Sometimes reminiscing the past will hurt you... hunting you. So better to forget and just look forward. Because love is inevitable. - Luigie
"MAKE A WISH, LU." Nag-wish muna si Luigie bago hipan ang cake na iniharap ni Jarreus sa kanya. Her 20th birthday is superb. Jarreus and his band suprised, even her sister Julianna. Wala na siyang mahihiling. Jarreus was there for her plus his band. Nagkaroon siya ng instant brothers and sister. She likes them all. Mababait ang mga ito at makikita mo talagang mabuti na kaibigan. No doubt Jarreus treated them like a family.
Spending her one year with him is one of the best thing happens to her. Ginanap ang celebration ng birthday niya sa bahay nila sa Bulacan. As usual, her Dad is busy to the business. Kahit wala ito nandoon naman ang lolo niya kaya okay na rin siya. Simple lang naman ang birthday party niya. Hindi naman kasi kailangan ng magarbo.
She invited the whole Fallen Angel Band. Pati na rin ang ilang malapit na kaibigan. Even her manager in Asia Top Modeling Agency-- kung saan nagpa-parttime siyang model. She was pursuing her studies. Kaya last year ay nagtransfer siya sa university nila Jarreus as senior high. Nasa huling taon naman sa kolehiyo ito.
Saglit na nagpaalam si Jarreus para sagutin ang tawag rito. Mabilis naman kinuha ni Yanna-- Julianna, Jarreus' younger sister ang atensyon niya.
"What's your wish, Lu?" tanong ni Yanna.
Ngumiti siya. "Secret for now."
Sumimangot ito. "Ang daya, you know my wished last month."
Inakbayan ni Vash Pablo-- Jarreus friend s***h band mate ito. "Stop pestering her, Yanna. Kumain ka na lang ng hinanda ni Manang."
Inalis nito ang kamay ng lalaki at iningusan ito. "Eww. Wag mo nga ko mahawak-hawakan. You freak."
Natawa siya."She's too cute sometime."
Umiling ito. "And annoying fat."
Sinuntok niya sa balikat ito. "Wag mo ko VP, I know how much you loves her. Mukha kang ewan."
Matagal nang may gusto ito sa kapatid ng kaibigan. Pero mukhang wala itong balak sabihin ang nararamdaman. Puro pang-aasar lang ang ginagawa nito para mapansin ni Yanna. On the other hand, Yanna was naive but she loves her so much. Para siyang may instant sister rito.
Bumuntong-hininga ito. "She never recognized that, she's too naive."
Tinapik niya ang balikat nito. "Soon she will know. No need to pretend."
Iniwan na niya ito para hanapin si Jarreus.
"Don't tell her," pahabol nito.
"That's not my story to tell " sabi niya bago tuluyang talikuran ito. Hinanap niya si Jarreus pero hindi niya makita ito. Lumabas siya para hanapin ito. Napahinto siya nang makita ito kasama si Rex. Tila may pinag-uusapan na importante ang dalawa kaya pumasok na lang ulit siya.
"Hey, Luigie. Happy birthday girl." All smiles na sabi ni Regina at bineso siya. Inabot nito ang regalo sa kanya.
"Thank you, Gine."
Somehow, she already liked Regina. Mabait ito at maalalahanin. Hindi na siya nagtaka kung bakit nagustuhan ito ni Jarreus.
"I've seen your magazine, Luigie. Super ganda mo do'n and I buy a copy of it." Ang tinutukoy nito ay ang bagong magazine na kasali siya as the newest face endorser ng isang local brand. "Bumili rin ako ng product na ini-endorse mo. Bukod sa affordable, maganda talaga siya sa face."
"Gine, we need to go." Ani Rex na nakalapit na pala sa kanila.
"Agad? Ang aga pa," she spoke.
"Sorry, Luigie. Pero may emergency kasing nangyari." Ani Rex, bigla ay nagbago ang itsura ni Regina.
"Okay, Lu. Bye. Babawi kami sa'yo." Saglit na yumakap ito sa kanya at sumunod kay Rex. Mukhang nagmamadali ang dalawa.
Nilapitan niya si Jarreus.
"What happen?" Hindi umimik si Jarreus kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Okay ka lang?"
Ngumiti ito. "I'm fine, tara na sa loob. Naghihintay na ang mga bisita mo."
Nagpagiya siya kahit puno ng tanong ang isip niya. Luigie observe Jarreus. Parang may hindi kasi ito sinasabi sa kanya. Nagdaan ang maghapon hanggang sa matapos ang mini-party niya. Umalis na ang ilang bisita pero andoon pa rin sila Julianna at ang mga band members ni Jarreus. Pati ang lolo niya ay umalis na. Hiwalay ang bahay nito sa kanila. Kasama ang step-grandmother niya, na first love ng lolo niya.
"Is everything okay, Darren?" Jarreus friend also, member ng band nila. Nilapitan niya ito sa mini-bar stool sa loob ng bahay nila. Mag-isa itong umiinom.
"Bakit mo naman natanong?" Ani Darren at uminom sa kopita nito. Darren is her favorite friend of Jarreus. Gusto niya kung gaano ka-prangka ito. Though mabait naman siya.
Kumuha siya ng kopita at nagsalin doon. "Jarreus looked bothered."
"Nakakalungkot naman kasi talaga. Gine's mother diagnosed with lung cancer. Kaya siguro sobra mag-alala ang dalawa."
"Regina huh?" May pait siyang nalasahan. Pakiramdam niya ay mas may halaga na naman si Regina kaysa sa kanya sa buhay ni Jarreus.
"Don't overthink."
Bumuntong-hininga siya. "I don't know, minsan nakakaramdam pa rin ako ng insecurity kay Regina because of Jarreus. C'mon, everybody know Jarreus feeling for her. Masyadong bulag si Gine to recognized that."
"Is that still issue to you? Ikaw ang kasama at masaya kayo. They were happy same with you and Jarreus."
"I can't help it sometimes. First love niya," uminom siya sa kopita niya.
"Pero ikaw ang kasama at masaya kayo. 'Yon ang mas mahalaga."
Nagsalin ulit siya at uminom. Hindi niya napansin na umalis na pala si Darren para tawagin si Jarreus.
"Hey, lasing ka na." Bulong ni Jarreus sa kanya.
"Jarreus..." She's a bit tipsy but she can manage herself.
"Matulog ka na," hinalikan nito ang noo niya. Naramdaman niyang binuhat siya ng lalaki. "Don't get jealous with Gine, Lu. Alam mo namang kaibigan ko siya 'di ba? I'm worried dahil mommy n'ya 'yon at isa pa napalapit na rin ako sa pamilya nila."
She snorted. "Sinabi ni Darren. God, I hate him."
"He's concerned to you." Naramdaman niya na nilapag siya ni Jarreus sa malambot na bagay. Nasa kuwarto na yata niya siya. "Sleep well, babe. Let's talk tomorrow morning."
Akmang iiwan siya ni Jarreus pero pinigilan niya ito. "Dito ka lang sa tabi ko."
"I need to sleep in the guest room baka dumating ang daddy mo. Ayoko kung ano ang isipin niya."
Mapungay ang mga mata na tinignan niya ito. "Take me, Jarreus. I want you to take me tonight."
"Lu... lasing ka. We will talk tomorrow okay."
"Jarreus, if you don't take me tonight. Lalabas ako at hahanap ng someone na willing to have s*x with me." Inis na sabi niya.
Bumuntong-hininga ito. "I know you're upset but tomorrow we will talk, Lu. Wag ngayon lasing ka."
"Hindi ka nakikinig sa akin kasi. I want you now, Jarreus." She hissed.
Ang lakas ng loob niya dahil lasing siya. Well, they had their first, second and third based. Pero walang penetration. Jarreus was too chicken. Ewan ba niya sa lalaking ito... Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya. Tumabi ito sa kanya sa pagtulog. "Let's sleep together, okay."
"Hmm..." Yumakap siya ng mahigpit dito. Gustong-gusto niya ang masculine musk scent nito. "Ba't ba kas ayaw mo? Don't you want me?"
"I want you but not like this, Lu. Ayoko madalian ang lahat."
"Do you still love her?"
"I was." Mahinang sagot nito. Naramdaman niyang hinalikan nito ang noo niya. "But what matter is us. Right now."
Siniksik niya ang sarili sa bisig nito. Sapat na sa kanya iyon.
"Dad wants me to pursue my med school? Should I give it a try?"
Isa ito sa mga nagustuhan niya kay Jarreus ng sobra. Laging nagtatanong ito ng opinyon. Her opinion matters to him. Ramdam niya na malaking parte ng buhay nito ang binibigay sa kanya.
"Med school is not your thing, Jarreus. I know how you love the band. How you enjoy playing your bassist guitar. Mahal mo kung ano ka ngayon, don't change that." Minulat niya ang mata at tumingin sa lalaki. "I love you for who you are. Maging doktor or band member ka man. Wag mo gawin o sundin ang bagay na hindi ka magiging masaya."
May tipid na ngiti sa labi nito. "You made everything so easy for me, Lu. Thank you."
"No matter what happen, Jarreus. I'm always here for you like how you are always there for me." She mumbled.
Every passing day of their life. Luigie's heart keep on falling for him. Hindi niya alam kung makakaahon pa ba siya.
***
NAALIMPUNGATAN si Luigie nang hindi niya makapa sa tabi niya si Jarreus. Katabi lang niya ito kanina bago siya matulog. Nasaan kaya ito? Nahihilo man ay pinilit niya bumangon para hanapin ito. Lasing man siya pero ang tindi nang nararamdaman niya. Marami yatang nainom niya kaya ang sakit ng ulo niya. She's too angry with him. Selos na selos pa rin siya kay Regina.
Nang makarinig siya ng boses sa verandah ng kuwarto niya. Nakita niya doon si Jarreus na may kausap sa cellphone nito. Lumapit siya sa puwesto ng binata. Gusto niya malaman kung sino ang kausap nito. Hindi pa tumatagal ang pakikinig niya nang mapagtanto kung sino ang kausap nito.
"I'm sorry, Regina. Promise, babawi ako sa susunod." ani Jarreus sa kabilang linya.
"Nangako ko sa'yo na sasamahan kita pero... kailangan ako ngayon ni Luigie. She's so upset but I'll keep my promise."
Ngumiti ito. Iba talaga ang ngiti nito kapag si Regina na. Hindi na nagawa makinig ni Luigie dahil ayaw niya mas tumatak sa isip niya kung gaano ka-espesyal si Regina sa buhay nito. Babalik na sana siya sa kama nang mahilo siya. Nawalan siya ng balanse at natabing ang lampshade.
Nahulog iyon at gumawa ng ingay kaya agad na lumabas si Jarreus sa verandah.
"Luigie!" Mabilis na nilapitan siya ni Jarreus. Binuhat siya ng binata at inayos ang pagkakahiga niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Are you okay? Bakit tumayo ka na?"
Nakapikit na sumandal si Luigie sa matipunong dibdib ni Jarreus. Parang may pumipisil sa puso niya kapag naiisip na mahal na mahal ni Jarreus si Regina. Hindi naman ito mahal ng babae?
"Ano bang mayroon si Regina na wala ako?" pabulong na tanong niya. Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha.
"Hindi ka naman mahal ni Regina eh. Pero ako, I'm willing to gave everything."
Nag-angat siya ng tingin.
"Luigie..."
"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, Jarreus. Mahirap pala kapag hindi ka gusto ng gusto mo. Bakit ba kasi minamahal natin ang mga tao na hindi na puwede mahalin?"
Niyakap niya ito. "Bigyan mo naman ako ng chance. Huwag mo naman ibigay ang lahat sa kanya dahil may mahal siyang iba. Sa akin na lang kasi ko... kasi ko kaya kitang mahalin ng walang kahati."
Napabuntong-hininga ito. Hinaplos nito ang ulo niya.
Naramdaman niya na hinalikan nito ang sentido niya. "Espesyal ka para sa akin."
"Pero mas espesyal sa buhay mo si Regina?"
Tumitig lang ito sa kanya.
"Stop thinking about her. Don't be jealous. I love what we had. You're more than enough."
He give him assurance na siya na. Nang bumaba ang labi nito at dinampian siya ng halik sa labi ay hinayaan niya. Maybe she is foolish. Maybe all love is not yet reciprocated unless it takes a lot of time and effort..
---
But time doesn't mean you can get the person you love. Lalo na kapag hindi mo naman talaga napalitan sa puso niya-- Luigie
HINDI mapigilan ni Luigie ang mapangiti nang makita ang paghanga sa mata ni Jarreus. She wore one of her favorite blue cocktail dress made by Alberta Ferretti—Italian vogue fashion designer. Minsan na siyang naglakad sa catwalk gawa ang ilang fashion dresses na gawa nito. That's one of the most fantastic experiences of her like being a model. She paired it with studded Giuseppe Zanotti nude five inch heels and Melinda Maria jewels.
Lumapit siya kay Jarreus at binigyan ito ng damping halik sa labi. Pinagmasdan niya ito ulo hanggang paa. He looked so hot with the gray tuxedo. Kakauwe lang niya mula sa Russia kung saan ay may kakatapos lang siya na kontrata. Madalas ay umuuwe pa rin siya sa Pilipinas pero may mga commitments siya na hindi rin niya basta maiwan kaya umaabot ng taon bago siya umuwe. Kapag nasa bansa ay palagi sila magkasama ni Jarreus. Pitong taon na sila sa relasyon na iyon. Sa loob ng mga taon na iyon ay binigay niya ang lahat. Lahat ng kaya niya ibigay. Napapawi ang lahat ng lungkot niya kapag nasa tabi nito. Ito lang ang lalaki sa buhay niya. Walang iba, dahil ito lang ang mahal niya.
Kahit may jetlag pa pagdating ay sinigurado niya nasa kasal siya ng dalawa. Kailangan kasi niya umuwe sa kasal ng mga kaibigan. Sa wedding nina Rex at Regina. Masaya siya para sa dalawa.
Hindi niya napigilan haplusin ang malapad na dibdib nito. She giggled when she remember how it feels on her hands his naked broad chest with six packs abs underneath. They made love countless time and it was the best thing happens to her. Jarreus was the first man in her life. Hinuli nito ang mga kamay niya at dinala iyon sa labi nito. Sa huli nilang date na dalawa ay dinala siya ni Jarreus sa isang public place. They walked and holding hands like a couple. Nag-disgust pa silang dalawa para walang makakilala sa kanila. Gumagawa na kasi ang banda ni Jarreus ng pangalan sa music industry samantalang matunog na rin siya sa international modeling. "How do I look?"
Nasa mata nito ang hindi maipaliwanag na paghanga.
"Stunning," nakangiting sabi nito.
Kumawala siya sa hawak nito at niyakap ito ng mahipit. Walang kahit ano ang makapagpapaliwanag ng saya niya. Hinilig niya ang ulo sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang malakas na pintig ng puso nito.
"How do I look?" tanong naman nito.
Sinalubong niya ang mga tingin nito. "Hottie."
Yumukod ito at muli ay nagtagpo ang mga labi nila. She never thought that day will wreck her heart.
***
DUMERETSO na sila ni Jarreus sa venue ng kasal ni Regina at Rex. Hindi nagtagal ay narating nila ang lugar kung saan ginanap ang kasal ng dalawa. Sa isang resort ginanap ang kasal ng dalawa at maganda nga doon mag-beach wedding. Hanggang sa magsimula na ang kasal. Napatitig si Luigie nang magsimula na maglakad si Regina palapit sa groom nito. Regina was so beautiful to her white gown. Kitang-kita ang saya sa mukha nito.
Iba ang kislap sa mga mata nito. Habang nakasunod ang tingin niya kay Regina ay nahagip ng mga mata niya si Jarreus. Tumingin siya sa mukha nito. Admiration was visible to his eyes. Bigla ay parang may kumirot sa puso niya. Hindi niya puwede ipagkamali ang tingin na iyon. Ilang beses na niya nakita tumingin nang ganoon si Jarreus kay Regina.
"Jarreus..." tawag niya sa pangalan nito, pero tila wala itong narinig at nakamasid pa rin kay Regina na ilang hakbang na lang ay mararating na ang puwesto ni Rex.
"Jarreus..." tawag muli niya sa pangalan nito. Sa pagkakataon na iyon ay lumingon na ito.
Kumurap ito. "Yes, Luigie?"
He did not call me baby... May lungkot sa mga mata nito. At lalo iyon dumagdag sa mahigpit na pagpisil sa puso niya. Tama kaya siya ng hinala?
"Are you over her?"
Sumeryoso ang mukha nito.
"Yes," sabi nito sabay iwas ng tingin sa kanya.
Pero bakit ganoon? Iba ang pakiramdam niya?
***
PUMASOK sa isang bar si Luigie dahil sa tawag na natanggap niya. Langong-lango diumano ang may-ari ng cellphone sa alak. Pagkatapos ng photoshoot niya sa isang make up brand ay pinuntahan niya agad ito. Hindi pa nga siya pinapayagan ng manager niya dahil kailangan pa siya sa interview pero hindi niya puwede iwan na lang si Jarreus. God, what was happening to him?
It has been two days when Regina and Rex exchange vows. Kababalik lang nila ni Jarreus galing sa beach wedding ng pinsan nito at ni Regina. Nang matanaw na niya ang bar counter ay nakita niya agad ang isang lalaki na nakadukdok ang ulo doon. Lumapit siya sa mga ito. Nang malaman ng lalaki kung sino siya ay binigay na nito ang cellphone sa kanya. Kinuha niya iyon saka binalingan si Jarreus natulog na.
Bahagyang niyugyog niya ang balikat nito.
Nagpatulong na siya sa lalaki na bouncer ng bar para isakay ito sa sasakyan niya. Nang marating niya ang building ng unit nito ay nagpatulong siya sa guard para i-akyat ito. Kumuha siya ng palanggana at bimpo. Inilapag niya ang palanggana na may bimpo at maligamgam na tubig sa bedside table. Kinuha niya iyon at sinimulan na punasan ang binata. Pagkatapos niyon ay agad na pinalitan niya si Jarreus at binihisan. Pumasok na sa isip niya ang dahilan kung bakit ito naglasing pero ayaw niya mag-conclude agad. Baka may ibang dahilan kung bakit maglalasing ito. Ayaw niya mag-isip ng kung ano. Ayaw niyang in-entertain ang ideyang pumasok sa isip niya dahil mali iyon.
"I love you," he mumbled.
Ngumiti siya at hinalikan ang noo nito. "I love you too."
Nagulat siya nang hinigit siya nang lalaki at bumaba ang mga labi niya sa labi nito. Napapikit na lang siya at hinalikan ito sa paraan na ginagawa nito. Lasa man niya sa bibig nito ang alak ay hindi nakabawas iyon sa sarap na hatid ng halik ni Jarreus.
"I love you," ulit nito pagkatapos siyang halikan. Ramdam niya ang mainit na hininga nitong amoy alak.
"Regina..." pabulong na tawag nito sa pangalan.
Napapikit na lang si Luigie. Nagsimula na mamuo ang mga luha sa kanyang mata. Ang buong akala ni Luigie pagkatapos niya sabihin kay Jarreus na mahal niya ito ay aayon ang lahat sa gusto niya. Hinayaan siya ni Jarreus na mahalin ito. Nagkaroon sila ng relasyon na dalawa. Parang in and out ang relasyon nila na dalawa ni Jarreus. Kapag nasa Pilipinas siya ay palagi sila magkasama. Masaya si Luigie sa setup na ganoon. Sapat na sa kanya iyon basta mabigyan ng oras at panahon nito. Pero ngayon ay naisip niya na sapat pa ba iyon? Walong taon? Wala bang kuwenta iyong mga panahon na binigay niya ang pagmamahal rito? Hanggang ganoon pa rin ba? Panakip-butas pa rin siya? Ilang taon pa ang kailangan para mahalin nito? Nauwe ba talaga sa wala ang lahat?
Sabi na nga ba niya. Nang nasa kasal pa lang sila ay nag-iba si Jarreus. The way he talk to her, smiles to her and looked at her. Ganoon pa rin at tulad ng dati... tulad pa rin ng walong taon mula nang malaman niya na mahal nito ang babae. Kasabay niyon ang katotohanan na minahal niya ito sa kabila ng may mahal itong iba.
"Saan ba ko nagkulang, Jarreus?" puno ng hinanakit na tanong niya. Ibinigay niya ang lahat sa lalaki na ito. Lahat ng gusto nito kunin sa kanya. Akala niya ay sapat na iyong gagawin niya ang lahat para mahalin nito.
"Mahal kita, Gine. Sobra..."
Parang may kutsilyo na sumaksak sa puso niya. Ilang beses ba niya kailangan malaman iyon? Ilang beses ba nito sasabihin na "I love you" pero hindi naman pala para sa kanya iyon? Naging panakip-butas lang si Luigie nitong una pero hindi siya sumuko. Sumugal siya ng sumugal hanggang sa akala niya ay mahal na rin siya ni Jarreus. Pero wala pa rin. Umabot pa rin sa punto na si Regina pa rin pagkatapos ng lahat.
"Seven... almost eight years, Jarreus. I gave my everything in you for that long years. Hindi ako humingi ng kapalit dahil umaasa ko na balang-araw ay maibabalik mo iyon ng hindi ko na kailangan hingiin. Pero..." Naiyak na siya ng tuluyan. "Still. Siya pa rin!"
"Gine, please chose me... Pick me..." he moaned.
Her heart shattered that night. Wala siyang ginawa kundi umiyak. Iniyak niya ang lahat ng sakit sa puso niya para sa pamamagitan niyon ay mabawasan ang sakit pero hindi pala sapat. Sobrang sakit pa rin.
Kinabukasan ay kinumpronta niya ito, sinabi mismo nito sa harap niya na si Regina ang dahilan ng paglalasing nito. He was not looked shock at all. Tila alam nito kung ano ang ginawa kagabi.
"Jarreus, be honest with me please..." pakiusap niya nang magising ito. She was there in the corner of the room and blankly looking at him. She cried her heart out. Hindi siya nakaramdam nang antok magdamag. Umupo ito sa kama at tumingin sa kanya.
"Luigie..."
"How could you still in love with her?" paos na tanong niya.
"I'm sorry," he said.
Napapikit siya dahil sa sakit na nadama sa kanyang puso. Bakit hindi na lang nito ipagtanggol ang sarili? Mas matatanggap na niya iyon kaysa ito. He was sorry because it is true.
Take this pain away. Please take it away...
"You still love her?" Nanlalambot ang mga tuhod na tumayo siya. "Why did you love her?! Ni hindi ka nga niya makita higit pa sa kaibigan, Jarreus! Samantalang ako, kaya ko ibigay ang lahat sa'yo. Pero bakit hindi mo ko magawa mahalin?!"
"Babe, I'm sorry..."
"Be honest to me. Maawa ka naman sa akin." Puno ng pighati na sabi niya.
His eyes mirror hurted. Hindi na nito kailangan magsalita dahil ramdam niya na hindi siya.
"Nang makita ko siya na naglalakad palapit kay Rex. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan. I was asking myself, ano ang mayroon si Rex na wala ako? Why all these years, she only see Rex. Bakit puro na lang si Rex. Why it is not me?"
Nanginig yata ang kalamnan ni Luigie sa narinig. Akala niya ay nabasag na kagabi ang puso niya. Ngayon durog na durog na siya. Hindi niya alam kung mabubuo pa ang puso niya pagkatapos nito. Mabilis ang mga nangyari dahil nanlalambot na nilapitan niya ito. Namalayan na lang niya na um-angat ang kamay niya at sinampal ito. Hindi nito kaya kalimutan si Regina. It was always Regina. Wala ng iba dahil sa simula pa lang ay alam na niya ang bagay na iyon. Pero tumuloy pa rin siya at sumugal...
Sa kabila ng katotohanan na mahal nito ang babae na may ibang mahal naman... Pero paano siya? Saan siya lulugar?
"Bakit ako ba? All these years, ikaw lang. Bakit hindi mo rin ako magawa makita?" puno ng hinanakit na tanong niya.
Akmang yayakapin siya ni Jarreus tinulak niya ito palayo sa kanya. Pinilit nito ikulong siya sa mga bisig nito.
"I hate you. I hope you rot in hell with Regina." She cried.
"Luigie..."
"I hate you!" Malakas na tinulak niya ito palayo sa kanya. Nang subukan siya hawakan ni Jarreus ay humakbang siya palayo.
Natawa siya. She realized how pathetic she is. Parehas sila nang sitwasyon pero tanga siya dahil lumaban siya kahit alam niya na talo siya. "Hindi mo siya nilaban dahil alam mong talo ka. Dahil alam mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa." Naiiyak man siya ay hindi niya mapigilan ang matawa sa kagagahan niya. Jarreus will never change. "Pero ako, kahit walang kasiguraduhan ay nilaban ko iyong pagmamahal ko sa'yo. Kahit alam ko na dehado ako ay sumugal pa rin ako. Kaya ano pa bang kulang, Jarreus? Ano pa iyong hindi ko naibigay? Ano pa?"
Akala kasi niya ay may feelings na ito sa kanya. Na may pagtingin ito sa kanya kahit kaunti para simulan na nito kalimutan si Regina para sa kanya.
"I'm sorry..."
"Sorry? It will never be enough because you had hurt me so much. Sana...sana hindi na lang kita nakilala. Sana hinayaan mo na lang ako maligaw sa rancho ninyo. Sana hindi ka na lumapit sa akin. Sana hindi ka na nangyari sa buhay ko."
Sobrang sakit malaman ang bagay na iyon. Wala. Pagod na siya. Nakapapagod din pala mahalin ang isang tao na hindi ka kayang mahalin. Ang buong akala niya ay naka-get over na si Jarreus sa pagmamahal nito sa babae. Pero mali siya, maling-mali.
Kaya tinapos na niya iyong relasyon na hindi niya alam kung saan papunta.
Ang mas masakit pa ay hindi man lang siya pinigilan nito.