ROAN POV
Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita Kong lumabas si macoi sa pintuan nagtama ang aming mata pero napakacold ng kaniyang tingin lumapit siya sa aking harapan at sinabing aalis muna daw siya napakasungit namang damuho na yon hindi ko naman siya tatawagan ano akala niya bahala siya sa buhay niya ni hindi nga niya ako matandaan at tinanong pa pangalan ko pero infairness ibang iba na siya ngayon yung itsura niya at pangangatawan alagang alaga sa gym hindi ko akalain na maglandas pa ang buhay namen ano kayang nangyari sakanya at ganito na siya kayaman inampon kaya siya ni Mr . Montecillo sa tagal ko na rito ngayon ko lang nalaman about sakanya , naaksidente ba kaya siya at nagka amnesia kaya di niya ko matandaan hays nako kung ano ano naman pumapasok sa isipan ko ano naman kung hindi niya ako maalala ang importante maayos akong magtatrabaho sakanya .
Biglang tumunog ang aking cellphone dahilan para mawala ako sa guni guni kinuha ko ito sa aking bag at tiningnan kung sino ang tumatawag unknown number " sino kaya ito ? "tanong ko sa aking sarili pinindot ko na ang answer button at tinapat sa aking tenga ng biglang tumikhim sa kabilang phone sakit naman non para akong nabingi .
" Hello sino po sila ?" tanong ko sa kabilang linya
" I forgot to tell you after lunch I will be back there so you need to finish all the papers because I will sign it later " baritonong boses ang nagsalita si macoi pala huwag ko daw siyang tawagan pero ito siyang tumatawag napataas ang kilay ko namimiss mo ba ako agad pag assuemera ko sabay tawa ng walang boses .
" Yes po sir tatapusin ko Po lahat " sagot ko sakanya
" Okay good " sabay pindot niya ng end call nawala na siya sa kabilang linya taray naman ng boss niya pa good good pang nalalaman always naman akong good pagyayabang ko sa sarili ko tama kana roan marami ka pang tatapusin ang dami mong daldal sa buhay natatawa kong tinuran dumaan pa ilang Oras ay nakaramdam na ako ng pagkalam ng aking sikmura napatingin ako sa aking relo alas onse na pala kaya ganito na pala pakiramdam ko di ko namalayan ang oras tumayo na ako at agad niligpit ang mga gamit sa aking lamesa itinabi ko na muna ang ibang tinatapos ko konti na lang naman na ito hindi naman siguro kalabisan kung kakain muna Ako babalik rin ako mamaya kinuha ko na ang aking bag at dumiretso na sa elevator pinindot kong floor kung saan may canteen dito sa building doon na lang muna ako kakain para makabalik ako agad sa office ng 12 , bumukas na ang elevator at lumakad na ako papuntang canteen biglang may humawak sa aking balikat agad ko itong nilingon walang iba kundi si Yasmin katabi nito si baklang James ang mga staff sa ibang departamento sa lahat ng ka workmates ko dito sa building silang dalawa lang madalas kong Kasama at kakwentuhan maliban kay becca na busy ngayong sa kaniyang negosiyo ang bakeshop ,silang dalawa na rin tinuturing kong kaibigan .
" Hoy ginulat niyo naman ako"
"Haha sorry girl di ka na namen tinawag Kasi alam naman namen dito ka pupunta sa canteen" sabat ni yasmin nginitian ko lang sila at sabay na kaming tatlo pumasok sa loob ng canteen kaniya kaniya na kaming order ng pagkain at humanap ng mauupuan .
" Baks kamusta boss mo balita namen dumating na raw ahh ?"tanong ng may kalandiang si James nakatikwas pa ang kamay nito .
" Okay lang naman may pagkamasungit na dragon" sabay tawa ko pero agad Kong itinapat ang daliri ko sa aking labi senyales na wag maingay sa iba dahil baka pag nalaman ng boss niyang pinagtsitsismisan siya ay tiyak na magagalit yon , marami pa kaming napagkwentuhan at nagbabalak pa sila lumabas sa susunod na mga araw tumanggi ako nung una pero napapayag rin ako basta sabi ko pag hindi na ako busy sa mga trabaho ko, dahil minsan lang kami magkita at magkuwentuhan hindi na namen namalayan ang oras mag aala una na pala .
" Kaloka ka girl Ang swerte mo at Ikaw Ang secretary ng fafabol na yon" malanding turan ni james walang nakakaalam sa mga kaibigan niya kung ano meron sa amin ni macoi noon . Hindi nila alam na Isang Denmark Fernandez ay binasted ko noon ay siyang Denmark Montecillo na ngayon...
" Ano namang swerte ko sa boss naten kung umasta Akala mo presidente ng pililinas "
" Ni Hindi nga marunong ngumiti kapag kaharap ko, parang pasan Yung daigdig sa sobrang sungit "
Kwento ko sa dalawang kaharap ko tawa pa ako ng tawa pero sila walang reaksiyon nagtataka lang ako bakit parang bakas sa mukha nila ang pagkabigla samantalang kanina pa kami nagkukwentuhan sa boss namen
" never akong magiging swerte doon accla"
dugtong ko pa lumaki na ang mata ni james at humaba ang nguso na itinuturo sa likuran ko .
" Ano ba namang itsura Yan baks may panguso ka pa " sabay tawa ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko
" are you done laughing Ms . De Chavez ?"
Omg yung boses na yun boses ng boss ko parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan di ko alam gagawin ko di na Ako mapakali sa aking upuan biglang napatayo ako at dahang dahan umikot paharap sa aking boss , at biglang nagsalita ulit ito
" What time is it ? the company doesn't pay you to laugh, go back to your work Ms . De chavez" pag ririin nito sa aking pangalan agad Kong niligpit ang aking mga gamit at nagpaalam na sa dalawa Kong kasamahan , agad akong lumakad papunta sa kanya at humingi ng dispensa Hindi ko na inantay Ang kaniyang tugon at agad na akong umalis para bumalik sa aking kinauupuan sa opisina .
Hindi ko na nagawang mag toothbrush o mag retouch man lang dahil anong Oras na at lumagpas na Ako sa aking break ' ano ka ba naman roan unang araw pa lang kayong magkasama Ng boss mo bwenesit mo na agad Siya sa isip isip ko .
Binuklat ko na lahat ng files na aking gagawin para di ko na maisip Yung katangahan mga sinabi ko kanina narinig kaya niya yon sana hindi dahil kundi nakakahiya talaga nagfefeeling akong maganda sa tinuran ko dibale matatapos din itong araw na ito .
Nang biglang may narinig akong mga yabag na papalapit sa akin agad akong tumingala at tama hinala ko ang aking boss nakatayo sa harapan ng desk ko titig na titig lang sa akin at walang namutawi sa kanyang mga labi di na Ako nakatiis at agad akong tumayo at walang gatol gatol na sinabing
" Im sorry sir , di ko po namalayan yung Oras " pag hingi ko ng paumanhin sakanya sabay yuko sa aking ulo .
" Next time I won't allow you to do that , i will give you a punishment or else your getting fired "
ikinabigla ko iyon at agad napatingin sa aking boss nakatingin lang din ito sa akin wala akong masabi kundi tumango na lang ako naramdaman ko na lang na umalis na pala ito sa aking harapan at ang tanging narinig ko na lang ay ang pag sarado ng pintuan nito sa opisina .
Kahit paano lumuwag ang aking dibdib dahil Wala na ang kaniyang presensiya sa susunod magiingat na ako sa mga ginagawa ko kundi mawawalan na ako ng trabaho , umupo na ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko sa mga files para maibigay na sa aking boss ng matapos ko na ito tumayo ako at lumapit sa pintuan nito at kumatok ng tatlong beses
"Come in " narinig Kong bigkas nito
Binuksan ko ang pinto at Nakita ko Siyang nakaharap sakanyang laptop , lumakad nako papunta sa lamesa nito at inilapag lahat ng files na kailangan nito " ito na po lahat sir" pagbaba ko sa mga folder
" Okay thanks " cold na tugon nito hindi man lang tumingin sa akin mukhang galit pa rin ito , napabuntong hininga na lang ako at agad na lumakad palabas ng pinto .
MACOI POV
Iniangat ko na ang aking ulo mula sa nakatutok kong laptop sinundan ko na lang ang paglabas ng dalaga sa pintuan hindi ko pa rin ito kinikibo dahil simula ng maabutan ko ito sa canteen na lagpas na sa oras ng breaktime nito , nakaramdam naman ako ng awa subalit hindi ko ito paiiralin dahil baka masira ang pader na binuo ko sa mga nakalipas na taon alam kong napakababaw lang ng dahilan ko kanina pero hindi ko hahayaang lumambot ang aking puso kahit alam kong nahihirapan ako sa bawat minutong kasama ko siya dito sa office ,kinuha ko na ang mga files na inilapag nito sa lamesa ko at agad ko itong nireview hindi ko na namalayan ang oras mag ala-singko na nang hapon binaba ko na ang laptop ko at pinasok sa drawer kinuha ko na rin ang aking coat at dumiretso na sa pinto pagbukas ko ay nakita ko na si roanna na hawak na ang bag nito hudyat na uuwi na rin ito
" uuwi na rin po ako sir , goodbye po "
sambit ng dalaga hindi ako sumagot bagkus tiningnan ko lang siya ng napaka cold at lumakad na papunta sa labas ng opisina , nagtungo na ako sa elevator para bumaba sa basement kung saan nakalagi ang aking kotse ng bumukas na ang elevator naglakad na ako sa aking sasakyan para makaalis na at makauwi sa aking bahay dahil alam kong nag-aantay sa akin si tita Arlene na walang sawang pag suporta sa aking desisyon nang maikwento ko sakanya lahat bago ako grumuaduate noon nabigla din siya nung una pero naintindihan niya rin ako Akala ko magtatampo siya akin dahil mas gusto kong umalis ng bansa noon dahil di na ako sumipot sa graduation day ko pero hindi niya ako pinigilan sa kung ano man ang mga desisyon ko sa buhay bilang kapalit sa lahat ng pag suporta at tulong niya saakin ibibigay ko ang karangyaan na nararapat sa isang magulang dahil siya na ang kinikilala kong ina simula ng magkaroon ako ng muwang sa mundo kinuha ko siya sa dati naming tirahan at doon ko na siya pinatuloy sa mansiyon na binigay sa akin ng aking ama , mas madalas akong nauwi sa aking condo kayat hindi man ako palagi nauwi sa mansiyon na iyon dahil may kalayuan sa aking kumpanya kung kayat ang mga maid at body guard lang Kasama madalas ni tita Arlene pero ngayon ay bibisitahin ko siya nag chat na Ako sakanya na uuwi ako ngayong gabi alam Kong matutuwa siya base na rin sakanyang reply dahil ipag luluto na daw niya ang paborito Kong mga putahe, pag ka labas ko sa basement ay bumuhos ang malakas na ulan upang mabasa ang mga taong naglalakad lang nang umikot na ang aking sasakyan papunta sa harapan ng building nahagip ng aking mata ang kawawang dalaga na si roanna basang basa na ito habang nakikipag unahan sa pag sakay ng taxi hininto ko sa harapan niya ang sasakyan at binuksan ang bintana ng aking kotse napatingin ito saakin at halatang nagulat
" Get in " pagkasabi ko sakanya hindi nito pinansin ang sinabi ko at ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata nito dahil malakas na ang ulan at Wala man lang itong dalang payong naiinis na Ako kung kayat lumabas na ako ng kotse at pumunta sa gawi nito walang salitang hinawakan ko sa braso ang dalaga at pilit na isinakay sa sasakyan
" Bakit ba sir ? "Tanong nito
hindi ko pinansin ang pagtatanong nito agad kong kinuha sa likuran ng kotse ang aking coat at iniabot sa dalaga dahil hindi ko na kayang tingnan ang itsura nito na bumakat na sa damit nito ang suot na bra at b**b's nito na may kalakihan na, napalunok na lang ako at umiling sa aking tinuran tumingin na Ako sa gawing harapan at sinimulan ng paandarin ang kotse .