CHAPTER FOUR

2723 Words
Present time... "NAGKAROON ng kasunduan ang lolo mo at ang lolo ni Jarreus na ipakasal kayo sa isa't-isa. Hindi ko kayang suwayin ang gusto ng lolo mo. Bago mamatay ang lolo mo ay sinabi niya sa akin ang tungkol sa kasunduan na ito." Narinig ni Luigie na napabuntong-hininga ang ama. Akala niya ay titigil na ito nang hindi siya pumayag sa gusto ng mga ito. Pero habang tumatagal ay lalo siyang nahihirapan dahil involve na ang matatanda. Mahal niya ang lolo niya dahil halos ito lang ang kakampi niya. "Listen to me, hija. Jarreus grandfather was dying. It's his dying wish. Iyon lang ang tanging gusto ng matanda bago siya mawala. Like your grandpa, don't break the old man heart." Naging mabait ang lolo ni Jarreus sa kanya. Nang mga panahon na nasa rancho siya ay inasikaso siya ng matanda. Tinuring siya na parang apo nito. Hindi naman yata niya kaya na hindi sundin ang huling kahilingan nito. Tinanong niya sa ama kung saan makikita ang lolo ni Jarreus na si Hilario ngayon. Nasa rancho ng mga ito sa Tarlac ang matanda. Nang maging maluwag ang schedule niya ay pumunta siya sa Tarlac para makita ang matandang Del Castillo. Gusto niya personal na malaman ang kalagayan nito. Naging malapit sa kanya ang matanda nang mga panahon na nagbabakasyon siya sa probinsiya. Matagal naman na panahon siya hindi nakapunta sa lugar ay kabisado pa rin niya ang daan. Wala naman masyado nagbago sa lugar. Pinakiusapan niya ang assistant na si Thea para ipag-drive siya patungong Tarlac. Ilang oras ang biniyahe nila para marating ang lugar. Hindi naman siya nahirapan na pumasok sa loob ng hacienda dahil kilala siya ng guard na nagbabantay. Hindi nagtagal ay natanaw na niya ang mansion ng mga Del Castillo. Huminto ang sasakyan sa harap ng mansion na wala man lang nagbago. Nang bumaba siya ay sumalubong sa kanya ang matandang Del Castillo na si Hilario. Nakaupo ito sa wheelchair nito habang tinutulak ng nurse marahil nito. Nang makita siya ng matanda ay bakas sa mukha nito ang tuwa makita siya. Hindi na ito tulad nang una na malakas. Kaya pa nga nito maglakad pero ngayon ay sa tingin niya ay hindi na. Masyado na malaki ang pinagbago ng katawan nito. Mahina na rin kung tignan ito. Agad na lumapit siya kay Hilario at pumantay sa matanda. "Kumusta kayo, 'Lo?" Hinawakan niya ang kamay nito. "I'm glad you came here to see me. I know you were busy to your career." kahit nakikita niya na hirap ito magsalita ay pilit pa rin na ginagawa ng matanda. Namatay ang lolo niya nang unang taon pa lang niya sa Russia. Nalungkot siya ng sobra dahil hindi agad siya nakauwe sa dami ng schedules niya. Ni hindi niya nalaman na iyon pala ang gusto din nito para sa kanya. Ang tanda lang niyang sabi nito noon ay ibibigay nito kung ano ang gusto niya. Siguro dati ang gusto niya si Jarreus pero marami na ang nangyari. Ayaw na sana niya magkaroon nang kahit ano kay Jarreus. Nagtaas siya ng tingin sa nurse nito. "What happen to him?" "Komplikasyon na ng sakit niya sa puso, Ma'am. Na-mild stroke po siya," Jarreus grandfather was dying, Luigie. It's his dying wish. Naramdaman niya na marahan na pinisil ni Hilario ang mga kamay niya. "How are you, hija?" "I'm great, Lo. Sobrang saya ko nga pong makita kayo ulit." Sinenyasan nito ang nurse na iwan sila. Siya ang nagtulak sa wheelchair nito. "Your grandpa wants you to be happy, hija." Ngumiti siya. "Do you still love him?" Huminto sila at hinarap ito. Paralisado ang kalahati ng katawan nito pero halos matino pa rin magsalita. "Do you love Jarreus?" Matagal na tumingin siya sa matanda. Marahil kung umabot si Jarreus sa ganoong edad ay kahawig ito ng lolo nito. She asked herself right at that moment. Does she stop? "Maybe I never stop, lolo." Ani Luigie sa mahinang boses. Ngumiti ito. "Then what it is stopping you?" Ang saktan niya ulit... kasi hindi ako si Regina... Nag-iwas siya ng tingin. Pero hindi lang sila ang pinag-uusapan. Ilang beses na niya pinag-isipan ang bagay na iyon. Para kay lolo Hilario ay gagawin niya. Para sa lolo niyang hindi man lang niya nakita sa huling pagkakataon. Tumingin ulit siya sa matanda at ngumiti. "You will feel much better if we get married, lolo." "You need to promise me you will work it out to both of you." Tumango siya at ginagap ang kamay nito. "Yes, 'Lo. Magpapakasal kami ni Jarreus. Kaya palakas kayo." Kitang-kita niya kung paano bumakas ang saya sa mga mata nito. Alam niya na tama ang desisyon niya. "Salamat, apo." nakangiting sabi nito. If it makes lolo Hilario happy, she's willing to do it for him even it means breaking her heart in the process. *** PAGKATAPOS makipag-usap ni Luigie kay lolo Hilario ay nagikot-ikot siya sa lugar. Tama siya, walang nagbago sa lugar pati na rin sa mga taong nagsisilbi doon. Kabisado pa rin niya ang daan. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa. Namalayan na lang ni Luigie na tinatahak niya ang daan patungo sa cabin na "comfort zone" ni Jarreus. Pinagmasdan niya ang cabin nang malapit na siya. Ang lugar na iyon ang nakapagpa-realize sa kanya na mahal niya si Jarreus. Humakbang siya sa kahoy na hagdan. Sa tapat ng pinto ay tinignan niya ang paso na katabi niyon. Ilang ulit na siya nadala ni Jarreus sa lugar. Kapag hindi nito dala ang susi ay may spare key ito. In-angat niya ang paso at hindi nga siya nagkamali. May susi pa rin sa ilalim niyon. Binuksan niya ang pinto ng cabin. Umikot ang tingin niya sa loob ng cabin ni Jarreus. Marami na ang nagbago sa lugar mula sa arrangement ng mga furniture at ilang painting doon. Huminto ang tingin ni Luigie sa partikular na lugar kung saan nakasabit ang isang painting. Lumamlam ang tingin niya nang matitigan ang painting. Hindi lang iyon basta painting dahil siya ang nakaguhit sa larawan. "I love your deep blue eyes." ani ng isang tinig sa kanya. Napapikit na lang si Luigie. Bakit nandoon si Jarreus? Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga at lakas ng loob bago hinarap ito. "K-Kanina ka pa?" Umiling ito. "No." "Sa'yo galing ang preserve red dragonfly na natanggap ko 'di ba? May gano'n sa greenhouse ng lola mo." tanong ni Luigie nang maalala ang preserve na dragonfly na natanggap niya nitong nakaraan. "Nagustuhan mo?" "Bakit mo ko binigyan nang bagay na galing sa greenhouse ng lola mo?" sa halip ay tanong niya. Lahat nang galing sa greenshouse ng lola nito ay mahalaga kaya nga ingat na ingat ng lahat ang lugar na iyon. Kabilin-bilinan iyon ng lolo nito. "Dahil mahalaga ka sa akin," kaswal na sagot nito. Binalewala niya ang sinabi nito. Nilapag niya ang susi sa lamesa. "Sorry. Mali na pumasok ako sa lugar na ito na walang permiso mula sa'yo." Humakbang na siya palabas doon. Bago niya ito malagpasan ay hinawakan nito ang kamay niya. Natigilan siya at tinignan ito. "Ikaw ang taong kahuli-hulihan kong inaasahan na masaktan." kaswal na sabi nito. Nakatitig lang ito sa baba na parang may tinititigan doon. "Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin para makabawi sa pananakit ko sa'yo." "Makabawi? That is a big word, Jarreus. After everything I had gone through for loving you in years...and you wasted it." She sighed. Pakiramdam niya ay napagod siya kahit kasisimula pa lang nang araw. "Wala ka naman kailangan gawin. Siguro nga kasalanan ko dahil nagpakatanga ako at umasa. Pero sinisigurado ko na hindi na mauulit ang bagay na iyon. Hindi ko na uli sasayangin ang pagmamahal ko. Kaya hindi mo na ko masasaktan." Tumingin na ito sa kanya. "Bakit pumayag ka magpakasal sa akin? You hate me. I bet, ayaw mo ko makita, kaya bakit pumayag ka? Pinaasa mo si lolo sa isang bagay na hindi mo naman kayang tuparin." Sobra talaga ito. Ngayon ibabalik nito sa kanya iyon? "Akala mo ba ay kaya kong tiisin ang lolo mo? Nang makita ko ang saya sa mukha niya nang sinabi ko na papakasal tayo ay alam ko na walang mali sa sinabi ko." "You're willing to marry me out of pity to the old man?" "I'm marrying you because I want to keep my promise to work this out. Huwag mo isipin na pumayag ako dahil may katiting na pagtingin pa ko sa'yo. Hindi na kita mahal. Kaya ko lang ito ginagawa dahil gusto ko maging masaya ang lolo mo. Hindi kailangan ng awa ng lolo mo." Tulungan N'yo po ako na paniwalain siya. Hindi ko kaya malaman niya na mahal ko pa rin siya. Tumiim ang bagang nito. "I'll back off." She took a deep breath. "Talaga? Kaya mo saktan ang damdamin ng lolo mo?" may panunuya na tanong niya. Kilala niya si Jarreus, hindi nito kaya gawin ang bagay na iyon. "Bakit mo ito ginagawa?" sa halip ay balik-tanong nito sa kanya. Pumiglas siya sa pagkakahawak nito. "Ginagawa ko ito para sa lolo mo. Be thankful dahil hindi ko kayang i-break ang heart niya. Hindi mo ko katulad, Jarreus. Marunong ako makiramdam nang nararamdaman ng ibang tao." Nang makawala ay nagmamadali na lumabas si Luigie. Pero bago pa siya makalayo sa cabin ay napasinghap siya nang may yumakap sa kanya sa likuran. Sinubukan niya kumawala pero mas humigpit lang ang yakap nito sa kanya. Hanggang sa hinayaan na lang niya ito. "Maybe you are right, hindi nga ko marunong makiramdam nang nararamdaman ng iba. I was selfish. Wala kong kuwenta, binigay mo na nga ang lahat-lahat sa akin pero ito ang sinukli ko sa'yo. I break your heart. I hurted you bad." Naramdaman niya na binaon nito ang mukha sa leeg niya. "I'm sorry," "Sorry? Akala mo ba mababawi ng sorry mo ang lahat. Ilang taon, Jarreus. Ni minsan ba hindi mo manlang naramdaman na mahal mo ko? Ni minsan ba?" Pumiyok ang boses niya. " Siyempre hindi, kasi si Regina ganyan, ganito. Laging siya. Eh ako ba? Saan ba ko lumugar sa buhay mo?" "Listen to me--" "I'm so done listening to you, Jarreus. Ayoko na." Kumalas siya at hinarap ito. "Let's forget the past and move on. After all, makakasama natin ang isa't-isa kung hanggang kailan hindi ko rin alam. Para kay lolo Hilario lang ito. Para sa kanya itong gagawin kong pagpayag sa kasal na ito." *** AYAW na bumalik ni Luigie sa dati kung saan iniyakan niya ang pagmamahal kay Jarreus. Sapat na sa kanya ang nasaktan at umiyak sa pag-ibig. Hindi niya alam kung bakit hinahayaan niya itong mapalapit sa kanya ng husto gayong ayaw na niyang masaktan. Siya ang tipo ng tao na isang beses lang masaktan ay nagtatanda na pero bakit pagdating dito ay nababali ang mga prinsipyo niya? Pakiramdam niya ay handa na muli sumugal ang puso niya. Pero natuto na siya ng leksyon. Hindi na siya basta mahuhulog sa mga sweet gestures nito na walang kahulugan. "Sana dumating ang araw na kapag tumitingin ka sa akin ay wala na iyong galit sa mga mata mo. Hindi mo lang alam pero nasasaktan ako sa mga nakikita ko." "Alam mo, dati naisip ko na may feelings ka para sa akin. But stupid me, umasa pala ko sa isang bagay na hindi naman totoo. Ano ba kasing pumasok sa isip ko para isipin na mas kaya ko higitan si Regina sa buhay mo. Sa una pa lang ay siya na." Humakbang siya paatras para magkaroon ng distansiya sa pagitan nila. "Ayoko humigit tayo sa kung ano ang gusto ko na relasyon natin ngayon. Kung patuloy ka pa rin na nagi-guilty dahil nasaktan mo ko. Huwag mo na isipin 'yon. Tapos na ang kabanata na iyon ng buhay natin." Nilahad niya ang kamay kay Jarreus. "We can be friends again." Tinignan nito ang kamay niya. "Friends, huh?" Tumango siya. "Kalimutan natin ang nakaraan at magsimula muli sa pagiging magkaibigan. Para sa lolo mo." Inaasahan ni Luigie na magiging ayos na ang lahat simula nang araw na iyon. Sana nga. *** "ARE you sure about it?" tanong ni Vladimir kay Luigie tungkol sa pagpapakasal niya kay Jarreus. Saglit na pinalabas niya ang make-up artist na nag-aayos sa mukha at buhok niya. Nang araw na iyon ay kasal na niya. Isang linggo na iyong nakaraan nang magkausap sila. Nang malaman ng bawat panig na payag na silang dalawa ay minadali ang lahat. Ikakasal na sila sa araw na iyon. Ilan lang ang bisita dahil sa mabilisan na preparation. Ang ama, ang tatay ni Jarreus, ang lolo nito at ilang kakilala lang diumano ang bisita nila. Alam niya ang kapalit ng desisyon na pinili pero handa na siya. "Oo. Hindi naman na ko makakapag-back out." ani Luigie sa lengguwahe na maiintindihan nito. Tumango ang kaibigan at hinawakan siya sa balikat. "Kahit ano ang maging desisyon mo ay mananatili mo kong kaibigan, Luigie." Tumayo siya at niyakap ito. Hindi lang naman siya ang apektado kung sakali na tumamlay ang career niya sa oras na pumutok ang balita na lihim siyang nagpakasal sa Pilipinas. Ito din naman. Hindi alam ni Luigie kung gaano siya katagal na nakayakap kay Vladimir nang may marinig silang tumikhim. Nagkahiwalay sila at sabay na nilingon kung saan nanggaling iyon. Nakatayo si Jarreus sa tapat ng pinto at nakapamulsa na nakatitig sa kanya. Ang bigat ng titig nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Nailang siya sa paraan nang tingin na binibigay nito sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung ano ang nasa isip nito. Aaminin rin niya na mas naging guwapo ito sa suot na itim na tuxedo. "Kuya! Alam mo ba na hindi puwede makita ang bride. You supposed to see her while she was walking to the aisle." Narinig niya ang makulit na boses na iyon ni Yanna. Huminto ito sa gilid ni Jarreus at patuloy na naglitanya. "Puwede mo naman makita mamaya si Ate Luigie. Huwag masyadong excited." Nang lumingon si Yanna sa kanya ay napakunot ang noo niya nang bahagyang umuwang ang bibig nito. Titig na titig din ito sa kanya. "Oh my God!" Nagkukumahog na lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Grabe, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Kaya naman pala gustong-gusto ni kuya makita ang ayos mo. Wow talaga! Mas tumingkad ang kulay ng mga mata mo sa make-up mo. Lalo kang gumanda." mangha na puri nito. Actually, biglaan ang naging uwe ni Yanna nang malaman nito na ikakasal sila ng kuya nito. Nag-aaral kasi si Yanna ng medicine sa ibang bansa. Pero parang hindi naman yata ganoon ka-busy at ka-toxic ang bata na ito. Nagawa pa talaga nito umuwe sa kasal nila ng kuya nito. "Ikaw talaga, Yanna." "Yes! Sa wakas ay magiging sister-in-law na rin kita. Posible ako magkaroon ng pamangkin na kulay dagat na asul ang mga mata. Ang ganda ng combination ninyo ni kuya for sure." nakangising sabi nito. Kung alam mo lang... Iniisip siguro nito na magpapakasal sila ni Jarreus dahil may feelings sila sa isa't-isa. Ang hindi nito alam ay ginagawa nila iyon para sa matanda. Bumaling ito kay Vladimir at binati ang lalaki. "'Hay, aalis muna kami ni kuya. Kailangan mo pa mas magpaganda para mamaya." Nang bitiwan nito ang kamay niya ay tumalikod na ito at hinigit ang kapatid. Hindi pa rin mai-alis ni Jarreus ang tingin sa kanya. Nang tuluyan na nitong matangay ang kapatid ay sinarado na ni Vladimir ang pinto. Napaupo na lang si Luigie at tinignan ang sarili sa salamin. "I can't believe I was doing this," Naiiling na sabi niya sa sarili. "Did you see how intense his staring at you?" ani Vladimir sa wikang ingles. Bukod sa Slavic ay marunong din ito magsalita ng English. Pero kapag sila lang naman ay mas gusto nito nagsasalita sa lengguwahe nito dahil bukod sa komportable ito sa wikang kinagisnan. May pagka-slang pa ito kung magsalita sa universal language. "Please, hindi ako interesado malaman." sagot ni Luigie sa lengguwahe nito. "He probably likes you, Luigie." konklusyon nito. Napailing siya. Hindi sapat ang gusto lang at nagagandahan ito sa kanya. Dahil ni minsan ay hindi humigit ang tingin na iyon ni Jarreus. Yes, maybe he was still lusted after her. May natikman siyang pait sa naisip. Hanggang pang-kama lang siya sa buhay ni Jarreus. Tulad ng ibang lalaki na walang ibang iniisip kundi paano siya ikakama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD