8 - New Guest

1208 Words
Cauli's P.O.V  "Saan tayo nito ngayon?" tanong ko. Sandali kaming tumigil sa gitna ng kalsada. Apat na lamang kaming natira. Wala na ang kapatid ko at ang aking ina. Apat na ang nawala sa'kin. Parang gusto kong mabaliw sa isiping dahan dahang nawawala ang mga importanteng tao sa buhay ko. "Maghahanap tayo ng mapapagtaguan ngayong gabi," sagot ng binata sa'kin. Kapagkuwan ay nagsimula na kaming maglakad apat. Walang nagsalita kahit isa sa'min. Hindi ko rin alam kung sa'n kami pupunta basta nanatili lang kaming nakasunod sa lalaki habang paika-ika akong naglalakad at nakaalalay sa'king tabi si Kiely. "Aray!" Hindi ko sinadyang mabuwal ako sa paglalakad. Kumikirot ang mga sugat sa'king paa kahit ayaw ko. Nakita ko siyang lumingon sa'kin at rumehistro ang pagkayamot sa kanyang hitsura na para bang pabigat lang ako. "Kaya mo ba?" Tumango ako at tumayo ulit para lumakad. Tiniis ko ang sakit pero masakit talaga 'yon at sunod-sunod ang pagbaha ng kirot. Sandali akong humugot ng malalim na buntunghinga at nagsimula ng humakbang ulit pero sa hindi ko inaasahang pangyayari, bigla siyang tumigil sa harap ko at yumukod. "Sakay kana sa likod ko. Ipapasan na kita para mas madali tayong makaalis rito."  Mula sa baritono niyang boses ay napatitig ako sa kanyang malapad na likod na nakaalalay ngayon. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang kanyang alok. Mukhang nakakahiya pero ngumuso na sa'kin si Kiely bilang pagsang-ayon din niya. Nilunok ko ang hiyang natitira pa sa'kin at sumakay na sa kanyang likod. Para tuloy akong bata sa kanya dahil bukod sa 6 footer ang height niya, atletic body pa siya. Ikumpara sa tangkad kong 5'3 lang at slim body pa. "Sinong nagugutom?" Mayamaya'y tanong niya habang nasa kaligitnaan kami ng daan na wala ng taong natira pa kundi kami na lang yata. Mabilis naman sumagot ang dalawang batang kasama namin ngayon. Tamang tama naman dahil dumaan kami sa isang supermarket na puno ng pagkain para sa kumakalam nilang sikmura. Pagpasok palang namin sa supermarket ay biglang nagsitakbuhan sina Kiely at Phol sa loob. Ako naman ay nakiusap na ibaba ng binata na sinangayunan naman niya. "Ikaw Cauli, hindi ka ba nagugutom?" Napasulyap ako sa kanya at nagtataka kung paano niya nalaman ang aking pangalan gayon hindi pa kami nagpapakilala sa isa't isa. "It's Rowan Laurence Navaris." Saka siya tumingin sa'kin at humakbang na sa unahan. Napakunot ang noo ko. Pamilyar sa'kin ang kanyang apelyido. Minsan ko ng narinig ito sa Unibersidad namin. Marahil iisa lang kami ng pinapasukan.  Kapagkuwan ay napasunod na lamang ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nasa malayo at tumitingin ng mga pagkain na nakahilira sa bawat tabi. Saka ko napansin ng maigi na gwapo pala ang binatang kasama namin ngayon. May kasingkitan ang kanyang mata na binagayan sa makakapal na kilay at tangusang ilong at makurbang labi. Mukhang anak mayaman ang kanyang hitsura. Kung nasa ibang pagkakataon lang kami nagkita, baka magkakagusto pa ako sa kanya. Bigla kong pinilig ang aking ulo. Nasa end of the world na nga kami, kung anu-ano pa ang iniisip ko. "Ate, nakahanap ako ng tobleron ko." Lumarawan ang konting tuwa sa mukha ni Kiely ng bumalik sa'kin. May mga yakap-yakap na siyang tobleron. Ngumiti lang ako ng tumingin sa kanya. Hindi pa pala ako nag-iisa. Nandito pa ang isang mahalagang tao sa buhay ko. Ipapangako kong hindi ko siya pababayaan. Tatayo ako bilang kapatid niya na nagmamahal at handang ililigtas siya. Makaraan ang ilang minuto ay sinimulan na itong kainin ng aking kapatid. Ako naman ay pinagmamasdan ko na lamang siya. Parang gusto kong umiyak pero wala ng luha pa ang gustong pumatak. Parang umurong na ang lahat ng 'yon dahil sa nangyari kanina. Parang kahapon lang ay masaya at kompleto kaming pamilya pero ngayon, kami na lamang ang natira ng kapatid ko. "Ate!" Biglang napayakap sa'kin si Kiely ng may Hellions na sumira sa glass wall at deritsong pumasok. Ang nakakatakot lang, sa'ming direksyon agad ang mga ito nakatingin. "Rowan! Asan ka ba!" hintakot kong naibulong ng magsimula na silang umamoy at pinapagana ang kanilang pandinig. Agad kong tinakpan ang bibig ni bunso ng papunta na sila sa'ming direksyon. Shet! Apat na Hellion ang papalapit sa'min. Hindi rin pwedeng umalis pa kami dahil maririnig nila ang ingay at kaluskos namin. "Ggrruuhh!" Napakagat labi ako at nagpasyang itakip na lang ang kamay ko sa'king teynga. Nakakangilo at nakakakilabot ang kanilang tunog. Mas nakakangilo kesa sa Alien kagabi. Asan na ba sina Rowan? Mukhang iniwan na yata nila kaming nag-iisa rito ni Kiely. And'yan na sila papalapit sa'min. Agad kong pinulot ang isang tobleron ni bunso at itinapon sa unahan pero walang reaksyon sa mga ito. s**t na ito! Nagpatuloy sila sa paglapit sa'min. Agad kong sinenyasan si Kiely na tumakbo siya ng walang ingay sa kanang bahagi at magtago. Umayaw siya pero mapilit ako at itinulak ko na siya. "No!" Hindi ko mapigilang mapasinghap ng mula sa kung saan ay may lumitaw na isang lalaki at mabilis akong hinila sa kinalalagyan ko ngayon. Sumunod sa'min ang mga three arms creature pero maliksi ang kilos niya at nakalayo kami. - Michael's P.O.V  Kung 'di ba naman maliksi ang kilos ko, malamang nabiktima na nung mga pangit na alien ang babaeng sinagip ko ngayon. Mabuti na lang at mala James Bond ang dating at kilos ko. Isa lang naman akong Criminology student na sana'y magtatapos na next year pero heto at minalas lang ng pagkakataon dahil sinira na ng mga alien ang mundo.  Dito na ako nagtatago sa supermarket simula pa nung isang araw. Ligtas na kasi ako rito at may pagkain pa sa bawat tabi at kung mamalasin ulit, mag-isa lang ako. Kaya nung makita ko ang mga taong ito, nakaramdam ako ng tuwa dahil may buhay pa pala maliban sa'kin. Aw, marami pa naman buhay pero dahil gwapo ako kaya ako snob at sila lang ang type kung pansinin. Dalawang lalaki at dalawang babae ang aking nakita mula sa'king hideout. Pero ang una kong napansin ay ang babaeng pasan nung lalaki na tingin ko ay kasing-edad ko lang. Kung seswertehin din naman ang pagkakataon ko. Nakakita na naman ako ng maganda at mala-anghel ang mukha sa kabila ng end of the world, na ngayon ay pangko ko na at pilit iligtas sa humahabol samin. Kahit mamatay ako basta masagip ko lang ang napakagandang nilalang na ito ay okay na okay 'yon sa'kin. Super hero niya na ako! There! Nailigaw ko rin ang mga papangit na alien. Hindi ko alam kung ano sila. Basta sa tingin ko ay mapanganib ang mga 'yon. "Sino ka!" Dagling tanong niya na ngayon ay pangko ko pa rin. "Hey, ibaba mo na ako." "Hey It's Michael Calyx Sierranto! Ikaw Miss, sino ka?" pagbabalik tanong ko nang ibaba ko na siya. Ang ganda talaga niya. Tumitig naman siya sa'kin at nag-iwas ng tingin. Mukhang wala siyang planong magpakilala sa pangalan niya. Hindi lang siya maganda ah, suplada pa. Ito ang gusto ko. Saka ko lang napansin na may benda pala ang isa niyang paa. Marahil may sugat kaya pala pasan-pasan siya nung lalaki kanina. Mas mabuti 'yon para ako ang magpapasan sa kanya. Ohrayt! "Ang kapatid ko. Si Kiely!" nababahalang saad niya sa'kin nang biglang may naisip siya. "Okay, wait here. Ako na ang pupunta." ngumiti ako ng matamis sa harap niya at diritsong lumabas sa silid na kung saan ko siya itinago sa mga pangit na alien. Pasalamat siya at maliit ang espasyo ng puso ko dahil mapipilitan talaga akong itago siya sa puso ko. Yeah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD