Chapter 04

1105 Words
Nasa isang silid kami ngayon, kung saan kaharap ko sila ni Austin. "Hindi na ako mag papaliguy ligoy pa. Do you want a job?" Job? Anong klaseng trabaho naman kaya iyon? Lumingun lingon muna ako sa buong silid, baka kase may mga hidden camera. At inaalok nila ako para sa isang... "Teka nga! Gusto nyo ba na mag live show ako?! Aba! Eh mga gago pala kayo! Mga pornographer kayo nu?! Na may mga hidden camera!" "Saksakan pala ng kaulagaan ang babaeng ito." "Aba! Akala mo kung sino kang mabait kanina, eh may itinatago ka palang kamanyakan!" Inis kong sinabi. "Hahaha! Mas malma pa pala sya kay Kai." -Austin "Ang bababoy nyo! Anong tingin nyo sa'kin? Mukang pera, at mabibili nyo lang ng pera nyo ang dangal ko? Aba! Ok din kayo nu?! Mga bastos?! Mga ani---" hindi ko na natapos pa dahil sa... Isang halik... No! Ito iyong pangalawang beses na ninakawan nya ako ng halik. Itinulak ko sya, at sinampal ko sya ng malakas. "B-Bastos!" Sinamaan nya ako ng tingin, at hinawakan nya ako sa mga bewang ko. Binuhat nya ako, at iniupo sa mesa habang itinukod na nya ang mga kamay nya sa mag kabilaang gilid ko. "Listen to me! Kailangan ko ng babaeng mag papanggap bilang girlfriend ko, at hindi para mag live show sa harapan ko! DO YOU UNDERSTAND?!" Para akong ewan na napanganga nalang sa mga sinabi nya, at tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang pag mumukha ko. "Understood?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago ko sya muling hinarap "B-Bakit naman ako pa?" "Dahil ikaw si Ms. Winner, at sya si Mr. Grand price." -Austin "Don't worry, babayaran naman kita." Babayaran nya ako? Mag kano naman kaya? "M-Mag papanggap lang ako bilang girlfriend mo, tapos magkakapera na ako?" "Yeah." Hindi na rin masama, tutal maliit na halaga lang ang hawak ko ngayon, tapos wala pa akong trabaho. Siguro ito na iyong chance ko para kahit papaano ay makatulong ako kayna Kaiya. "Hinihintay nya ang sagot mo." -Austin "Mag kano naman ang matatanggap ko?" "50,000. Pero kung maganda iyong performance mo, pwede ko pa syang taasan." Aba, ok na ok na din iyon ah! "Sige, payag na ako na maging fake girlfriend mo." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya, na para bang nabunutan sya ng tinik sa lalamunan. "Oh iyan, pumayag na sya. Pwede na kayong umayos ng pwesto nyo! Ang laswa nyong tingnan, tsk." Pareho kaming napatingin sa isa't isa, at pareho din kaming nagulat sa mukha ng isa't isa kaya mabilis sya na lumayo sa'kin, at ako naman ay naupo na ng ayos sa upuan. "K-Kailan ba ako mag sisimula?" "Mas maganda kung mag pakilala muna kayo sa isa't isa." "Yeah, ako si Shion. And you are?" "JanJan Palmer. Shion lang ba ang sasabihin mo na name mo?" "Shion Preston." "I-Ikaw ba ang may ari ng hotel na ito? At nung beach iresort?" "Nah. Not me, kung di sya." Sabay turo nya kay Austin. "Wow... So, mag pinsan kayo?" Tumango lang silang dalawa bilang sagot. "Mga bigatin pala kayo eh." "Maiba ako, kaanu ano mo si Kairin Yuan Palmer?" -Shion "Sino naman iyon?" "Si Kaiya..." -Austin "A-Ah, oo... K-Kapatid ko sya." "Kapatid?" Sabay nilang sinabi na para bang hindi sila naniniwala sa kasinungalingang sinabi ko. "Akala ko ba solong anak si Kai?" -Shion "Hinde... Nabanggit na nya sa'kin noon na may kapatid sya sa ama." -Austin Timing ah, pero hindi ko din alam na may kapatid nga si Kaiya. Bukod sa dalawang bata na hindi naman nya totoong kapatid. "Hmm... So, kailan ba ako mag sisimula?" Pagbalik ko sa topic kanina. "Siguro by next week, at ididiscuss ko sa'yo tomorrow morning iyong mga agreement." --- "Anong oras ka nakauwi?" Tanong ni Kaiya, habang nag reready ako ng para sa b'fast. "Kanina lang, kain kana." "Niluto mo ba ang mga ito?" "Ininit ko lang, ang dami kaseng ipinadala ni Alex na mga pag kain." "Ang bait talaga nya." "Tama ka, at bihira nalang ang mga kagaya nya." "Kamusta naman ang jamming nyo nina Ms. Demi kagabi?" "Hmm... Maaga akong natulog sa room nya eh. Napagod kase ako sa byahe kahapon." "Ah, ganun ba..." "Sya nga pala, may lalakarin ako ngayon na trabaho?" "Babalik po ba kayo ng syudad, Ms. Jana?" "Kaiya." "Ah, este! JanJan? Paano kung makita ka ng Mama at Papa mo?" "Ano ka ba, dyan lang ako sa Preston hotel nakahanap ng magandang trabaho." "Ganun ba..." "Sige ha, mag bibihis na ako." --- Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago ako nag doorbell. Wala pang isang minuto ng mag bukas ang pinto ng room nya. "Tuloy ka, nasa table na iyong mga papel na pipirmahan mo." "Ok." At kaagad kong nilapitan ang mga papers na nasa ibabaw ng mesa. Kinuha ko ito, at kaagad na binasa. 'Agreement for my fake girlfriend.' Rule#1: Alert Seryoso ba sya? "Ano namang klaseng rule ito?" "Ayokong malelate ka kapag may lakad na tayo, maging alerto ka sa bawat segundo." "Ok?" Rule#2: Be a good fake girlfriend. Rule#3: Always be ready for a sweet romance. (For fake) Oo naman, alang alang sa 50,000 ko. Rule#4: Don't ask me about my life. Tss. Pakialam ko ba sa buhay nya. Rule#5: Don't fall in love with me. (No affection) Seryoso? Ako maiinlove sa kanya? Never. "Hanggang 5 rules lang ba ito?" "Pwede kang mag sulat dyan, kung may idadagdag ka. Valid for 3 months lang ang kontrata na iyan." "Ok, tanong lang... Kasali ba sa Rule#3 iyong... Kiss?" "Yeah, for they believe." 'Agreement for my fake boyfriend.' JanJan Rule#6: Don't fall in love with me. (Ikaw yata ang hindi dapat ma-inlove sa'kin.) JanJan Rule#7: Be a good boss/fake boyfriend. JanJan Rule#8: Additional 10, 000 every kiss. "Ok na po, Boss!" "Signature mo?" "Ok na din." At ibinalik ko na sa envelope ang kontrata namin, kasama iyong iba pang mga papel na hindi ko na binasa. Pera lang naman nya kase ang kailangan ko. "Bakit ba kase nag hire ka pa para lang mag karoon ng kunwaring girlfriend? Bakit ba hindi ka nalang manligaw dyan sa tabi tabi. Eh di nakatipid ka pa." "Do you like my money?" "Oo naman." "So, follow my rules. At hwag kang matanong. Kunin mo iyang cellphone sa tabi ng envelope, simula ngayon iyan na ang gagamitin mo. Ako lang ang pwede mong tawagan dyan. At wala ng iba." "So... Pwede na ba akong umalis, Mr. Preston?" . "Tomorrow..." Sabi nya na para bang may naalala sya. "Tomorrow? Tomorrow pa ba ako pwedeng umuwi? Ano ka sinuswerte?" "Tss! May pupuntahan tayo, bukas. Sa lobby kita hihintayin, and DON'T BE LATE!" "Sure." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD