CHAPTER SEVEN

2406 Words
Reminiscing the past... SHE HATED Jarreus. She hated it how he see right through her. Iyong mga kahinaan na ayaw niya makita ng iba. Kahit nang umuwe sila ng mansyon ay hindi sila nagkikibuan. Pagkatila ng ulan ay umuwe na sila. Walang imik na naglakad silang dalawa habang dala-dala nito ang kabayong si Pegasus. Pabor iyon sa kanya dahil ayaw niya magkausap silang dalawa. Napahinto si Luigie nang marinig niya ang boses ni Jarreus sa may balkonahe. He seems happy talking with someone...girl. Lumapit siya sa puwesto nito at sumilip sa gawi kung nasaan ang mga ito. Nakatalikod si Jarreus sa kanya pero naririnig niya ang saya sa boses nito kausap ang babae. She knew the girl, it is the girl named Regina. Pinasadahan niya nang tingin ang babae. Well, she has the beauty... pero alam niyang mas maganda pa rin siya. May dumating na lalaki at kinintalan ng halik si Regina sa pisngi. Hindi man niya nakikita si Jarreus alam na niya kung ano ang nararamdaman nito. Hindi niya alam kung anong klase ng lakas ng loob ang nagtulak sa kanya para lumapit sa mga ito. Mabilis na sinukbit niya ang braso kay Jarreus. Saglit na nagulat ito pero mabilis din na nakabawi. She flashed her best smile. "Hi, I'm Luigie," "Lu," nakataas ang isang kilay na tumingin ito sa kanya. Tumingin din siya kay Jarreus. "His girlfriend," Bumalik ang tingin niya sa dalawang tao sa harap niya. Inabot niya ang kamay rito. "And you are?" Ngumiti din ang babae sa kanya. "I'm Regina, you can call me Gine." Inabot nito ang kamay niya. Sa gulat niya ay niyakap siya ni Regina. "I'm so happy you came. You're making him so happy." Kimi siyang napangiti. "Really?" tanong ng isang bahagi ng utak niya. "Stop that Gine, you're creeping her out." ani Jarreus at hinatak siya sa tabi nito. Tumawa ang kasama nitong lalaki. "Don't mind her, Luigie. By the way, I'm Rex. Pinsan ko 'yang si Jarreus." "I'm just so happy for you, Reus." abot hanggang tainga na ngiti ni Regina. "Akala ko talaga bakla ka." Napangiwi siya. Kung alam lang ng babaeng ito-- kung ganoon hindi ito aware sa feelings ni Jarreus sa kanya? "Ikaw talaga, Reg. C'mon, they are waiting for us." ani Rex. Nauna na ang dalawa maglakad papasok kaya naiwan na lang sila ni Jarreus. "What was that?" ani Jarreus habang nakatingin sa dalawa na papasok. Rex and Regina looked so happy and inlove. "Saving your pride and heart for breaking." Tumingin ito sa kanya. "Bakit?" Bumuntong-hininga siya. "To be honest, I hate it Jarreus. Ayoko maging mahina pero I have been so transparent to you since... maybe the first time we met." "And..." he trailed off. "I'll help you to move on to her. Kung hahayaan mo ko... darating ang araw na makakalimutan mo siya. Matututunan mo rin magmahal ng iba. I'm not asking you to love me so easily pero I'll make you love me. Gusto kita, Jarreus. Hindi ako impok--" Hindi pa man natatapos ni Luigie ang litanya niya ay sinakop na ni Jarreus ang mga labi niya. Her eyes widen and her heart beaten so erratically. Maybe... yes... she liked Jarreus. She really like him a lot. She closed her eyes and nipped his upper lips. She knew how to kissed and make a guy had his boner. She had fair share of guy before in Russia. She darted her tongue inside his mouth and give him torrid kissed. Alam niya kung paano humalik ng may kasamang pagnanasa. Nilambitin niya ang mga braso sa balikat nito. Dinikit ng husto ang katawan at ninamnam ang init na nagmumula sa binata. "Luigie Marie," ani ng isang boses. Tumikhim ang kung sinuman. "Jarreus," Hilo man ay marahan na hiniwalay siya ni Jarreus. Paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya. "Oh my god, Lo! What are you doing here?" she composed herself. "Visiting you hija," Tumingin ito kay Jarreus. "But I'm suprised to see you here with Jarreus kissing each other. Are you together, Luigie?" She bited her lower lips. Ang bilis naman... hindi pa siya ready malaman ng lolo niya. "Yes, Sir Ernesto. Kami na nga ni Lu." "Lu?" ani ng lolo niya. Mabilis na lumingon si Luigie kay Jarreus. Akala niya ay hindi papayag ito. "Since when?" tanong ng lolo nito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Hindi man tulad ng ngiti niya kay Regina pero pinatibok pa rin noon ang puso ni Luigie. "Maybe the first time we meet. And I'm ready to give it a chance. We will work out this relationship." On that day, Luigie's heart lift with hope and joy. Siguro nga matagal na niyang gusto si Jarreus hindi lang niya magawa maamin sa sarili niya. "Okay that's enough lovebirds. Sumunod na kayo sa amin sa loob." Nauna nang pumasok ang mga lolo nila. Naiwan sila ni Jarreus. Narinig pa niyang nagsalita ang lolo nito. "Hindi ako makapaniwala na malalaki na ang mga apo ko." Tumawa ang lolo nito at tinapik ang lolo niya sa balikat. "Hayaan mo na Ernesto. Kids are growing up too fast." Nilingon niya ito. "You will never regret giving me a chance, Jarreus." Ngumiti ito. "I know," *** "SAAN tayo pupunta?" tanong ni Luigie kay Jarreus habang palabas sila sa bakod ng rancho. Nakasakay sila sa kabayo. She loves the attention and affection. It made her so special. Mas binibigyan siya ng lalaki ng oras kaysa kay Regina. Alam na nga ng pinsan nito at ni Regina na may relasyon sila ni Jarreus. Masaya diumano ang mga ito para sa kanila. Pero mas masaya siya. "I'll show you something." Napangiti na lang siya. Kung anuman iyon basta kasama niya ito ay panigurado na magugustuhan niya. Ilang minuto pa ang nilakad ng kabayo hanggang sa makatanaw siya ng greenhouse. Namangha siya. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng greenhouse. She is not a nature person but the place is nice. Huminto ang kabayo at bumaba ito. Inalalayan siya ni Jarreus bumaba. "Wow." Ngumiti ito. "Nagustuhan mo?" Tumango siya. "First time ko makakita ng greenhouse eh." Binuksan nito ang pinto ng greenhouse at pumasok na sila sa loob. Ang dami-dami ng mga bulaklak na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. "Ang ganda..." halos pabulong na sabi niya habang iniikot ang tingin. Hapon na nang mga oras na iyon kaya tumatama ang sinag ng araw sa loob. Nagsilawan ang magagandang kulay ng mga bulaklak. "Sa inyo 'to?" "'Kay grandma. Pinagawa ni lolo para sa kanya." "Talaga? Mahal na mahal ng lolo mo ang lola mo 'no? Para magpagawa siya ng ganitong lugar para sa kanya." "Sa isang flower shop nagkakilala sina lolo at lola. Mahilig talaga sa mga halaman at bulaklak si lola kaya nang ikasal sila ay pinagawa ni lolo ito para sa kanya. Nang mga bata kami ay palagi kami nandito ng mga pinsan ko para tumulong kay lola na alagaan ang mga ito." Bumuntong-hininga ito. "Kaya nang mamatay si lola ay kami na lang na mga apo ang nag-aalaga nito para sa alaala niya. Hindi na kasi pumupunta si lolo rito dahil kapag nandito siya ay naaalala niya ang mga alaala nila. Nasasaktan siya dahil ang tanging babae na mahal niya ay wala na." "I'm sorry." malungkot na sabi niya. May napagtanto siya nang mga sandaling iyon. Parehas silang may lungkot na pilit ikinukubli sa kanilang mga puso. Hindi pala siya nag-iisa. Sadyang may mga taong malungkot lang tulad nila na sa ibang paraan ibinubuhos ang nararamdaman. Naglakad ito na sinundan naman niya. May mga pagkakataon na hindi niya mapigilan ang hawakan ang ilang bulaklak na noon lang niya nakita. Kung titira siguro siya sa ganoong klase ng lugar ay panigurado na gugustuhin niya manatili roon ng matagalan. Malayo sa ma-polusyon na lugar, walang ingay at sariwa ang hangin. Malayo sa mundo na kinagagalawan niya. Humarap ito sa kanya. Lumakad ng dalawang hakbang at huminto sa mismong tapat niya. Nang maramdaman niya na may dumapo sa ulo niya. Akmang hahawiin niya ng kamay ang nasa ulo nang pigilan siya ng binata. "Don't move. May pulang tutubi sa ulo mo." "Pula? May ganoon bang kulay ng tutubi?" "Wait, kunin ko para makita mo." Ani Jarreus saka may kung anong hinuli sa tuktok ng ulo niya. Nang bumaba ang kamay nito ay nahuli na nito ang sinasabi na kulay pulang tutubi. "Totoo nga? Ang galing naman. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng tutubi." Ngumiti ito. "Bukod sa magandang paligid at sariwang hangin ay marami kang makikita dito na hindi mo madalas makita sa siyudad. This is my other comfort place." Tama ito. Bago man ang paligid sa kanya ay hindi niya maitatanggi na gusto niya doon. "Relaxing. Peaceful dito." Ngumiti siya. "Tama ka. Nagustuhan ko nga dito." Pinakawalan na nito ang tutubi. Napatingin siya sa binata. "Bakit mo naman ipinakita sa akin ang importanteng lugar na ito para sa'yo?" "You're my girlfriend. Gusto ko malaman mo ang mga bagay na mahalaga para sa akin." Napalunok siya nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Nakalilimutan na kasi niya hininga kapag kahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Humakbang siya patalikod. Hindi niya alam kung normal pa ba ang bilis ng t***k ng puso niya sa sobrang lapit nito. Parang kaunti na lang ay maghahalikan na sila. Humakbang ito palapit sa kanya. May kung ano itong pinitas na kulay magenta na bulaklak na hindi niya alam ang pangalan at inabot iyon sa kanya. May tila humalukay sa loob ng sikmura niya nang bumalik ang tingin nito sa kanya. "It's a zinnia. It symbolizes long-lasting affection." His expressive eyes had the unexplainable glint that make her soul lost under those stares. Bago pa siya muli makalayo ay hinawakan na siya ng binata sa balikat. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. "Easy. Baka madisgrasya ka sa pag-atras mo." "L-Lumayo ka nga. Ang lapit mo naman kasi." Inis na taboy niya, kahit deep inside ay parang matutunaw na siya. Halos magwala ang puso niya sa malakas na kalabog niyon nang dumampi ang labi nito sa kanya. Hindi nabilang ni Luigie kung ilang segundo na nagdikit ang labi nila bago ito lumayo sa kanya. Napanganga siya sa ginawa nito. "I like kissing you," "I love kissing you too." nasabi na lang ni Luigie. Bakit pa siya mahihiya, iyon naman talaga ang totoo. Nang dumukwang ito at hinalikan siya ay pumikit siya at pinakiramdaman ang paggalaw ng labi nito... They were compatible. They had same stories to shared. *** MUNTIK na mapatalon si Luigie nang marinig na may pumalakpak sa likuran niya. Paglingon niya ay nakita niya si Jarreus ilang dipa lang ang layo sa kanya. Nakamasid ito sa kanya at sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang t***k ng puso niya. Kanina pa niya ito hinahanap kaya halos naikot na niya ang buong kabahayan nang mapadpad siya sa silid na iyon. She loved playing piano. Nakaka-relax at gaan sa pakiramdam ang nalilikhang tunog niyon. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaba ang mga kamay sa hita. "Kanina ka pa ba d'yan?" "Where do you learn to play?" kaswal na tanong nito. Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Umusog siya nang magtama ang kanilang mga braso. Naumid ang dila niya nang makita ang seryoso nitong tingin sa kanya. Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya nang maging masuyo ang tingin nito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo at sinagot ang tanong nito. "No'ng ipinasok ako ni daddy sa piano lesson." Napapitlag siya nang hawakan nito ang kamay niya. Iyong pakiramdam ay hindi niya magawa ipaliwanag. But it felt right. So right. "W-What are you doing?" Hinaplos nito ang palad niya. "Ang lambot ng kamay mo. Kaya pala ang gaan at sarap sa pandinig ng pagtugtog mo." Hindi pa rin siya sanay sa pagbulabog na ginagawa nito sa sistema niya. Bihira ngumiti si Jarreus pero kapag ngumiti na ito sa iyo ay kakabog talaga ang dibdib ninuman. Kahit sino ay maaakit sa ngiti nito. Namayani ang mahabang katahimikan sa kanila. He open up something important to him. Siya naman ngayon. "Alam mo, ayaw ko talaga sa ganitong mga lugar. Pakiramdam ko sobrang boring ng mga buhay ninyo dito. Akala ko nga hindi ako makakatulog sa sobrang tahimik pero nagkamali ako. Siguro kung papipiliin ako mas gugustuhin ko tumira dito kasama ang daddy ko. Kahit nga si lolo alam ko hindi rin ako gusto." Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. "When I was in my elementary days I always maintain to get the highest score in the class. But never in my life they congratulate me or says they was proud of my achievement. Nasanay na lang akong mag-isa. At my young age, I decided to stand on my own feet. Kailangan ko mabilis na mag-mature para makatakas na ko sa malungkot na mundo ko. I want to explore and go somewhere that I can forget I'm alone. Kaya nga nang mapasok ako sa modeling dito sa bansa ay naging masaya talaga ko ng sobra. Malaki ang naitulong nito sa akin para malibang sa buhay ko. I was the type of person na kung kaya bakit hindi ko gawin. Nasanay na kong ganoon ang routine ko hanggang sa dumating ang lolo. Hindi daw niya gusto ang pag-uugali ko. Hindi niya gusto ang lahat ng ginagawa ko. He hates my guts. He hates my manners. Pero ano ba ang mali sa pagsasaya ko? I was just having fun and I want to live my life to the fullest." pagkukuwento niya. "Why are you sharing me these things? Nilingon niya ito. "Because I want you to know me better. You want to work this out, right. I want to be open to you. Para alam mo kung saan ang pinanggagalingan ko." Isinara nito ang takip ng piano. Nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Dumukwang ito at dinampian ng halik ang mga labi niya. Hindi niya ikakaila na gustong-gusto niya ang labi nito. Nang humiwalay ito ay kitang-kita niya kung paano nito kinagat ang mga labi at tila may tinikman doon. "I'm not a sucker of kisses but I wanted your lips so bad." Hanggang sa muli ay dumukwang ito at sinakop ang labi niya. Napapikit na lang siya nang makita na pumikit ito pagkalapat pa lang ng mga labi nila. Tila biglang huminto ang mundo para sa kanilang dalawa. The happiest day of her life was in a relationship with Jarreus. The ever man she loved.                                                                                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD