Chapter 1
Umaga na ng makabangon si Roanna mula sa pagkakahiga niya napuyat siya kakareview para sa darating na exam .
Si Roanna De Chavez o mas madalas tawagin sa palayaw na roan simple lang kung manamit , meron din siyang mahabang buhok na hanggang beywang at may pagka morena ang kanyang balat kahit di kaputian ang kanyang balat hindi naman papahuli sa kagandahan na nagtataglay ng matang bilugan ,mahahabang pilik mata at may kakortehan din ang kanyang katawan .
Si Roan ay nasa Dalawangpu't taong gulang na at Graduating na sa kolehiyo kung kaya't puspusan siya sa pag aaral , nag iisang anak ng kanyang Nanay Rita at Tatay Ricardo De Chavez
Pagkatayo mula sa higaan agad na siyang lumabas ng kwarto at tumungo sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush pagkatapos ay dumiretso na siya sa kusina at nadatnan niya ang kaniyang ina na nag aayos ng hapag kainan .
"Magandang Umaga Nay" bati ni roan sa kanyang ina .
" Oh iha andyan kana pala halika na' t mag almusal "
"Opo nay , Si tatay po ba nasaan po siya?
" Aba'y ang tatay mo maaga umalis at pupuntahan daw ang kaniyang kaibigan para ipapasok siya sa panibagong trabaho " sagot ng kaniyang ina
napabumuntong hininga na lang siya at kaagad napansin ng kanyang ina .
"bakit nak ? may problema ka ba ?" tanong ng kanyang ina habang nakatingin sakanya .
" Wala po nay , hayaan nyo po kapag nakatapos ako ng pagaaral maghahanap po agad ako ng trabaho para po hindi na kayo mahirapan ni tatay "
ang kanyang ina ay sumasideline sa paglalabandera habang ang kanyang itay naman ay pa extra extra sa construction worker , hindi hadlang ang kahirapan upang hindi siya magsipag kaya pursigido siyang makatapos para sakanyang mga magulang .
" Ano ka ba nak , okay lang kami ng itay mo responsibilidad namin ang pag aralin ka " ngiting sambit ng kanyang ina ,
mangiyak ngiyak na lumapit sakanyang ina at agad niyakap ito.
" Maraming Salamat po Nay "
" Oh ! siya kumain kana at mahuhuli kana sa klase mo "
"opo nay " masagana siyang kumain
habang iniisip pa rin niya ang kalagayan nila , di bale sisipagan ko pa magaral para makahanap ako ng magandang trabaho , sabi niya sa sarili.
Habang papasok sa eskwelahan naglalakad na siya papunta sa kanyang room ng biglang hinatak siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Rebecca San Agustin classmate niya since highschool , kaya hindi lingid sa iba ang kanilang freindship at kung magturingan na para na silang magkapatid .
"Uy beks , ano ba bakit ka ba nanghahatak dyan ?"
" Ro , may pinabibigay na sulat si Macoi sayo "
" ano na naman bang sulat yan beks hindi pa ba siya napapagod sa araw araw na pagbibigay ng ganyan , na halos lahat naman pauli ulit lang ang sinusulat niya "
buntong hininga ni roan .
" bakit ba kasi hindi mo man lang pansinin yung tao? kawawa naman , ang tagal ng nagpapansin yon sayo"
"Hindi ko siya priority beks pwede ba ! alam mo namang pag aaral lang at ang mga magulang ko ang nasa isip ko ngayon "
Ako at ang aking kaibigan ay nasa 4th year college student na, Computer Secretary ang aming kursong kinuha sa kolehiyo kung kaya't wala sa isip ko ang magboyfriend o pumansin man lang ng mga manliligaw dahil ilang buwan na lang gagraduate na kami , Hindi ko na hinayaang magsalita pa si Becca at patuloy na akong pumasok sa room sumunod naman ang kaniyang kaibigan at umupo na sila para antayin ang darating nilang professor .
Sa di kalayuan naman ay nakamasid lang si Macoi sa dalawang magkaibigang papasok sa mga room nito , matagal na siyang may gusto sa dalaga simula pa ng makita ito sa paaralang pinapasukan din niya napansin niya ang dalaga ng minsang dumaan sa corridor ng kanyang room kaagad humanga siya sa babae at walang araw ang pagsidlan ng saya niya sa tuwing nakikita ang dalaga pero nito lang siya nagbibigay ng letter na kahit hindi niya nakikitang binabasa nito ay patuloy pa rin siyang nagbibigay dito , alam niyang wala siyang pag asa sa dalaga kasi hindi ang tulad niya ang tipo nito .
Si Denmark Fernandez o mas kilala sa palayaw na macoi ay wala mang karangyaan sa buhay pero may sinasabi naman sa kagwapuhan na kahit hindi kalakihan ang katawan , may kaputian naman ang balat , singkit na mata at ang nakakapagpadagdag sa kagwapuhan ay ang makakapal nitong mga kilay , nasa Graduating stage na rin siya at Civil Engineering ang kursong kinuha niya
Lumaki si macoi sa kanyang tita Arlene sa kadahilanang ang kanyang ina at ama ay hindi niya nasilayan simula ng pagkabata hanggang sa pagtanda niya. Ang kwento sakanya ng tita niya ang kanyang ina daw ay namatay habang ipinapanganak siya ngunit ang kanyang ama ay hindi man lang daw nakita ng kanyang tita kung kayat hindi niya kilala ito ang sabi daw kasi ng kanyang ina nakilala daw nito sa isang party ang kanyang ama , dahil sinama lang ang ina ng kaibigan nito at hindi na nag usisa pa ang kanyang tita Arlene sa kanyang ina nung nalamang nabuntis ito at siya ang bunga .
Hindi naisip ni macoi hanapin ang kanyang ama dahil hindi niya alam kung saan magsisimulang maghanap kung saan nakatira o kung buhay pa ba ito ang tanging naiwan sakanya ang nagiisang picture ng kanyang ina na hanggang ngayon ay pinagkaiingatan niya ito pinalaminate niya pa at inilagay sa kanyang wallet , bumalik na siya sa kanyang ulirat sa panandaliang pagkaalala ng mga nakaraan at dumiretso na rin sakanyang silid aralan .
Uwian na at palabas na kami ng aking kaibigan ng biglang humarang si macoi sa aming daraanan.
" hi Roan " bungad sakanya ng binata
nagkatinginan kami ng aking kaibigan dahil ito ang kauna unahang binati siya ng lalaki dahil kalimitan puro sulat lang ang binibigay nito sakanya at alam niyang may pag ka mahiyain din ito .
" Bakit ? May kailangan ka ba " sagot ko .
" Ahm ano kasi , pwede ba kitang makausap?"
" para saan ? " nagtatakang tanong ko .
"yung about sa letter ko gusto...." napahinto siya sa pagsasalita ng bigla akong natawa ng makita ang itsura nito para kasing batang nagmamakaawa at habang nilalaro ang mga kamay , hindi ko rin naman maipagkakaila na may angking kagwapuhan si macoi at masipag din sa pag aaral kahit pano may konting alam ako sa background ng lalaki dahil sa kaibigan kong si becca nasasagap niya sa kapwa naming kamag aral subalit hindi ko talaga priority ang mag entertain ng lalaki sa buhay ko at isa pa hindi siya ang lalaking pinapangarap ko dahil simulat sapul ng pagkabata ko nakatatak na sa isip ko ang lalaking mamahalin ko ay may sinasabi sa buhay , alam kong mataas ang pangarap na yon pero alam kong bata pa ako at marami pa kong makikilala agad akong huminto sa pagtawa at tumingin sakanya
" Sorry macoi marami pa akong gagawin " hinging paumanhin ko sa binata ng hindi ko pinatapos sa pagsasalita nakita kong lumungkot ang mukha nito
" Pasensya kana talaga" pag uulit ko sa kanya hanggang sa hinila ko na ang aking kaibigan at lumabas na kami ng eskwelahan .
naiwang mag-isang nakatulala si macoi subalit expected niya nang mangyayari ito nagbakasakali lang siya kung magbago ang isip ng dalaga laylay ang balikat na lumabas ng eskwelahan ang binata habang sinasabi sa sarili " Ayos lang to makukuha ko rin ang puso niya " sabay para sa jeep na paparating .
Nakarating na ako sa bahay ng makita ko ang aking Tatay Ricardo agad akong lumapit at nagmano " kamusta tay ? " tanong ko sakanya
"Mabuti naman anak sa awa ng Diyos natanggap naman ako sa pinuntahan kong panibagong trabaho"sagot ni itay
Ibinaba ko ang aking bag at tumabi sakanya
"Hayaan niyo itay konting tiis na lang po at makakatapos din ako ng pagaaral at maghahanap ng trabaho para naman po hindi na kayo mahirapan ni nanay " nakangiting sabi ko sakanya .
" Aba'y ikaw bata ka hanggat kaya ko magtrabaho maghahanap ako para sainyo ng nanay mo tsaka hindi pa ko ugod ugod kaya hayaan mo na ko " napapaluhang napalingon ako kay tatay at sabay yakap napakaswerte ko talaga at sila ni nanay ang naging magulang ko .
Natigil lang ang pagdadrama ko ng lumabas si nanay mula sa kusina at may hawak na sandok
" Anong kadramahan niyong dalawa diyan halinat kayo at kumain na " natatawang sabi ni nanay " opo boss amo " sabay sabi namin ni tatay at nagkatawanan na lang kaming tatlo
Sobrang masaya ako sa aking buhay na kahit hindi kami mayaman ang mahalaga nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at napagaaral ako ng aking magulang habang kumakain kami sa lamesa biglang nagsalita si tatay na ikinalingon ko sakanya
" Ngapala anak ikaw ba ay may boyfriend na bakit wala ka man lang pinapakilala sa amin ng nanay mo"
Ngumiti lang ako kay tatay pero walang lumabas mula sa aking bibig
" Uy bat napapangiti ka diyan siguro may nagpapatibok na sa puso mo roan " sabat ni nanay habang ngumunguya agad naman akong natawa sa sinabi ng aking nanay pero agad din akong napahinto ng nakita kong nakatingin na silang dalawa sakin hininto ko ang pagsubo sa pagkain at sinabing
" nay ,tay wala po akong boyfriend at saka hindi ko pa po priority yan sa ngayon " pagmamalaking sabi ko sa mga magulang ko
nagkatinginan ang dalawa at nagsalita si tatay " nak roan hindi naman sa pinagmamadali ka namin ng nanay mo at hindi rin naman sa pinagbabawalan ka namin " huminto saglit at sabay sabing
" Malaki kana alam mo na ang tama at mali, pero ayaw naman naming tumandang dalaga ka " dugtong ni tatay
"Opo tay , alam ko po yun pero wala pa po sa isip ko ang mag boyfriend " sagot ko kay tatay
habang nginunguya ko ang pagkain
"Oh siya tsaka na natin pag usapan yan bata pa naman ang anak mo ricardo "segunda ni nanay
natapos na kaming kumain at si nanay na ang nagpresintang maghugas ng plato magpahinga na lang daw ako at magreview
habang umupo at Abala naman si tatay sa panunuod ng tv , kinuha ko ang aking bag at umakyat na ako sa aking kwarto para makapagbihis ng pamalit at makapagpahinga na rin umupo na ako sa aking higaan at kinuha ko na ang librong babasahin ng biglang nahulog ang binigay na letter ni macoi hindi ko nga pala binasa kanina ito at inipit ko lang sa aking libro agad ko itong binuksan at binasa .
" Hi Roanna , pasensya kana kung madalas akong magsulat nahihiya kasi akong humarap at magsabi sayo gusto ko sanang makipagkilala at makipagkaibigan , pwede ka bang maimbitahan kumain sa labas "
natapos ko nang basahin at tiniklop ko na medyo nagulat lang ako mas mahaba ngayon ang sulat niya kumpara sa mga naunang letter na puro's pagbati lang ang nakalagay , ito ngapala yung sasabihin niya sana saakin kanina pero hindi ko na pinatapos kasi nagmamadali na akong umuwi napabutonghininga na lang siya sa tinuran niya sa binata pero anong magagawa ko hindi ko talaga gusto pumansin ng lalaki binuklat ko na Lang ang librong rereviewhin para sa exam,nang matapos na siya sakanyang pagrereview itinabi na niya ang kanyang mga gamit at ang sulat ni macoi sa lagayan ng box at agad na siyang nahiga sa kama para matulog na pero hindi pa man din siya dalawin ng antok kasi mukha ng binata ang kanyang nakikita sa kanyang pagpikit "kaurat naman bakit ba kasi ang kulit ng tao na yon" sa isip isip niya nanatiling nakapikit pa rin siya ng igapo na siya ng kanyang antok at tuluyan ng nakatulog .
MACOI POV
Mag- alas nuebe na ng gabi ng makauwi ako sa aming bahay kung bakit naman kasi traffic pa sa dinaraanan ng sinakyan kong jeep naghubad na ako ng sapatos at pumasok na ako sa bahay ng makita ko si tita Arlene na nanunuod ng tv" ginabi ka ata ?" tanong ni tita
" ah traffic po kanina ta , may ginagawang kalsada kaya one way lang po "
"ganon ba , sige kumain kana dyan at magpahinga kana"
" Opo ta " sagot ko .
nang bumalik na sa panunuod ng tv si tita agad nakong nagtungo sa kwarto at nagbihis ng aking pamalit na damit at lumabas na para kumain habang nakaupo nako sa lamesa at kumakain ng magsalita si tita "naglinis ako ng kwarto mo may nakita akong picture ng babae ,sino ba yon ? "
nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng kanyang tita napakamot na lang ako sa ulo ,
" girlfriend mo ba yon? " pagbasag ni tita sa katahimikan ko .
"hindi po ta , kaibigan ko lang po" natatawang pagpapaliwanag ko kay tita na ikinahaba ng kanyang nguso
"kilala ko mga kaibigan mong babae bago yun sa paningin ko" pag uusisa niya sakin
wala nako magagawa kung di umamin na lang sakanya hindi kasi ako titigilan hanggat hindi siya masasatisfied sa aking mga sagot natapos na ako sa aking pagkain at uminom na ko ng tubig ng sagutin ko ang aking tiyahin
"hindi ko pa siya girlfriend ta , pero balak ko pa lang po ligawan pero mukhang malabong mapasagot ko "pagtukoy ko sa babaeng tinatanong ni tita
first time kong magconfess kay tita dahil never akong nagpakilala sa kanya ng mga nililigawan ko at nagiging girlfriend ko napatingin sakin si tita habang kumuha ako ng tubig para uminom nanuyo agad kasi lalamunan ko ng sabihin ko ang katagang iyon saglit ng tumahimik si tita ng biglang magsalita
"Bakit ?" tanong niya sakin ng hindi ko alam kong ano ang aking isasagot "pano mo nasabi na malabong mapasagot mo?" dugtong pa ni tita bumuntong hininga ako ng hindi ko alam kung pano magpaliwanag sakanya
"basta ta " sagot ko
sabay tawa ng maibsan ang aking pagkaba sa mga katanungan nito saglit pang tumingin sa akin si tita ng ibalik ang tuon sa panunuod ng tv hindi na nag nagtanong at nag usisa pa,naintindihan niya siguro ako kung kayat hindi na namilit pa tumayo na ako at kinuha ang mga pinagkainan inilagay ko sa lababo at inumpisahang hugasan ng matapos ko nagpunas ako ng aking kamay at pumanhik na sa aking kwarto ng sumampa na ako sa aking kama nakita ko sa table ang picture na tinutukoy ni tita walang iba kundi si roanna , kagandang babae parang anghel ang mukha kaya lang napakasungit naman " kelan kaya ako papansinin ng babaeng yun " sa isip isip niya hanggang sa nakatulugan niya na lang .