BUKOD sa nilalamig ako gawa ng Aircon ng kotse kabado ang aking nararamdaman sa mga oras na ito dahil katabi ko ang taong iniiwasan ko simula pa noon pero nagpapasalamat pa rin ako at nagawa pa rin akong tulungan dahil sa napakahirap sumakay kanina sa sobrang lakas ng ulan at ibinigay pa saakin ang kaniyang coat , binabagtas na namen ang daan ng walang imikan binanggit ko na rin sakanya kung saan ako nakatira tanging tango lang ang tugon nito at dahil walang nagsasalita sa amin hindi ko na namalayan na nakatulog ako tanging boses niya na lang ang nagpagising saakin
" wake up " pagtatapik niya sa aking balikat iminulat ko ang aking mga mata at mukha niya ang nabungaran ko medyo malapit na sa aking mukha napatitig na lang ako sa kanyang labi na para bang kay sarap halikan bahagya ko siyang naitulak dahil di ko na kinakaya ang paglapit niya sa akin
" salamat sa paghatid sir " bumaling ako ng tingin sa bintana ng kotse at akmang hahawakan ko na ang bukasan nito subalit hindi pamilyar saakin ang bahay na sobrang laki nasa tapat ng sasakyan nito clueless na humarap ako sa binata at sinabing
" nasaan po tayo sir ? hindi po ito Bahay namen "
" Yah I know " tugon nito.
" Nasaan nga tayo sir ?" Pag uulit ko rito .
hindi nito sinagot at biglang binuksan na lang ang pinto na nasa katabi nito bumaba siya at iniabot ang hawak nitong susi sa Isang may katandaan na lalaki , ang mokong iniwan ako dito , wala akong nagawa kundi bumaba na rin dahil wala rin namang mangyayari kung maiiwan ako dito mag isa sa loob .
" Ano ba ? Kanina pa ako nagtatanong sainyo sir kung nasaan nga tayo " pagmamaktol ko dito naiinis nako kanina pa at malapit ko nang masapak ito .
" NASA mansiyon po kayo ni sir Denma -----" itinaas ni macoi Ang kamay kung kayat napatigil ang matandang lalaki sa pagsasalita .
" Pakiayos na lang po ang sasakyan Mang Julio , "
" Sige Po sir Den "
" Thankyou po" tugon nito sa matanda
" Anong gagawin ko dito sa mansiyon mo at dinala mo pa ako dito sir ? " Pangungulit ko dito
" Later , I will tell you" baling sakin nito aba ang mukong may paganon ganon pa di na lang sabihin at anong pakay nito at ipinunta pa ko sa bahay niya
" Oh iho andyan kana pala at kasama mo pa si roanna "
nawala ang pagmamaktol ko na parang bata ng marinig ko ang boses na yon sa may pintuan ng bahay nagulat lang ako bakit kilala ako ng babaeng may katandaan na rin kung susumahin pero di maitatago ang kagandahan nito kahit simple lang manamit " halinat pumasok na kayo dito " dugtong pa nito , nauna nang naglakad si Denmark papunta sa babaeng nagaantay sa pinto at heto ako walang nagawa kundi sumunod na rin dito nakita kong nagmano si denmark sa babae at lumakad na habang ako naiilang na lumapit sa babae kahit sobrang inis ko sa lalaking yon ay nagawa ko paring ngumiti at bumati dito .
"Magandang Gabi po maam"
" Nako iha wag mo akong tawaging ma'am tita Arlene na lang , tita ako ni Denmark "
" Ganon po ba , nakakahiya naman po" nakayukong Sabi ko .
" Wag kana mahiya at welcome ka dito sa Bahay "
sa mga oras na ito parang nangangatog na ang tuhod ko hinawakan nito ang aking kamay at ngumiti humakbang na ito habang akay akay ang aking kamay di ko na pinigilan dahil sa kabaitan ring taglay nito , tinawag nito si Denmark at sinabihan na ipasama ako sa katulong nila para magpalit ng damit dahil na rin sa natuyuan na ako gawa ng ulan kanina nagpunta na si tita Arlene sa kusina , pero di ginawa ni denmark ang utos at agad akong hinawakan sa kamay at dere-deretsong umakyat kami sa itaas may binuksan itong Kwarto kung titingnan base sa itsura nito malamang kwarto niya simple lang ang mga ayos ng gamit pero mukhang mahahalin lahat iginala ko sa buong Kwarto ang aking mata walang Wala sa Kwarto ko na sakto lang Ang laki pero itong sakanya ay halos tatlong Kwarto ko na dahil may kasama pang Cr at closet ,dumiretso ito doon sa closet at may kinuha iniabot saakin ang towel , t-shirt at pajama tiningnan ko lang ito dahil di pa rin Ako makapaniwala na nasa bahay na niya Ako
"do you want me to change for you?"
umangat ang aking mukha unti unting nagsink in sa utak ko ang kaniyang sinabi nag init agad ang aking pisngi feeling ko lalagnatin ako sa mga sinabi nito. Agad Kong kinuha ang mga damit na hawak nito at daling daling pumunta sa Cr , sinarado ko agad habang napahawak Ako sa dibdib bakit iba ang kabog nito ? Bakit Ganon na lang ang reaksiyon ko sa mga sinabi niya ? Tanong ng isip ko .
Pilit Kong Inaalis sa utak ko ang mga sinabi niya nagmadali na akong magbihis para makababa na lumabas na agad ako ng cr pero hindi ko siya nakita doon sa loob ng Kwarto ang mokong iniwan ako sa loob di ko pa naman kabisado dito dahil sa may kalakihan ang bahay binuksan ko na ang pintuan ng Kwarto para lumabas na muntik pa Kong makasigaw dahil sa gulat ko na nakatayo siya sa gilid .
". are you done ?" Tanong nito
" Obvious ba sir " pagsagot ko ng pabalang sakanya medyo inis pa rin ako gawa ng Hindi niya paghatid agad sakin sa Bahay
" lets go "
lumakad na ito papunta sa may hagdan at sumunod na rin ako pero natigilan Ako at kinalabit ko Siya
" Teka sir yung gamit ko don at naiwan lang Po "
Tumingin Siya sa akin " bahala na si manang Josie doon , I told her ". umuwang lang ang aking labi at sumunod na sakanya sa pagbaba .
Tinawag na kami ni tita Arlene at ginaya na sa hapag kainan Ang daming lutong ulam nila napag-alaman ko na rin na puros paborito iyon ni sir Denmark .Maraming kwento si tita Arlene about saknaya simula pagkabata niya Ang tita niya na pala nagaruga sakanya pero tahimik lang SI Denmark habang kumain ni hindi nagsasalita .
Nang matapos na kami kumain tumayo na si Denmark at nag insist na ihahatid na ako hindi na tumutol pa si tita arlene kung kayat ang mga uniform ko kanina ay ibinigay na saakin ni manang josie nagulat pa Ako dahil tuyong tuyo na ito iba talaga kapag mayayaman mabilis sa lahat ng bagay , kinuha ko na ang uniform Kong suot kanina at nagmamadaling umakyat sa taas para makapagpalit na ng damit binuksan ko ulit Yung kwartong pinasukan namin kanina ni denmark at naglakad na ako sa loob sinarado ko lang ito at hindi ko na nilock dahil alam Kong saglit lang naman ako nang pupunta na Ako sa Cr ng may nahagip ang aking mga mata sa side table na nakalagay doon ang picture ng babae kung titingnan ay kahawig ni tita Arlene pero medyo bata pa hindi kaya ito ang nanay niya nalaman ko rin na namatay ito ng ipanganak siya , inilapag ko ang uniform ko sa kama at kinuha ang larawan tinitigan ko muna ito Ang ganda pala ng nanay niya siguro kung nabubuhay ito proud na proud ito sa anak niya nawala Ako sa ulirat ng may kumatok
" Mam inaantay na po kayo ni sir den mark" sa gulat ko sI Manang Josie pala " okay Po manang malapit na po" ibinaba ko na Ang larawan at Dali dali akong pumasok sa banyo hinubad ko na ang t-shirt at pajama na pinahiram saakin at sa katangahan ko nawala sa isip ko naiwan pala sa kama Yung uniform ko , ano ka ba naman roan ? tumatanda kana talaga dahil nagiging ulyanin kana , galit na Sabi ko sa sarili
Dahil sa sobrang pagmamadali ko binuksan ko ang pinto ng cr di ko na naisip isuot ulit ang mga damit lumabas lang ako ng naka bra at panty pumunta agad ako sa kama gayun na lang ang gulat ko ng pagikot ko may nahagip akong nakaupo sa couch walang iba kundi si Denmark ,
halatang nagulat din ito base sa reaction niya sisigaw na sana Ako pag hakbang ko na out balance ako Ang ending lagapak ako sa sahig biglang napatayo Ang aking boss at inalalayan akong makatayo kahit hiyang hiya Ako sa itsura ko no choice dahil di ko kayang makatayo ng magisa napuruhan ata ang balakang ko gawa ng pagkakabagsak ko Hindi Ako makapagsalita dahil nakirot sa bandang wetpu ko at balakang "why is it taking you so long? tanong nito
" Ikaw ? Bakit Kasi andito ka ,?" balik Kong tanong sakanya .
" Of course this is my room , bakit Hindi Ako papasok dito " .
" and yet there are many bathrooms in downstairs" dugtong pa nito .
Doon ko napagtantong tama ito dahil marami nga naman Cr sa baba Hindi ko man lang natanong Kay Manang Josie , ito na Kasi agad naisip Kong puntahan dahil nakabisado ko at napuntahan ko na ang Mali ko lang Hindi Ako nagtanong wala akong nagawa kundi manahimik na lang ika Ika akong humakbang papuntang cr pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin papunta ng banyo magpoprotesta sana ako pero hinayaan ko na lang dahil alam Kong nagmamadali na rin ito yung pakiramdam na para akong lalagnatin dahil magkadikit ang aming mga balat Hindi ko maipaliwanag kung sa akin ba mainit o sakanya .
Inilapag na Ako nito sa Cr at inabot niya na din Ang aking uniform " make it faster Ms . De Chavez , kung ayaw mong mas lalong tumagal dito sa Cr " pilyong ngumiti at lumabas .
Ang dumuhong yon di ko alam may pag kamanyak din Pala sa isip isip ko dahil baka mainip na ito kung kayat minadali ko na ang pagbibihis , lumabas na ako ng cr at di ko na naabutan Siya sa Kwarto dumiretso na Ako pababa at napag alaman ko Kay tita Arlene na nasa labas na pala nagaantay , maayos akong nagpaalam Kay tita Arlene at pwedeng pwede daw akong bumalik kung gugustuhin ko pa .
Lumabas na ako baka magalit na naman yung lalaki na yon at Nakita ko na Siyang nakaupo sa kotse sumakay na ako at tuluyan na niyang pinaandar , tahimik lang kaming dalawa walang gustong magsalita ng mag ring ang aking cellphone hinanap ko ito sa aking bag at Nakita ko ang tumatawag SI nanay tumingin Muna Ako Kay Denmark at saka ko ito sinagot " Hello nay , pauwi na po ako"
"Ang itay mo anak andito kami hospital " sabat ni nanay sa kabilang linya.
" Ano po ? Saang hospital ? Sige Po nay pupunta po Ako agad" nawala na sa linya SI nanay pero grabe pa rin kaba ko di ko alam kung iiyak nako pero pinapakalma ko lang Ang sarili ko dahil nahihiya Ako sa katabi ko " Why ? " Tanong nito .
" Sir pwede po ba makiusap sa hospital mo na lang po Ako ihatid " pagmamakaawa ko sakanya
" Okay sure no problem" tugon nito hindi na Siya nagtanong dahil alam niyang di na Ako mapakali sa aking upuan nang makarating na kami ng hospital nagpasalamat ako sa aking boss pero bumaba din ito ng kotse . " Sir okay na Po Ako dito salamat po"
" No , I'll go with you "
" Pero sir ---"
" Let's go "
Hindi na Ako nagsalita sumunod na lang akong pumasok sakanya sa hospital at nagpunta Ako sa reception para hanapin kung saan nakaadmit si tatay sinabi naman nila at nagpunta na Ako kung saan ang room ni tatay nakita Kong nasa labas SI nanay at umiiyak ito nang makita ako ni nanay agad akong niyakap , yumakap din Ako dito kasabay ng pagtulo ng luha ko " Nak , Ang itay mo inatake " umiiyak na Sabi ni nanay .
" May sakit po ba si tatay sa puso ? " tanong ko dito
tumingin lang saakin SI nanay nasagot na Ang tanong ko " bakit hindi niyo agad sinabi sa akin nay "
" Ayaw Kasi Ng tatay mo ipaalam saiyo anak dahil ayaw ka niya bigyan pa ng alalahanin"
umagos na ng tuluyan ang luha ko Wala na akong pakialam kong Makita ako ng boss ko na Ganito ang itsura habang magkayakap lang kami ni nanay biglang lumabas ang doctor sa room na pinag admit ni tatay " kamaganak po ni Mr. De Chavez?"
Lumapit kami ni nanay sa doctor .
" Kami po.doc asawa Ako at ito anak niya po" pagsabi ni nanay sa doctor
" Hindi ko na po patatagalin misis kailangan maoperahan ang mister niyo at makahanap ng heart donor dahil mahina na po Ang kaniyang puso " nagulat naman kami sa balita ng doctor pero agad kaming tumango ni nanay lahat gagawin namen para madugtunguhan ang buhay ni tatay .
" Need niyo po ng Malaking halaga sa gagawin na operasiyon dahil mahirap Po maghanap ng heart donor misis kailangan masettle po lahat bago maoperahan at kailangan sa madaling panahon Po" dugtong pa ng doctor nagkatinginan na lang kami ni nanay Saan Naman kami kukuha Ng Malaking halaga may ipon Ako pero hindi ganon kalakihan iyon at kahit ilapit ko sa mga charity Malaki pa Rin babayaran namen dahil private hospital ang napuntahan nila nanay naguguluhan na utak ko
" Do the operation Doc and I'll settle the bill" narinig Kong bigkas ng aking boss napalingon kaming tatlo sa nagsalita sa aming likuran .
" Oh Hi Mr. Montecillo , sorry i didn't notice you "
" It's okay Doc do the operation as soon as possible" l
" No problem Mr . Montecillo gagawin namin ang makakaya namin , wag kayo mag alala misis gagawin namin ang lahat "
Nagpasalamat kami sa doctor at umalis na ito ,humarap naman kami ni nanay sa aking boss at walang sawang nagpasalamat dito
" Thankyou so much sir , promise po babayaran ko po lahat lahat "
"don't even think about that"
tumango na lang Ako at sinabi Kay nanay na siya Ang anak Ng dati Kong boss sa kumpanya .
" Oh Siya anak umuwi ka Muna at magpalit Ako Muna magbantay dito sa tatay mo"
Hindi na Ako tumutol sa gusto ni nanay dahil alam Kong nakakahiya na rin sa aking boss kung kayat sabay na kaming lumabas ng hospital at sinabi Kong wag na akong ihatid sa Bahay dahil medyo may kalapitan lang naman , tumango na lang ito at nagpaalam na pero bago pa Siya makasakay sa kotse tinawag ko muna ito
" Sir salamat po ulit na madugtungan pa Ang buhay ng tatay ko , promise po unti untiin ko pong makabayad sainyo " tumingin Ako sakanya at ngumiti .
"where do you get that much money?" tanong nito
nawala Ako sa realidad dahil sa pagkakatanong niya saan ko nga Pala kukunin Ang ganong kalaking Pera at Yung sahod ko Hindi Rin sasapat ilang taon Kong pagpapaguran yon lumapit pa ng kaunti Ang Mukha Ng boss ko at titig na titig sa akin heto na naman yung pakiramdam Kong para akong ice cream na natutunaw yumuko na lang ako at nasabi ko na lang
" Lahat sir gagawin ko po makabayad lang po kahit ------"
" Lahat as in ? "putol nito sa sasabihin ko huli na ng mapagtanto Kong may Mali Pala sa sinabi ko
" Ahh aa-ano sir " nauutal kong bigkas Hindi na ko makapag isip gayong naniningkit na ang mata nito dahil nag aantay sa sagot ko .
" Okay , We talk about this next time " nakahinga Ako ng maluwag Ng tumalikod na ito at sumakay na ng kotse pero napapatulala pa Rin Ako sa mga nasabi ko parang pagsisihan ko ata na nabanggit ko yon . Bahala na Ayan na lang tangi Kong masasabi ko ngayon .