Nang madating na namin ang gymnasium ay agad naming napukaw ang atensyon ng lahat. Hindi sila gumagalaw at animo'y walang balak gawin para tulungan kami Ganito ba ang kailangan naming protektahan? Eh kami nga hindi nila matulungan tapos sila tutulungan naming mabuhay! Ano to? "Wala ba sa inyo ang tutulong sa amin? Tawagin niyo nalang ang iba pang mga representative! Sabihin mo na nandito kami at duguan si Salguero! Paki sabi na rin na isama nila yung sira-ulong si Zeah dahil ililibing ko talaga siya ng buhay!" Halata sa boses ko ang todong galit para kay zeah. Dahil narin ata sa galit na inilabas ko ay may isang lalaki ang tumakbo papunta sa office ng mga student council. "Just wait, Salguero." sambit ko habang sinusubukang pigilan ang pag pag-agos ng dugo niya. Ilang minuto lang an

