PROLOGUE
PROLOGUE
"Problema mo?!" naiinis na singhal ko habang matapang na sinalubong ang madilim niyang mga mata.
Hindi ko matanto kung may galit ba siya sa akin o gusto lang niya akong nakikitang naiiinis. Nasisiraan na siguro siya ng ulo!
"You.are.my.problem," my mouth fell open in disbelieve. Nagugulat na napatingala ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-abante palapit sa akin.
Napaatras at napasandal sa bakal na gate sa aking likuran ng hindi ko makayanan ang pagtingala sa kaniya. Ngunit talagang nang-aasar 'yata siya dahil mas umabante siya at halos magdikit na ang aming mga katawan dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"Anong ako?! Wala naman akong ginagawang masama sayo ah?! Alam mo, maluwag na iyang turnilyo sa ulo mo kaya magpatingin kana bago kapa lumala!" singhal ko at tinulak ang kaniyang dibdib ngunit parang balewala lamang ang lakas ko kesa sa kaniya dahil ni hindi 'manlang siya matinag sa kaniyang pwesto.
"Huwag mo akong patawanin Mariano, at hindi ang turnilyo sa ulo ko ang dapat ipatingin, kundi ito." nagulat ako ng ang kamay ko na nasa kaniyang matitigas na dibdib na pumipigil sa kaniyang paglapit sa akin ay kaniyang hinawakan at dinala sa kaniyang mukha- particularly in his eyes.
Naguguluhan na napatingin ako sa kaniya habang magkasalubong ang aking mga kilay. Problema ng isang 'to? Anong meron sa mata niya na dapat ipatingin?
Magsasalita pa sana ako para isatinig ang nasa isipan ng magsalita siya. "Lumalabo na siguro ang mga mata ko dahil imbes na ang panget at chakang mukha mo ang makita ka ay isang magandang Mariano ang palagi kong nakikita sa mga nagdaang mga araw."
Nung una hindi pa na proseso ng utak ko ang kaniyang sinabi ngunit ng inulit ko ito sa aking isipan ay bigla ko na lamang naramdaman ang matinding pagkabog ng aking dibdib at naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko.
Napaawang ang aking labi at napaiwas ng tingin sa kaniya ng makitang nakatitig siya sa akin. s**t! Anong nangyari at biglang naging ganito ang t***k ng puso ko? Anong meron sa sinabi niya at naging ganito ang reaction ng katauhan ko? Para akong lumilipad sa alapaap at parang biglang nagwala ang mga bulate sa aking tiyan sa hindi ko malaman na dahilan.
I mentally slap myself as i took a heavy sighs and brought my eyes back to him, ready to shout him when i saw him smirking. Unti-unting nawala ang pag i-ilusyon ko na baka ay type niya ako at biglang napalitan ng matinding inis hindi lang para sa kaniya kundi para na sa sarili ko dahil sa naramdaman ko kanina.
Nagpupuyos sa inis na tumingkayad ako para maabit ang kaniyang kuwelyo at hinila ito para magkapantay ang aming paningin. "Alam mo..?" mahinanon ngunit mariin kong ani habang matalim ang mata na tinitigan ang kaniyang gulat na mga matang agad napalitan ng nakakainis na tingin.
"What? I don't know what you're talking about." nag-mamaang-maangan na aniya but the playfulness in his eyes are very visible. He's mocking me and did he think i will fall for whatever thing he has? No! Never! Never in his dream!
Gusto ko 'mang sumabog na dahil sa sobrang asar sa kaniya ay i remain calm and i even gave him a sweet smile and said..
"Alam mo.. gwapo ka sana eh, ang kaso lang nakakasulak ang pag-uugali mo!" and i gave my full strength into hitting his 'down there' atsaka mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.
Narinig ko pa ang malutong niyang pagmumura bago ko pabagsak na isinarado ang pinto ng bahay.
~•~
Work of Fiction
This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either products of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Date written: July 24, 2022
Date end: