*Ex*
Part3
Ivan*
POV
"I'm so sorry dude." Sabi ko sa mga pinsan ko.
Nagkatinginan sila.
Tapos Kinabahan naman ako.
"Men, nu kaba. Hindi kame galit sayo." Sabi ni Josh.
"Onga, wag ka mag isip ng kung ano. Proud lang kame sayo hahaha." Sabi ni Justine.
"E ba't ganyan kayo nag papalakpakan? " Sabi ko.
"Dude, Hindi kame makapaniwala sa nangyare. Para bang niligtas mo si Sandra kay Josh. Haha." Sabi ni Kyle.
"Hindi naman totoong may drugs men e. Kunyare lang. Titignan lang namen kung totoong interesado ka kay Sandra." Sabi ni Justine.
"Amazing... Ikaw ang Super Hero! Haha." Sabi ni Jacob.
Tinitigan ko lang sila.
Parang mga timang.
Hindi ako makapaniwala na nag paraya si Josh.
Sabi nya saken kung gusto ko daw si Sandra, alagaan ko daw.
Mahal ko si Sandra kaya syempre gagawin ko yun.
Araw araw ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko sya. At sya lang ang babaeng mamahalin ko. Pag nagka anak kame ng Babae edi dalawa na sila.
Sama ko pa pala lola ko tyaka mommy ko.
*
Pagka graduate ko ng College nagsimula na ko sa mga Meeting ng Business's ni Daddy.
Niligawan ko si Sandra at sinagot naman ako nito.
Ang saya saya ko sobra.
Gustong gusto sya ng parents ko.
Saklap lang.
Ulila na si Sandra.
Si Anya lang ang naging pamilya nya.
Namatay sa cancer ang mama ni Sandra na nag adopt sa kanya. Kaya pinaramdam ko sa kanya na may bago syang pamilya.
Debu ni Sandra sa bahay namen kame nag celebrate.
Yung gabi nun. Unang beses na may nangyare samen.
Ako ang first nya. Kaya pangako ko sa sarili ko na dapat ako ang Last nya.
*****
Sandra*
POV
Pag ka uwi namen sa bahay deretso sa kwarto ang bibo kong anak.
Napakasarap sa pakiramdam.
Kung hindi dahil kay Jon. Baka wala na ko sa mundong ibabaw. Sumuko na siguro dapat ako. Pero nung nakita ko ang mukha ni Jon.
Guminhawa ang pakiramdam ko.
Etong batang to ang pag-asa ko para mabuhay.
"Bes, mag luluto ka ba letche flan?" Sabi ni Anya.
Napatingin ako agad kay Anya. At natawa.
"Kahapon lang nag letche flan tayo ah." Sabi ko.
"Eeiii, sigi na? Please. ?" Sabi nya.
"Okay, ok." Sabi ko saka sya nginitian.
*
Kinabukasan... Sa Palengke..
Namili na ko ng mga kailangan para sa pag luluto ng Letche flan at idagdag ko na din ang Ube halaya na gustong gusto ni Jon.
Habang bumibili ng itlog.
Para bang may naka tingin saken.
Lumingon ako't tumingin sa likuran ko.
Pero wala namang nakatingin.
Maraming tao dito pero ramdam ko talagang may nakatingin saken.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa nagbebenta ng itlog.
Alam ko talaga na may nakatingin.
Kaya lumingon ulit ako.
"Hmm." Huni ko.
Pagkakuha sa binili kong itlog ay naglakad na agad ako palabas ng Palengke.
Sumakay ako sa trycicle at sinabi sa driver ang uuwian ko.
Pag dating sa bahay sinabi ko agad kay Anya ang nangyare.
"Gaga! Baka napa paranoid ka lang!" Sigaw ni Anya.
"Bes, may nakatitig talaga saken! Promise." Sabi ko.
"Nag a adik ka ba Sandra?" Sabi nya.
"Langyang to." Sabi ko.
Tumawa lang ito.
Hinayaan ko nalang sya.
Inayos ko na yung mga pinamili ko.
"Bes, dalawang letche order ni Nanay Pising." Sabi ni Anya.
"Dalawang letche?" Sabi ko habang natatawa.
Tuwang-tuwa si Anya sa kalokohan nya.
Yan din ang hindi ko maintindihan kapag ganyan sya magsalita.
"Hays." Bulong ko.
Lumipas ang ilang oras.
Pag dating ng gabi.
Mga 9:00pm pinatulog ko na si Jon.
Pag pikit ko.
Napapanaginipan ko nanaman yung ginawa saken ni Ivan.
Iniisip ko din na kawawa naman ang anak ko.
Walang kinilalang Ama.
Gaya ko.
Hindi ko kilala ang mga totoong magulang ko.
Ang tanging pangalan lang na binigay ni Mama Mara saken yun daw ang palatandaan saken ng magulang ko.
(Princess Sandra Gray Villa Rica)
Iniisip ko.
Napaka sosyal ng pangalan ko.
Maganda ako. Ibig sabihin maganda at gwapo ang Nanay at Tatay ko.
(Nasaan na kaya sila?. Hinahanap kaya nila ako?.
Naiisip kaya nila ako?..)
"Hmm." Huni ko at bumaling ng higa sa Kanan.
Ang kwento saken ni Mama Mara ay niligtas nya ko sa isang sunog sa Malaking Ospital sa Manila.
Nurse sya dun.
Lahat raw ng baby na kasama ko sa kwarto ay patay na.
Ako lang daw ang umiiyak at buhay na buhay pa.
Yung nametag nakalagay sa Paa ko nung baby pa daw ako. Kaya yun ang nilagay ni Mama Mara sa Birth certificate ko.
Yun daw ang palatandaan saken ng Totoong magulang ko.
Bago pa ko mag graduate ng High school ay namatay si Mama Mara dahil sa cancer.
Ayaw saken ng pamilya ni Mama dahil hindi daw nila ko kadugo.
Naintindihan ko yun.
Ang masakit lang saken ay yung pagkalibing ni Mama pinalayas nila ako.
Si Ivan ang kumupkop saken at masaya ako dahil pinaramdam nya saken na mahal na mahal nya ko.
Kaya lang.
After one year. Dumating si Denice.
Naiintindihan Kong bestfriend nya yun kaya lang.
Mas madalas silang magkasama.
Kahit kaharap nila ako parang bula o hangin lang ako sa kanila.
(Ok lang yan Sandra. Matagal silang hindi nagkasama.)
Pero parang may Mali?
"Ayoko na..." Bulong ko.
Mayamaya pa'y nakatulog na ko.
Sa sama ng loob.
*
*Kinabukasan...
Gumising ako ng ala sais(6) ng umaga para I ready yung ingredients ng Letche Flan at Ube..
Magkatulong kame ni Anya at nakiki gulo naman ang Prinsipe namen.
Ang sarap sa pakiramdam na tahimik na ang buhay ko.
*
Mga bandang 11 kumain na kameng tatlo, ako si Anya at si Jon.
Pagkatapos kumain ay inayos at binilang ko na yung order ng Dalawang matandang Babae na Adik adik sa gawa kong Letche Flan at Ube Halaya.
Lumabas na ko ng bahay si Anya at Jon manonood muna sila ng Movie.
Naglalakad na ko na parang may nakatingin kaya,
Binilisan ko ang lakad ko.
Hanggang sa makarating kila Nanay Pising.
Dumiretso na ko hanggang makarating sa huli kong pupuntahan kay Nanay Magda.
Huminto muna ako at nakipag kwentuhan kay Nanay Magda ng may humintong sasakyan sa gilid.
Hindi ko ito tinignan.
Matagal tong nakahinto dun.
"Ah, Opo. Oo nga po." Daldal ko.
Maya maya pa'y umalis na yung Sasakyan.
"Oh Jusko." Bulong ko sabay lingon.
Nilingon ko yun hanggang sa mawala na sa paningin ko.
"Hays..." Bulong ko.
Hinarap ko na si Nanay Magda.
Nagpaalam na ko kay Nanay Magda at dali daling naglakad para maka-uwi...
(Ano kaya iyon?) Tanong ko sa isip ko.
Sobra tuloy akong kinakabahan at natatakot habang papasok dito sa Bahay.
"Hmm." Huni ko.
Seryoso sa panonood ng Cartoons sila Anya at Jon.
Nilinis ko na ang pinag kalatan ko sa kusina.
Inipon ko ang mga kalat at nilagay sa Black Bag.
"Nako, paano kaya to.?" Bulong ko.
Natatakot akong lumabas.
Pero ayoko namang istorbohin si Anya.
*
Nag antay nalang ako na mag dilim ng kaunti.
Pag mga ganun kase may mga tambay sa tapat ng bahay at kilala ko ang mga yon kaya kung may mangyare man saken.
Siguro naman tutulungan nila ko.
"Eto na yun." Sabi ko.
Hinawakan ko na ang Black Bag.
Bitbit ko na ito palabas dito sa Bahay.
Sa gilid kase ng bahay ni Anya iniipon ang mga basura.
Habang inilalapag ko na ang Basura biglang...
"Sandra... "
Ang Mababang boses.
At parang pamilyar 'yon.
Nilingon ko at nakita si..
"Josh..." Sabi ko.