CHAPTER NINE

2761 Words
"MAS maganda ka kapag ganyan." ani Jarreus na nagpabalik sa realidad. Nilingon niya ito pero nang mga oras na iyon ay tinitigan lang niya ito pabalik. "Simple lang, I like you like that." Bumuntong-hininga si Luigie para alisin sa loob niya ang kiliti na hatid ng sinabi nito. Alam naman niya kung bakit nasabi nito iyon. "Because Regina is simple yet stunning. You like that, right?" Nagbago ang itsura nito. "You misunderstand—" Umiling siya at ngumiti ng kay tamis rito. Sana hindi siya magmukhang plastic sa pagngiti ng ganoon. "Wala 'yon, sanay na ko." Binaling niya ang tingin sa harap at tinuon ang atensyon sa nagpatugtog ng ukulele. Umayos siya ng upo at pinakinggan ang ginagawa na pagtugtog ng isang grupo. Lahat ng mga ito ay may hawak na ukulele at sinasabayan ng mga ito ng kanta ang pag-strum sa naturang instrumento. "They are good." "Marunong ako." Nilingon niya si Jarreus. "Pinag-aralan ko kasi gustong-gusto mo ng ukulele." She remembered the days when she asked him if he know how to use ukulele. Ayaw kasi niya ng gitara nito dahil masyadong malaki iyon para sa kanya. So instead, Jarreus bought her ukulele but they don't know how to use the thing. Tumayo si Jarreus at kinausap ang may-ari ng isang may ukulele. Nakatingin lang siya habang tila may pinapakiusap si Jarreus sa mga ito. Na-impress siya nang magsimula na mag-strum si Jarreus sa ukulele. Marunong nga talaga ito. And the way he sang the song made her heart somersault. "Do you remember how it felt like? I still remember how the days that end, the weeks and months, we were together for so long, I haven't noticed, that we're falling down too fast..." Ilang taon sila nasa isang sailing relationship ni Jarreus. Ang buong akala niya ay ayos na ang ganoong setup nila pero nagkamali siya. It was never enough. If I could take it all back, I still want you by my side. If only I could bring you back to me, If I could go back in time, promise we won't say goodbye. I never really moved on... No, not in time... Alam niya sa sarili niya na hindi pa siya talaga naka-move on kay Jarreus. Ang akala niya ay sapat lang ang mahal niya ito noon at magiging maayos na ang lahat sa kanila. Pero ang isang relasyon pala na hindi reciprocated ang love ay walang halaga. Para siyang nangangapa sa dilim dahil hindi niya alam kung saan papunta ang relasyon nila na iyon. Walang label. Walang patutunguhan. I wanna go back to the way we used to be, I wanna feel your skin, your lips so close to me, I wanna go back when I called you mine all the time. Every smile and every moment, If only I have a time machine... Parang may humahalukay sa loob ng sikmura ni Luigie habang nakatitig sa kanya si Jarreus. Dama na dama niya ang bawat lyrics ng kanta na lumalabas sa bibig nito. Kung siya ang tatanungin ayaw na niya bumalik sa mga panahon na iyon. Nasaktan na siya ng husto at para sa kanya ay tama na iyon. Hindi siya masokista para hayaan na masaktan nito uli. If I could go back in time, I'd make us so much better... If I could hear and if I could see, If I could hold on to your hands... Sa harap mismo niya tumugtog at kumanta si Jarreus. Narinig niya ang tilian ng ilang tao doon, mayroon kasing mga Filipino na crew ng hotel kaya alam niyang naintindihan ng mga ito ang sinabi ni Jarreus. "Wife, I know I had hurt you so many times but I want to prove you that now I'm truly worthy of you. Alam ko na hindi ako sapat para sa pagmamahal mo pero sana bigyan mo ko nang pagkakataon mahalin ulit. Let yourself fall again, Luigie." Singit nito pagkatapos kantahin ang isang stanza. Bumalik ang tingin niya sa mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nang mga oras na iyon. "You had hurt me once how could I make sure you won't hurt me again this time?" pabulong na tanong niya. Tumitig ito sa kanya. "Mahal kita. Sapat na bang rason iyon para maniwala ka." Sapat ba iyon para hayaan ang sarili tuluyan mahulog ang loob dito? Ulit? Handa ba siya masaktan ulit kung sakali? *** "WAKE UP," Nagmulat ng mga mata si Luigie nang maramdaman niya ang pagyugyog ni Jarreus sa kanya. Kinusot niya ang mga mata at tinignan ito. Binuksan niya ang lampshade at umupo. Ala-una na nang madaling araw. "What?" inaantok pang tanong niya. Napansin niya na agad itong umiwas ng tingin. "I'll show you something," "Ano naman?" humikab na tanong niya. "Inaantok pa ko, Jarreus," "Do you trust me?" pabulong na tanong nito. Sa hindi malaman na dahilan ay tumingin siya sa mga mata nito. Ilaw mula sa liwanag ng buwan at lampshade lang ang nagsisilbi na liwanag sa kanila. Pero kitang-kita ni Luigie ang sinseridad sa mga mata nito. Alam niya sa sarili na hindi niya kayang tanggihan ito. Kapagkuwan ay umiwas muli ito ng tingin. "Saan ba tayo pupunta?" tinatamad na tanong niya. Ngumiti si Jarreus at tumayo na. Tumalikod ito sa kanya. "Please, isuot mo naman 'yong mataas ang neckline na lingerie. You're seducing me, woman." "I'm not!" protesta niya. Mabilis na niyakap niya ang sarili. Kaya pala hindi ito makatingin ng maayos sa kanya ng huli. Lahat ng lingerie niya ay mababa talaga ang neckline. "I'll give you ten minutes to dress yourself. I'll wait you in the lobby." Iyon lang at lumakad na ito palabas ng kuwarto nila. Pagkabihis ni Luigie ay bumaba na siya. Sinalubong naman siya ni Jarreus at umalis na sila. Sumakay sila sa isang yacht. "Saan mo ba ko dadalhin?" Hindi nagsalita si Jarreus at inalalayan lang siya sumakay. Napamaang si Luigie nang sumalubong sa kanya ang isang table na may nakapatong na isang bungkos ng bulaklak. Marami din red petals at kandila na nagkalat sa paligid. "Ano 'to Jarreus?" "Noong tayo pa, hindi ko nagawa ang ganito sayo. But I want to make it up to you, Luigie. I know it was too late yet, I'm hoping you will appreciate it." Kahapon pa ito si Jarreus. Yes, she appreciates the efforts and the declaration of love. Pero hindi pa niya alam kung paano iyon tatanggapin. Nang bumalik siya ay kinundesyon na niya ang sarili. She won't let herself fall again. Hindi pa siya handa balikan ang dating siya. Siguro nga kung naiba lang siguro ang sitwasyon ay naging labis ang saya niya. Baka umiyak pa siya sa sobrang saya pero iba na ngayon. Ayaw niya na sumugal. "You're wasting your time and effort, Jarreus. Hindi ko na magagawa ibigay ang gusto mo." Parang may kumirot sa puso niya nang makita kung paano nawala ang sigla at ngiti nito. Alam niyang apektado pa rin siya pero pinangako niya sa sarili na titigil na siya. "Hindi ka man maniwala ngayon, bukas, sa ikalawang araw, sa ikatlo, ikaapat o kahit habangbuhay pa ay papatunayan ko sa'yong hindi ko mahal si Regina. Na kung ano ang naramdaman ko sa kanya ay fondness lang. Hindi ko siya minahal tulad ng iniisip mo. Hindi ko siya minahal katulad ng pagmamahal ko sa'yo." Tumingin ito sa malawak na karagatan. "Susuko pa ba ko, kung kailan asawa na kita? Patutunayan ko sayo na seryoso ko. Hanggang sa makumbinse kita at tuluyan mo ng hayaan ang sarili mo mahalin ako." Sinundan niya ang tingin nito. This place is a paradise. Ayaw niya sirain ang alaala niya sa lugar na ito. "Jarreus..." Naputol ang sasabihin niya nang lumuhod si Jarreus sa harap niya. May dinukot ito sa bulsa nito. Isang itim na velvet box. Binuksan nito iyon sa kanya at tumambad sa kanya ang isang silver-gold diamond ring. "It was too late for me to propose to you. Naikasal ka na sa akin, pero gusto ko maranasan mo kung paano kiligin dahil nag-propose ang isang lalaki sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa'yo ito sa romantiko na paraan. But then one staff of the resort told me about this place and I know you will love here. Hindi na ko nagdalawang-isip at dinala ka dito. Gusto ko maging memorable sayo ang gabi na ito. Gusto ko malaman mo ang lahat nang laman ng puso ko. Ikaw lang naman ang nag-iisa sa buhay ko... at wala ng iba. Ang hirap nang hindi ka kasama sa loob nang maraming taon. Iyong wala kong magawa kundi tumingin lang sayo sa malayo. Kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan ang sarili ko lumipad sa Russia para makita ka lang. Kung gaano kahirap ang araw-araw na iniisip ko kong baka may iba ka ng gusto." She wanted to believe him but at the back of her head, she was afraid that Jarreus might hurt her again. Nagawa na nito iyon, at hindi imposible na maulit iyon kung magiging vulnerable siya. Susugal ba uli siya? Bago pa magbago ang isip niya ay sinarado na niya ang itim na velvet box. "Don't do this, Jarreus. Alam mo naman na tapos na 'di ba?" Tinalikuran niya ito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pakiramdam niya ay tinu-torture siya. Alam niya na tama ang desisyon niya. Pero bakit mabigat sa loob pa rin? *** PINAKIRAMDAMAN ni Luigie ang pagdating ni Jarreus pero wala pa ito. Napatingin si Luigie sa orasan. Kasama niya ito nang bumalik pero hindi ito sumabay sa kanya pumasok sa room nila. Ni hindi nga niya alam kung saan pumunta ito. Alas-otso na nang gabi pero hindi pa rin bumabalik sa suite nila ito. Pero saan naman ito pupunta kung ganoon? Kanina pa niya ito hindi nakikita kaya lumabas na siya at inisip kung saan niya puwede makita ito. Lalo tuloy siyang nag-aalala dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay nila kaninang madaling araw. Napasinghap si Luigie nang makita si Jarreus sa buhanginan. Nakalugmok ito sa pagitan ng mga tuhod habang may hawak na isang bote ng alak. Mabilis na nilapitan niya ito. "Jarreus..." Nang bumaling ito sa kanya ay natigilan siya. Bakas pa ang mga luha sa pisngi nito. Bigla ay napaisip siya kung bakit umiiyak ito. "Ano ba 'tong ginagawa mo? Bakit ka naglalasing?" "Am I your problem right?" Umupo siya sa tapat nito. Napasinghot pa ito at kinabog nito ang dibdib. "Kapag naiisip ko iyong mga nagawa ko dati sa'yo ay galit na galit ako sa sarili ko. Paano ko nagawa saktan ang isang tulad mo?" "Jarreus, let's go." "Wala kang ginawa kundi mahalin ako pero ako, wala kong ginawa kundi saktan ka. Bakit huli ko na naman nalaman na mahal kita? Bakit kung kailan pagod ka na sa pagmamahal sa akin at ayaw mo na?" Tumulo ang mga luha nito at may munting mga hagulgol siyang narinig sa lalaki. Parang may kutsilyo na tumarak sa puso niya. Hindi ito ang Jarreus na kilala niya. Ni minsan ay hindi niya nakitang umiyak ito sa babae. Tinapon nito ang bote. Natapon ang laman niyon sa buhanginan. Napasinghap siya nang lumuhod ito sa harap niya. "Jarreus..." Tumingala ito sa kanya. "Luigie, ano ba iyong kailangan ko gawin para hindi ka na matakot mahalin ako?" Hindi siya sanay na ganito si Jarreus. Humihingi ito ng tawad sa kanya. Nagmamakaawa na mahalin muli niya. Sapat ba iyon para sumugal muli siya? Still, she felt broken. Hindi niya alam kung kailan maghihilom iyong sakit na ginawa nito. Maybe it took years, decade or for a lifetime. Hindi niya alam. Tinayo niya si Jarreus. Sumunod naman ito sa kanya at nakayuko na humarap sa kanya. "Hindi mo kailangan gawin ito. Normal lang naman ang ma-guilty ka sa nangyari dahil nakasakit ka." "Pero mahal kita," parang bata na sabi nito. Umiling siya. "Naipagkakamali mo lang iyong nararamdaman mo." "Gano'n ba talaga kahirap maniwala na mahal kita?" Pumiyok ang boses nito. "Na ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan at nahihirapan ako ngayon." Hindi din alam ni Luigie kung ano ba iyong dapat niya maramdaman. Dapat ba siyang matuwa dahil nagkakaganito si Jarreus dahil sa kanya. Na baka talagang mahal siya ng lalaki. "Umuwe na tayo at matulog ka na. Bukas na tayo mag-usap na dalawa kapag nahimasmasan ka na." Sa gulat niya ay tinalikuran siya ng lalaki. Mabilis ang mga kilos nito na lumapit sa tubig. Pagewang-gewang na naglakad ito patungo sa tubig. "Sa paano mo bang paraan ako magagawa mapatawad? Sapat na ba iyong mamatay ako para mabayaran kita?" "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" naguguluhan na tanong niya. "If I commit suicide. Can you forgive me?" Nilapitan niya ito. Dahil mas malaki at malakas si Jarreus kaya halos madala na siya ng lalaki kahit anong pigil ang gawin niya. Magpapakamatay ito dahil sa kanya. "Ano ba?! Baliw ka na ba?" "Oo! Baliw na ko sa ideya na galit ka sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ko." Basang-basa na si Luigie at Jarreus sa hampas ng tubig sa kanila. Hanggang baywang na niya ang lalim ng tubig. "I swear, iiwan talaga kita at hahayaan na malunod pero hindi pa rin kita mapatatawad. Lalo lang titindi ang galit ko sa'yo." she hissed. Naglakad pa palayo si Jarreus. Napamura si Luigie ng mahina. Medyo malakas na rin ang hampas ng alon kaya kailangan na nila bumalik. Nang mangyari na nga ang kinatatakutan niya. Humampas na nga ang alon sa kanila. Nabitiwan niya si Jarreus at nilamon siya ng tubig. Hindi na niya alam ang mga sunod na nangyari. *** NAALIMPUNGATAN si Luigie sa loob ng puting silid. Akmang tatayo siya nang may pumigil sa kanya. Nilingon niya kung sino ang gumawa niyon. Nurse ito. Tinignan niya ang sarili. May nakakabait na dextrose sa kanya at naka-patient gown. Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa niya doon. Ang asawa diumano niya ang nagdala doon sa clinic dahil wala siyang malay. Kagabi diumano ay muntikan na siyang malunod sa pagtangay ng alon sa kanya. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya agad si Jarreus. May mga dala itong prutas na nakalagay sa basket. Saglit na nagpaalam ang nurse at iniwan silang dalawa. Umupo si Jarreus sa silya sa tapat niya. "How are you?" Ngumiti siya. "I'm good," Pinagkatitigan niya ang mukha nito. May hang-over pa ito pero parang hindi pa ito natutulog. Ang itim-itim ng paligid ng mga mata nito. "Nakatulog ka ba?" Hinawakan nito ang kamay niya. Nilagay nito iyon sa pisngi nito at pumikit. Hindi siya nakapagsalita nang makita ang mga luha nito. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi kita nakita kagabi." "Jarreus..." "Pasensiya ka na kung nilagay ko sa panganib ang buhay mo. Hindi ko mapatatawad ang sarili ko." "Jarreus..." "Nang makita kita na walang malay, parang huminto ang paghinga ko kagabi. Ang dami-dami ng pumapasok sa isip ko nang wala ka pang malay. Doon lang ako natakot ng ganoon sa buong buhay ko." "Jarreus..." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "I love you, baby." Pinagkatitigan ni Jarreus ang mukha nito. Paano nga ba kung hindi siya nakita ni Jarreus? Paano nga ba kung namatay siya kagabi? Kung tutuusin ay pangalawang buhay na niya iyon. Sa isang iglap ay puwede kunin ang buhay niya. Hindi kaya binigyan siya ng Diyos ng tsansa mabuhay para makasama ito? Napapikit siya at dinama ang init ng kamay nito sa kanya. Kung patay na siya nang mga oras na iyon ay hindi sana niya nadama ang init nito. "I'm sorry too, Jarreus." Naluluhang sabi niya. "I'm a coward, takot na takot ako masaktan mo ulit. 'Yong malaman ko na hindi mo talaga ko mahal at si Regina naman talaga. Sobrang takot ako sumugal ulit kasi baka saktan mo na naman ako. Ilang beses na kasi... sa dami ng beses na iyon takot ako bigyan ka ulit nang pagkakataon." "Hindi na ulit mauulit yong nangyare kagabi. Hindi ko hahayaan na ulit 'yon." He was weeping and her heart is breaking for him. Alam naman niya na mahal pa rin niya ito. "Kapag mahina na naman ako at hinayaan kita. Hindi ko alam kung kaya ko pang buuin ang sarili ko kapag nasaktan mo na naman..." "I'll earn you trust and love. Please, Luigie, give it a try with me. I'll never mess it up again. Never..." Her heart is really breaking. One last chance is all worth it? Tumayo ito at sinakop ang mga labi niya. Hindi niya sasayangin ang buhay niya na hindi naging masaya muli sa piling nito. Dahil hindi man niya aminin... ay ito lang... at ito pa rin ang tanging kaligayahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD