Chapter 01
Jana Lane a.k.a JANJAN, iyan na ang gusto kong itawag sa'kin ng lahat ng tao dito sa planet earth.
Wala akong pakialam kung mukang panlalaki man ang pangalan na iyon!Ayoko na kase sa pangalan ko!
Nang makarating ako sa bahay ng kaibigan kong si Murphy Duffy, ay binuksan ko na ang medyo nakaawang na pinto ng bahay nila.
Sa pag kakaalam ko kase nag pa-party sya ngayon, dahil bumalik na ang girlfriend nyang si Shina Leach galing Japan, na classmate ko naman noong nasa grade school palang ako.
Madilim ang buong paligid, at dahil sa naiinis ako ngayon ay nag lakad lakad nalang ako sa madilim nilang bahay.
Narinig ko pa nga ang malakas na pag sara ng pinto.
Hindi ako takot, dahil kung may mga killer man na nakapasok sa bahay na ito, at hostage na nila sina Murphy. Wala akong pakialam! Mas gugustohin ko pa ngang mamatay na sa mga kamay nila!
"Murphy?! Yuhoo!" Pambubulahaw ko para puntahan na ako kaagad ng mga killer dito, at patayin na nila ako. "Murphy! Murphy! Murp--" hindi ko na naituloy pa ang pag iingay ko, dahil parang may manyakis na humawak sa likuran ko.
Lilingonin ko sana ang nilalang na iyon, pero hindi ko na nagawa.
May humawak kase sa ulo ko, kaya napasubsob ang nguso ko sa isang malambot na bagay.
"Shion, honey! Halikan mo pa ako!" Malakas na sinabi ng isang babae sa di kalayuan.
"No! Si Shion baby ko, ang humahalik sa'kin."
Wala akong pakialam kung ano man iyong mga pinag sasabi nila, pero gusto ko ang pakiramdam na ito na may malambot na bagay na tumama sa labi ko, kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
"1-2-3-4-5!"
Kasabay ng bilang na iyon ang pag mulat ko ng mga mata.
Para akong ewan na nanigas nalang sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki, na kasalukuyang ninanakawan ako ng halik.
"OH MY GOD!!!" malalakas na sinabi ng mga babae sa paligid ko.
Bahagya akong napaurong, dahilan para mag kahiwalay na ang mga labi namin.
"Meron na palang nagwagi para sa Kiss in the dark, at nakuha na nya ang Shion's Kiss Grand price!" Natatawang sinabi ni Murphy.
Sinamaan ko sya ng tingin, at nag tatakbo na ako palabas.
Sana sinaksak nalang ako ng isang killer, o sinagasaan nalang sana ako ng isang malaking truck.