.
Natigil ang pagtawa namen sabay tingin kay Josh at...
"Ano." Sagot nameng Apat sabay tawa.
"Seryoso to uyy." Sabi ni Josh.
Nagpigil na nga kame saka tumingin sa kanya para malaman na din yung gusto nyang sabihin.
"Ano ba yon." Sabi ko.
"Type ko yung Sandra." Sabi ni Josh.
Biglang kumabog ng malakas ang Dibdib ko.
Selos ba to o hindi ko lang kase inaasahan?
"Ang bango siguro nun." Sabi ni Josh.
"Mas Malala ka pala saken e." Sabi ni Justine.
Nagtitinginan lang kame nila Kyle at Jacob.
Alam ko na mangyayare basta pag sinabi ng isa samen na may gusto sya. Susuporta naman kame.
*
Kinabukasan sa Locker.
"Ayun sya." Sabi ni Josh.
Lumapit ito kay Sandra.
Nakatalikod ito samen at nangunguna.
Kinakabahan ako habang papalapit kame.
"Hey. There." Sabi ni Josh sabay ngisi.
Kitang-kita kong nahihiya si Sandra habang nakatingala samen.
"Hm. Hi po." Sabi ni Sandra.
"Josh nga pala." Sabi ni Josh habang nakangiti.
Nag shake hands sila. Tapos nae excite ako.
Pinakilala kame ni Josh.
Nag shake hands sila ni Kyle, Jacob, Justine.
Tapos ako.
Napahinto kame ni Sandra.
Alam kong naramdaman din nya.
Para bang may kuryente?
Ramdam kong nakatingin mga pinsan ko samen.
Si Josh naman napanganga. Kase ang tagal namen nagtitigan ni Sandra.
"Bes!"
Binitawan ko na tong kamay nya at nag sorry ako sa kanya.
Tapos ngumiti sya.
(Grabe ang ganda ng ngiti nya.?)
Pag lingon namen may babaeng papalapit samen.
Sya yung babae na kasama ni Sandra sa Canteen.
Mukhang Kaibigan nya to.
"S'Si Anya nga po pala bestfriend ko." Sabi ni Sandra.
"Hi." Sabi nameng Lima tapos nagtawanan.
Pag kase nagkaka sabay sabay kame ng pagsasalita nakakatawa talaga e.
"Uhm, BTW Sandra. Ayain sana kita may gaganaping party sa bahay ko. Sama mo si Anya." Pag singit ni Josh.
"Ahh, e, party." Sagot ni Sandra saka yumuko.
Mukhang Ayaw nya.
"Wag ka mag alala. Wala naman kameng gagawin sayo hehe." Sabi ni Josh.
Namumula ang magkabilang pisngi ni Sandra na nagpa kabok sa Dibdib ko.
"This Saturday night. Mga 5:30 pm sabay sabay na tayo. Tapos mga 9 or 10 pm? Balik na tayo dito.?" Dugtong ni Josh.
"Sigi sigi!!" Sagot bigla ni Anya na tuwang tuwa.
Nagulat kame kase matinis ang boses nito.
"Ok po." Sabi ni Sandra na nahihiya.
"Wag ka na mag po." Sabi ko.
Ngumiti ito at nag tawanan nanaman ang mga kumag kong pinsan.
Ramdam nila na interesado ako dito.
*
Pag dating ng Sabado. Gaya ng usapan.
5:30 pm naka ready na kame.
Nandian na sundo namen.
Dalawang kotse yun.
Blue car at Yellow car.
Sa blue car kame nila Sandra, Anya at Josh. Tyaka yung Driver.
Sa Yellow car sila Justine, Jacob at Kyle. Tyaka driver.
Pag dating namen sa bahay ni Josh kumain agad kame.
Tapos sayaw sayaw.
Pinakilala namen sila sa Family namen.
Sa isang sulok.
Narinig kong nag bubulungan si Josh at Justine.
"Men, dinurog ko na to. Lagay mo sa drinks ni Sandra. Hihi. Para mag wild sya. 'Lam mo na? Mang gi gigil kayo pareho." Sabi ni Justine.
"Effective ba yan?" Sabi ni Josh.
"Onaman, subok ko nato. Marami na kong chix ang nag positive hahaha." Sabi ni Justine.
Kinakabahan ako.
Alam na alam ko tong galawan nila.
Pero first time gagawin ni Josh to.
Yung maglalagay ng Drugs o Ecstasy sa inumin ng babae.
"No no." Bulong ko.
Naglakad na ko agad papunta kay Sandra.
Inaya ko to na pumunta sa tahimik, sumama naman sya saken at nagpunta kame sa Likod bahay.
"Please,pag may inabot si Josh na drinks sayo wag mong iinumin please." Sabi ko.
Nagtataka ang reaction nito.
Nung nakita ko si Josh na may dala dalang baso.
Bago pa sya lumingon samen.
Hinawakan ko na sa magkabilang pisngi si Sandra.
"Mm!" Reklamo nito.
Hinalikan ko sya at niyakap.
Nilagay ko yung mga kamay nya sa likod ng ulo o batok ko para mas magkayakap kame ng sobra.
"Hmm." Ungol ko.
Ang lambot ng labi nito.
Huminto ako at tumitig sa mga Mata nito saka ko nag sorry pero magkayakap parin kame.
"F'First kiss." Bulong nito at namumula pa ang magkabilang pisngi nya.
"Huh? First kiss moko?" Sagot ko sa kanya habang nakangiti.
Tumango sya.
Sa sobrang Saya ko, hinalikan ko ulit sya.
This time. Mas matagal na.
Pinaramdam ko kay Sandra yung Sabik kong mahalikan sya.
*
Mga 8:45pm pumasok na kame dito.
Akbay akbay ko si Sandra habang papalapit kame sa mga Pinsan ko.
Nakita ko sa mukha ni Josh na proud sya.
Akala ko sasapakin ako e.
Syempre nakakagalit yung tipong inunahan ka sa gusto mo.
"Uwian na guys?." Sabi ni Anya.
"Tara na." Aya ni Jacob.
*
Mayamaya...
Hinatid na namen sila Anya at Sandra sa dorm nila.
Bago pumasok si Sandra hinawakan ko sya sa bewang tapos hinarap ko saken tyaka ko hinalikan.
Ang saya saya ko nun.
Sobra.
"Goodnight." Sabi ko sabay kiss sa noo ni Sandra.
"Goodnight." Sagot nya habang nakangiti.
Pag pasok nila sa dorm nila sumilip pa sya saken at ngumiti.
Kinilig ako sobra.
"Wow..." Bulong ko.
*
Pag dating namen sa room nag palakpakan silang Apat.
Nagtataka naman ako.
Galit kaya sila saken?