CHAPTER THREE

2905 Words
HINDI napigilan ni Luigie titigan si Jarreus habang nakikipag-usap ito sa mga trabahador. Ito kasi ang unang pagkakataon na ngumiti si Jarreus. Well, she saw him smile but not that way. Para bang ang bait-bait nito well in fact ang sungit at diktador kaya ito. "Sana 'ho okay lang sa inyo ang ulam natin dito." Ani ni Manang Susan—isa sa katiwala ng hacienda. Hinain nito sa harap niya ang sardinas na may ginayat na maliliit na manggang hilaw, inihaw na tilapia at bangus, may iba't-ibang klase din ng mga prutas. Mukha namang masarap iyong sardinas na may mangga. Nilingon niya ito at ngumiti. "Hindi naman po ko maarte." "Ang ganda-ganda mo, ine. Anong lahi mo?" Tinulungan niya ito ayusin ang mga paper plate sa kawayang mesa. "Russian po ang mommy ko at Filipino naman ang Daddy ko pero dito na ko halos lumaki sa Pilipinas. I can speak fluently in Filipino po." Napakamot ito sa ulo. "Tagalugin mo lang kami rito, ine." Ngumiti siya. "Wala pong problema." "Boyfriend mo ba si Reus?" tanong nito, kapagkuwan. "Reus?" "Si Senyorito Jarrreus." ani Manang. Napailing siya at sumimangot. "Hindi 'ho, ang sama kaya ng ugali niya." Natawa si Manang Susan. "Akala mo lang 'yon, ine. Mabait yang si Reus at pati mga magulang niya. Sayang nga lang at maaga namatay ang mommy nila. Naging tahimik na siya simula noon pero bumalik din agad ang sigla niya nang magkakilala sila ni Regina." "Regina? Baka iyon talaga ang girlfriend niya?" Umiling ito at bahagyang tumawa. "Hind puwede at nobya ng pinsan niyang si Rex." Bumalik ang tingin niya kay Jarreus na abala sa pagtulong sa asawa ni Manang Susan sa pangungopra. Bigla ay nakaramdam siya ng awa dito. Mahirap magmahal ng isang tao na nagmamahal na ng iba. Para bang nilambitin nito ang sarili sa bangin at kahit anong oras ay posible na malaglag ito. "Pakitawag naman sila para makakain na tayo." Ani ng matanda sa kanya. Lumapit siya kina Jarreus na abala sa pangungopra. Ewan ba niya pero habang palapit siya kay Jarreus ay tila bumabagal ang paligid niya. Iba kasi itong lalaking nakikita niya sa lalaking nakilala niya nitong mga nakaraan. The way he talked to these people and smiled to them. She had seen different Jarreus Del Castillo. Bago siya tuluyang makalapit sa lalaki ay natisod siya. "Ay s**t—" Bago siya tuluyang sumubsob ay naagapan nitong saluhin siya. "Oops, careful Luigie. This place is not your catwalk." Walang maapuhap na salita sa bibig niya. Ramdam kasi niya kung gaano kalaki ang kamay ni Jarreus sa kanya. Napakurap ito nang mapagtanto kung ano ang nahawakan sa katawan niya. Holy grain! He just cupped her right breast with his hand. f**k it! Nanlaki ang mga mata na nagkatinginan sila. Mabilis na naitulak niya ito at sobrang wrong move ang ginawa niya dahil bubuwal naman siya. Napasinghap siya nang hatakin siya pabalik nito kaya wala sa loob na napayakap siya. Sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang t***k ng puso niya nang maglapit ang mga katawan nila. "Are you okay?" pabulong na tanong nito sa tainga niya. Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya dahil sa ginawa nito. Hindi niya mahanap ang boses para sigawan ito. "Sorry, hindi ko sinasadya na mahawakan—" "Oo na! Halika na doon." Nahihiya na lumapit siya sa mga ito. Sana lang at walang nakakita nang nangyari dahil nakakahiya. Ayaw niya tignan si Jarreus dahil sa sobrang pagkailang. Nahawakan lang naman nito ang dibdib niya. Ewan lang niya kung may nakakita pang iba pero pinagdadasal sana niyang wala. Medyo malayo naman sila sa karamihan kanina kaya baka wala naman nakapansin. Nakakahiya kaya! "Ine, ingat ka sa bangus matinik 'yan." Ani Manang nang kumuha siya ng bangus. Umupo siya sa tabi ni Jarreus kasi wala naman siyang pagpipilian kundi tumabi dito. Ngumiti siya. "Okay lang po." Habang ngumunguya siya ay natigilan siya dahil may tumutusok sa dila niya. Agad niyang niluwa ang nasa bibig niya. "Senyorita, ayos lang kayo?" tanong ni Mang Larry, isa sa mga trabahador doon. "Opo," nakangiwing sagot niya. "Iba na lang ang kainin n'yo at mukhang hindi ka marunong kumain ng isda." Ani pa ng isang babaeng matanda. She felt a bit disappointed. Gusto kasi niya iyong bangus, masarap iyon pagkakapalaman noon kamatis. Mas malasa kaysa doon sa tilapia. "Here," Napalingon si Luigie nang pinagpalit ni Jarreus ang plato nila. Hinimay siya ni Jarreus ng isda. "Take mine." Napangiti siya kay Jarreus. Siguro nga tama sila mabait naman ito. Habang kumakain siya ng hinimay na isda ni Jarreus ay napatingin siya sa mga kasama nila. Hindi na lang niya pinansin nang makita ang mga kakaibang ngiti ng mga ito. *** NILIBOT siya ni Jarreus sa buong rancho ng mga ito pagkatapos nila bisitahin ang mga tao sa koprahan. Nang mapagod ay tumigil muna sila sa isang cabin na gawa sa pulos kahoy, may distansiya din sa mansyon ng mga ito. Iyon daw ang "comfort place" nito dahil sa lugar na iyon ito gumagawa ng mga paintings nito. Namangha siya nang malaman na marunong magpinta ito. Pinagmasdan maigi nito ang mga naipinta na ni Jarreus. Karamihan sa mga iyon ay mga magagandang views sa bansa, mga hayop at mga halaman. Huminto si Luigie sa paglalakad at mataman na tinignan ang isang painting doon. Para sa kanya ay simple lang ang babae pero may kung ano sa painting na kapag matagal tinignan ay parang may madi-discover pa sa maamong mukha nito. Then she would realized, her beauty was timeless. Ito ang tipo ng babae na hindi na kailangan ng make-up para maging maganda. Her simplicity says it all how beautiful she was. Nilingon niya si Jarreus na kababalik lang mula sa kusina at kumuha ng meryenda nila. Alas-tres na rin kasi ng hapon. "Sino siya?" tanong ni Luigie. Hindi niya alam kung ano ang mga ginamit na medium ni Jarreus sa painting pero parang buhay na buhay iyon. Tumingin si Jarreus sa painting at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mata nito habang nakatingin doon. "She's my friend, Regina." Napatango na lang siya. Kung ganoon ito pala ang sinasabi na babae ni Manang Susan. How stupid he can be. Mahal nga nito pero hindi naman siya mahal pabalik. "Maganda siya," tanging nasabi na lang niya. Ngumiti ito sa kanya. "She is," "What I mean ay buhay na buhay itong painting. But that woman she was not that pretty." Umiwas siya ng tingin. "You're very good at this craft. You are a painter?" Inilapag ni Jarreus ang tray at nilapitan siya. Tinitigan nito ang painting. "Fine arts talaga ang gusto ko. Pero ayaw ni Daddy kasi ano daw ba ang mararating ko kung magpipinta lang ako? You see, my parents were in the medicine field. Pati si Yanna, na younger sister ko ay gusto rin mag-doktor. Ako lang ang nalihis nang landas sa'min magkapatid. I can't blame Dad if he doesn't want me to be what I want. Ako kasi ang panganay at lalaki pa. Gusto niya dalhin ko ang apelyidong Del Castillo bilang doktor at hindi hamak na pintor. He sought high for me even I was a little boy. Minulat niya ko na paglaki ko kailangan ko maging doktor. But guess what, I didn't want it. I never want it." "You don't go in a medical school?" Tumingin ito sa kanya. "Nope. I enrol in music." "I bet your Dad got furious about that?" "Kumuha daw ako ng kahit ano huwag lang fine arts. I got music instead because I love anything with a touch of arts." Napatango siya. "I think you did the right thing. MedSchool was not your passion and you will waste your time taking it. Tingin ko, walang silbi ang isang bagay kung ginagawa mo lang siya out of responsibility. Hindi ka magiging masaya. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi mo gusto. It will make your life not completely contented." ani Luigie. "Dad taught me how to become competitive. As Dr. Herminio Del Castillo siblings, we entitled the best of the best. We should be on the top. But once in my life I lost..." may lungkot ang boses nito. "May mga bagay talaga na kahit gaano pa natin gustuhin ay hindi puwede makuha. Kailangan din makuntento tayo sa kung ano lang ang mayroon." Nagtataka na tinignan niya ito. Lumingon naman ito sa kanya at napansin agad niya ang lungkot sa mga mata nito. Nawala na iyong kanina na kislap sa mga mata nito. "You lost?" He sighed. "I love this certain girl but she doesn't feel the same way." "It is her, right?" Tumitig siya sa painting. Of course, it is Regina. He painted her so it means something. "Halata ba masyado?" Nasagot ang katanungan ni Luigie nang mga sandali na iyon. Ang kislap sa mga mata nito ay tanda ng pagmamahal sa babae. Ang masaklap lang ay hindi reciprocated ang feelings ng mga ito. Isa sa pinakamasakit na bagay sa mundo ang hindi ka mahal ng taong mahal mo. Nilihis na lang niya ang usapan. "Bukod sa mga ito ay ano pa ang ginagawa mo?" "I paint what I want. I have in mind one particular thing to paint but I think my subject won't approved it." kibit-balikat na sabi ni Jarreus. "Kahit hindi ako marunong tumingin ng mga painting. I know how good you are." papuri niya. "Don't flattered me too much. Baka maniwala ako." "Pero totoo! Tell me, what subject you need. Malay mo, matulungan kita." Natigilan ito sa tanong niya. Nagsalubong ang mga kilay niya sa naging reaksyon nito. Wala naman yatang mali sa sinabi niya. "Are you serious?" alangang tanong nito. "So serious." Paninigurado niya. Napailing ito. "I think that wasn't a good idea, Luigie." Nagkasalubong ang kilay niya lalo. "Why?" "Seryoso ka ba talaga?" paniniyak pa nito. "Sa tingin mo hindi ako seryoso?" Nang sa tingin marahil nito ay seryosong-seryoso siya ay wala na itong nagawa kundi sabihin sa kanya. "Nude paintings." Napakurap siya ng ilang beses? Tama ba ang pagkakarinig niya? Napalunok siya at kumibot-kibot pa ang labi bago mahanap ang boses. "Nude?" She was dumbfounded. "You paint nude?" "You are my first," "Me, as your subject?" paninigurado niya. Tila nalusaw ang lahat ng pagpro-protesta sa loob niya nang tumitig ito sa mga mata niya. "If you like to be my subject." *** LUIGIE was dumbfounded for what she had heard from Jarreus. Iba ang iniisip niyang maitutulong niya sa binata pero hindi ang maghubad siya at maging subject sa pagpipinta nito. "I told you it wasn't a good idea, Luigie. Forget it." anito, nang mapansin ang gulat sa mukha niya. Tinalikuran siya ng binata at umupo na lang sa couch nito. Napailing pa siya nang makabawi at mabilis na nilapitan ito. "Ayos lang kung gusto mo kung gawin na subject sa painting mo. After all, it was a work of art. Karangalan pa nga siya. I'll appreciate it, really." Inilapat nito ang braso sa sandalan ng couch at sumandal doon. Tumaas ang sulok ng labi nito. "You sure?" Napalunok siya. Yes, she was a model. Nakapag-pose na siya sa ilang clothing line sa bansa na nagtitinda ng mga apparel. Na-try na rin niya mag-photoshoot na naka-bikini. Hindi niya kailangan mahiya. Maganda ang katawan niya. "Yes. You know I'm a model, right?" Tumango ito. "Your Dad told us. It was against on his will but you keep on insisting." "Because this is my passion, Jarreus. Like how you wants your music and arts." "But do you have this kind of thing before. I know it is kinda awkward. Pero kaya mo bang humarap sa'kin ng wala kang suot?" panghahamon nito. "Yes," taas-noong sabi niya. "If I will be an international model should I expose myself in this kind of thing, right? After all, it is a form of arts." Tumayo ito at naglakad patungo sa isang kuwarto doon. Sumunod siya. Nang buksan nito ang pinto ay pumasok siya. Halos mapanganga siya ng makita ang laman ng silid. Pulos painting at mga gamit sa pagpipinta ang makikita sa loob. Naagaw ang atensiyon niya nang isang malaki na larawan. Hindi siya puwede magkamali sapagkat kilalang-kilala niya ang magandang mukha nito. Ngiting-ngiti ito sa larawang ipininta ni Jarreus. Pati ang mga bilugang mata nito ay tila nakangiti rin. "Luigie?" Nilubayan niya ng tingin ang larawan nang tawagin siya ni Jarreus. Lumingon siya kay Jarreus na nasa likuran na pala niya. Ano bang mayroon si Regina na iyon? *** HUMUGOT ng malalim na hininga si Luigie nang pagmasdan ang kabuuan sa malaking salamin sa harapan niya. Nasa banyo siya at tinanggal ang lahat ng saplot sa katawan. She was naked all over. Hindi niya alam kung magagawa ba niyang ibalandera ang hubad na katawan sa harap ni Jarreus. Sa buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng husto sa pagharap niya sa isang tao. For Pete's sake! Bakit ba kabado siya? Napaigtab siya nang kumatok si Jarreus. "Are you okay?" Damn! May bawian pa ba ito? "Oo. Palabas na ko." Dinampot niya ang bathrobe nito at isinuot iyon. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang malalalim na tingin nito. "You can back out. Naiintindihan ko kung hindi mo kaya—" Tinawid ni Jarreus ang distansiya nila at mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Hindi niya alam kung bakit hinahayaan niya itong halikan siya gayong may mahal naman itong iba. Siguro ganoon kapag nagmahal. Kahit hindi ikaw ang mahal ng taong mahal mo hahayaan mo na lang kasi may nararamdaman ka nga para sa kanya. Pagkatapos ng makapugtong-hiningang halik na pinagsaluhan nila ni Jarreus ay nawala ang lahat ng agam-agam ni Luigie. Kung kailangan siya ng binata maging subject nito sa pagpipinta ay ibibigay niya. "Shut it up, Jarreus. I'm willing to be your subject." Nang maka-puwesto na siya ay tinanggal niya ang pagkakabuhol ng tali at hinayaan malaglag ang bathrobe sa sahig. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang paghanga sa mga mata ni Jarreus habang nakatitig sa kanya. Nakadama siya ng hiya. Tumikhim ito. "Let's start?" Tumango siya at nginitian ito. *** ISINUOT ni Luigie ang bathrobe nang sumenyas si Jarreus natapos na ito. Ilang beses din siyang gumalaw sa pagkakaupo dahil sa pangangalay. Hindi niya alam kung paano siya nakatagal na hindi gumagalaw para matapos nito ang obra maestra. Habang nakatingin siya sa direksyon nito kaninang nagpipinta ito ay hindi niya mapigilan tumitig rito. Kitang-kita niya ang passion nito sa pagpinta sa paraan ng paghagod nang kamay nito. Sa paraan ng pagtingin nito sa ginagawa. Jarreus passions tingling something in her heart. Lumapit siya sa puwesto ni Jarreus at tinignan ang nude painting niya na gawa nito. Napamaang siya nang makita ang itsura niya. Parang hindi siya... she looked so innocent and so pure. "You liked it?" tanong nito. Alam niyang magaling si Jarreus sa pagpipinta pero hindi niya inaasahan na may kung ano itong emosyon na mapupukaw sa puso niya. Pinasadahan niya ng mga daliri ang painting. Naramdaman niyang in-angat nito ang mukha niya. Lumuha na pala siya. Pinunasan nito ang mga luha bago halikan ang ibabaw ng ulo niya. "You crying? Why?" She seen the different version of her. The fragile, dependent and easy to get hurt Luigie. Napapikit siya nang padaanan nito ng kamay ang ulo niya pababa at i-tri-nace gamit ng mga daliri nito ang mata, ilong, pisngi at labi niya. Bumaba pa ang mga daliri nito sa gitna ng dibdib niya. Pagmulat niya ng mga mata ay nakatitig ito sa kanya. "You don't need to be tough all the time." Ayaw na ayaw niyang nakikita nang iba kung gaano siya kalungkot sa buhay niya. Maybe she had everything money can buy. Pero hindi noon mabibili ang oras kasama ang daddy at mommy niya. Pakiramdam niya isa siyang bunga ng malaking pagkakamali. "You don't know me, Jarreus." Blangkong sabi niya. Mabilis na tinalikuran niya ito at walang pasakalye na magbihis sa harap nito. She need to get out of the place. Stay away from Jarreus. Nang matapos ay dali-dali siyang lumabas ng cabin. Wala siyang pakialam kung isang kilometro ang kailangan niya lakarin para makarating sa mansyon ng mga ito. "Luigie!" Hindi niya pinansin ito tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Natigilan siya nang may maramdaman na patak ng tubig sa pisngi. Kasabay niyon ay sunod-sunod na patak ng malalaking tubig sa paligid. "Get back here! Malakas na ang ulan!" Sigaw ni Jarreus. Hindi niya pinansin ito at tuloy-tuloy sa paglalakad. Natigilan siya nang makarinig ng kulog at sumunod niyon ay kidlat. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Takot siya sa kulog at kidlat. Tandang-tanda niya noon na walang kahit na sinong yumayakap sa kanya sa ganoong klase ng panahon. Lumaki siyang mag-isa. Oo nga may yaya siya pero hindi naman niya mga magulang iyon. Nanlalabo ang mga mata niyang tumingin sa ibaba. She felt so lonely. Akala niya kaya na niya pero hindi pa pala... "Luigie," malamyos na tawag ni Jarreus sa pangalan niya. Hindi siya gumagalaw at wala siyang maramdaman. "C'mon, lalagnatin ka." Hinayaan siya ng lalaki nang binuhat siya nito. Siniksik niya ang mukha sa dibdib ni Jarreus. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Pagod na hindi niya alam kung kaya pang mapawi. "You don't need to be tough," ulit ni Jarreus sa sinabi kanina. "You can actually lean on to someone kapag hindi mo na kaya. I'm here for you, Lu. Always here for you." Napangiti siya. If "Lu" is his endearment to her. She like to hear that all the time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD