Halos mabaliw na ako ngayon sa kwarto. Basa ng libro at kain ng kung anu-ano ang ginagawa ko. Wala naman kasing pake sa akin yung dormmate ko. Ayun, tahimik lang siyang nagbabasa. Mag-aalas onse na ng gabi kaya hindi ako mapakali. I want to know everything! Pero bakit pa nangyari 'to? Nanadya ba ang tadhana? Gusto ba ng tadhana na maging tanga ako sa harap nila? Tinignan ko ang direksyon ni Xena. Nakaidlip na pala siya habang nasa tiyan niya ang libro. E kung tumakas kaya ako? Right! Agad akong tumayo sa kama ko at pumunta sa wardrobe. Kumuha ako ng black leather jacket, black jeans and black sando. Just in case na may mga tao, hindi nila ako makikita. Pagkatapos ko magbihis ay sumilip ako sa bintana. Alam ko naman kasing may nagbabantay sa labas ng dorm namin kaya mas mabuting tumaka

