7 - Hellion

1653 Words
ROWAN'S P.O.V "Damn!" napamura ako sa subrang gulat nang mula sa unahan ay may lumitaw na hindi pangkaraniwang nilalang. "Kuya, mga Hellions po ang mga iyan! Mga nilalang na alaga ng mga Delthans!" nangatog sa tabi ko si Phol. Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Gusto ko siyang tanungin kung saan niya ba talaga nalaman ang mga ito pero hinila ko na siya upang tumakbo dahil nagsimula ng maglakad ang mga 'yon. Hindi isa o dalawa lang. Kundi marami sila tulad ng mga Delthans. Matataas sila na parang aabot sa 7'5 feet. Walang mga mata. Abuhin ang kanilang mga kulay at matatalim at matatalas ang kanilang mga ngipin na handang lalapa anumang oras. "Kuya, hindi po sila nakakakita. Naririnig lang po nila tayo sa'ting galaw at kilos. Wala silang mata!" malakas na saad sa'kin ni Christian Phol. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano, hindi ito mapanganib tulad ng mga Delthans na sa gabi kung lumalabas. "Aahhh!" Isang tili ang kumawala sa labi ng babaeng minsan ko ng tinulungan at heto ay tinulungan ko ulit. Mabuti at mabilis ang kilos ko at nakatakbo pa ako papalapit sa kanya at hinila siya. Ano bang akala niya sa buhay niya? Siyam na katulad ng pusa? Parang gusto ko siyang murahin sa kanyang ginawa. Kung 'di ko siya hinila, malamang na patay na siya ng mga Hellions na tigtatatlo ang mga kamay. At dahil hindi maayos ang paa niya, kinailangan ko siyang buhatin ng wala sa oras at itakbo papalayo sa mga ito. "Ggrruuhhh!" Ito ang boses ng mga nilalang na halatang nainis dahil walang nabiktima kahit isa. Kung pagmamasdan, kahit wala silang mata ay parang nakakakita sila dahil heto at sumusunod sila sa'min ngayon. "Kumapit ka ng maigi sa batok ko!" sigaw ko sa kaniya. "Oo!" tanging sagot niya sa'kin. Damn! Kung minalas talaga. Lahat sila ay patungo sa'ming direksyon. Parang naulit ulit ang eksena kagabi na nakipagtaguan kami sa mga Delthans. Pero iba ngayon dahil 'di lang ito nakakakita pero mapanganib parin at mabibilis pa ang kanilang mga hakbang kesa sa takbong ginawa ko. Lalo na at buhat-buhat ko pa ang babaeng na kahit pangalan ay hindi ko alam. Hindi ko na rin ininda ang bigat ng babaeng ito dahil para lang naman siyang bata sa mga bisig ko. Nang makakita ako ng mapapagtaguan ay mabilis akong pumasok ro'n. Iniwasan ang Makalikha ng ingay. Habang ang babaeng kasama ko ngayon ay sinenyasan kong 'wag siyang magsalita. s**t! Ayan na naman sila. Hinahanap kami. Sinusundan yata ang amoy namin. Pero bahagya akong natigilan nang pagsilip ko ay tinungo ng ilang Hellions ang pinaglalagyan ko kay Phol. Mas lalo pa akong nagulat ng sinusundan din pala ng ilang Hellions ang ina at kapatid ng babaeng kasama ko ngayon. "Ang mama ko!" umakmang tumayo siya at tatakbo sana papalabas sa pinagtataguan namin ngayon pero agap ko siyang pinigilan. Nakita ko sa kanyang mukha ang labis na pagkatakot at taranta sa nangyayari. "Kailangan ko silang tulungan." nagsimula na siyang umiyak sa'king tabi. Napahugot ako ng malalim na buntunghinga. "Stay here, okay? Ako na ang tutulong sa kanila," mariing saad ko sa kanya at tiningnan ko siya ng matiim bago ako tumalikod. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito pero bahala na. Hindi ko alam kung sino ba ang ililigtas ko at uunahin ko lalo na ngayon at sinusundan ng ilang Hellions ang kilos at ingay ko. "Damn!" napamura ako sa subrang inis ng madapa ang kapatid ng babaeng kasama ko. Wala akong sinayang na oras. Mabilis akong tumakbo para matulungan ko 'yon pero... "Aahhh!!!" malakas na tili nito. Para akong pinasaklupan ng langit sa nakita at nasaksihan na ikainog ng mundo ko. "Mga peste kayo!" Sa galit ko ay mabilis akong sumugod at pinaghahataw ko sa tubo na nakita ko sa unahan pero walang nagawa ang tubong hawak ko. At hindi ko na alam pa ang gagawin ng itinaas ng Hellion ang katawan ng dalagita. Parang naulit sa'king gunita ang oras at araw nung sandali kung paano pinatay ng walang hiyang Delthan ang aking ina. Wala man lang akong magawa kahit gusto ko tulungan ang dalagita at iligtas. Tanging talsik lang ng dugo sa'king mukha ang nagbigay realisasyon sa'kin na tuluyan na nga pinatay ng nilalang ang babae.  Kitang-kita ko ang pagbaon ng matulis nitong kamay sa katawan ng dalagita at pagtalsikan ng mga dugo nito sa kung saan. "Ate Daisylee!!!" Isang malakas na sigaw at hiyaw nung batang babae. Napatingin ako sa kaniya . Nakita ko siyang umiyak at sandali silang napatigil kasama ng kanilang ina na ngayon ay napatulala rin sa nangyari. Saka ko lang naisip na kailangan ko rin silang iligtas dahil papalapit ang mga hayop na nilalang sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis at inilagan ang mga ito para mailigtas pa sila sa kamatayan. Sana'y magtagumpay ako sa mga sandaling ito. Kahit 'di ko sila kaanu-ano, pakiramdam ko responsibilidad ko na sila sa pagkakataong ito at kailangan ko silang proteksyunan. Eksaktong nahawakan ko na ang kamay nung Ginang at hilain na lang sila papalayo nang tumalon sa'ming direksyon ang isang Hellion. Kung hindi ako mabilis, malamang patay na kami. Takbo! Takbo lang ang aming magagawa sa pagkakataong ito para makaiwas sa three arms creature na Hellion pero nasa likod sila at sumusunod sa'min ngayon. Nang makakita ako ng isang establisyemento ay mabilis ko silang hinila papasok sa loob para makapagtago na kami. Eksaktong makapasok na kami ay nahawakan ng isang nilalang ang kamay ng ginang, dahilan para mataranta siya at ang batang kasama niya. Nagpupumiglas siya at nagsusumigaw para makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. "Bata, mauna kang pumasok at 'wag kang mag-ingay!" Hinaklit ko na siya at itinulak ko na papasok sa loob. Kahit namumutla na siya sa takot ay sumunod pa rin siya utos ko. Wala naman akong sinayang na oras. Agad kong pinulot ang matulis na bagay sa unahan at isinaksak sa braso na humawak sa kamay ng ginang. Mula roon ay lumabas ang itim na likido at lumikha 'yon ng sugat, dahilan para bitiwan nito ang babae. Ngunit sa susunod na ginawa nito ay hindi ko na napaghandaan pa. "Aarghh!" Hindi! Marahan akong napaatras. Ilang ulit akong napakurap sa'king mata sa dalawang matutulis na bagay ang tumusok sa katawan nito. Parang gusto kong maluhod sa nararamdamang panghihina. Naulit na naman sa'king gunita ang sandaling namatay ang aking ina na wala man lang akong nagawa. Nakagat ko ng mahigpit ang aking labi at humugot ng napakalalim na hininga at kumaripas na ng takbo para sundan pa ang batang babae sa loob. Kailangan ko siyang mailigtas at baka mabibiktima rin siya ng mga hinayupak na ito. "Kuya, andito ako!" Nasa unahan siya at kumaway sa'kin. Agad naman akong lumapit sa kaniya at hinila ang kaniyang kamay. Nagtanong pa nga siya kung nasaan ang ina niya pero hindi ko siya sinagot. Saka ko na lang sasabihin at baka makakaapekto ito sa kaniya ngayon. Shit! Wala talagang planong tumantan ang mga ito sa'min. Nakasunod din sila ayon sa kilos at galaw namin. Biglang naglikot ang aking mata at nakakita ako ng isang silid. Ngunit bago 'yon, sinenyasan ko siya ng 'wag gumawa ng ingay at piliting hawakan muna ang hanging hinihinga niya. Mabilis naman siyang tumango at sinunod ang pakiusap ko. Lumingon muna ako bago kami tuluyang pumasok sa silid. Nakasunod sila. May nakita akong isang tubo. Mabilis ko itong kinuha at ubod lakas na ibinato sa kalayuan. Sa ginawa kong 'yon ay sandali silang tumigil at sinunod ang ingay na pinaghantungan no'n. Hindi na ako naglakas loob pang isarado ang pintuan ng silid na 'yon at baka makakalikha pa ng ingay. Ang tanging ginawa ko lang ay nililimitan namin dalawa ang hanging hinihinga namin para hindi nila maamoy. Alam ko kasing matatalino rin ang mga ito at baka mamaya lang ay bubulagtain na naman kami sa kanilang mga presinsya. Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman kong umiiyak ng palihim ang batang nasa tabi ko. Umiiyak siya sa kanyang palad at alam ko kung bakit nagkaganito siya. Kaya naman ay hinimas ko na lamang ang kaniyang buhok. Alam ko ang pakiramdam na mawalan dahil nangyari rin ito sa'kin. "Sshh, tama na bata. Hanggang doon lang talaga ang kanilang buhay. Wala na tayong magagawa pa para maibalik pa sila," tiim bagang sambit ko. "Kuya, mag-isa na lang ako." Nahabag ako sa'king narinig kaya napabuntunghinga ako ng malalim. "Buhay pa ang ate mo," saad ko. Tumigil naman siya at pinahiran niya ang kaniyang mga luha. Ngumiti siya ng humarap sa'kin. "Kuya, simula ngayon ikaw na ang tatayo naming superhero ha. H'wag mo kaming hayaan ni ate Cauli na patayin rin ng mga alien na 'yon." Tumango ako sa pakiusap niyang 'yon. Ngayon ko lang nalaman na Cauli pala ang pangalan nung babaeng tinulungan ko.  Mayamaya pa ay hindi ko na alam kung ilang oras, minuto o segundo ba kaming nandoon. Basta ang ipinagpasalamat ko ay wala na ang mga nilalang na minsang umatake sa'min ng umagang ito. Sa tingin ko ay lumayo layo na sila at pumunta pa sa ibang lugar. Pagkalabas namin sa'ming pinagtataguan ay sumalubong agad ang hindi pangkaraniwang simoy ng hangin tulad ng dati. Wala pa rin pinagbago. Mararamdaman mo pa rin ang pangit na nangyari sa mundo. Una naming pinuntahan ay si Cauli. Nakita kong namumula ang kaniyang mata. Alam kong umiyak siya pero nang makita niya ang kapatid niya ay gano'n na lamang ang kanyang tuwa at niyakap ito. Kasunod namin pinuntahan ay si Christian Phol kung saan ko rin siya iniwan. Agad namang yumakap sa'kin si Phol nang makita kami. Alam ko naman makakaligtas ang batang ito. Matalino siya at mukhang may alam siya sa mga nangyayari. Tatanungin ko lang siya mamaya pag makarecover na kami kahit sandali lang. Kailangan ko ng maghanap ng pagtataguan namin mamayang gabi sa muling pagsulong ng mga Delthans. "Saan tayo nito ngayon?" pagbubukas paksa ni Cauli habang nasa gitna kami ng daan. Mula sa'ming pinagtatayuan, mararamdaman mo ang katamtamang sikat ng araw na parang nahihiya ng sumilip sa makakapal na ulap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbago ng kulay. Parang ilang sandali lang nito, didilim na naman at magsisimula na naman ang mga hinayupak sa pagsira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD