Last subject ko na 'to kaya hindi ako mapakali. I really want to know everything.
"Class dismiss." Mr. Sandi said.
Agad namang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. At katulad pa rin ng mga nakaraang araw ay pinapauna ko na sila.
Pagkaalis nilang lahat ay agad akong tumayo. Dali-daling akong lumabas ng room. Patakbo na sana ako nang biglang may humatak sa bag ko. I suddenly felt nervous and irritated at the same time.
"Ooohh!"
Who's this freaking b***h?!
Hindi ko makita ang mukha niya dahil patalikod niya akong hinihila sa bag.
Huminto lang siya sa paghahatak sa akin nang madating na namin ang labas ng isang room.
Anong gagawin namin dito?
Pagkabitaw pa lang niya sa bag ko ay agad ko siyang hinarap. Pero halos manuyot ang lalamunan ko nang makita ko siya.
Ganito ba talaga ako kamalas sa school na 'to?
Agad nasira ang mukha ko nang makita siyang galit na mukhang ewan.
"H-hi?" Sabay wave ng kamay ko.
Syempre kailangan kong maging good girl sa harapan niya. Malay ba natin na isa siyang r****t? Edi mawawala na yung pinaka-iingatan ko. No way.
"Stop acting stupid."
Napalunok ako sa sinabi niya, at piniling hindi na umimik. Pero lumaki ang mga mata ko dahil sa sunod niyang ginawa.
Naglakad siya papalapit sa akin. Nasa dingding ako banda kaya may chance na macorner ako. Moron Eleanor! Bakit ka ba kasi tumigil banda sa dingding?! Sabi na e! r****t siya!
Ano na naman bang nagawa ko? Sa tingin ko talaga may nangyayaring sleep action sa sarili ko kapag natutulog ako e. Sinasabi nilang may nagawa na ako dito, pero sa totoo lang talaga ay wala pa talaga.
Maski pagsayaw nga hindi ko pa nagawa. Kung anu-ano pa kaya?
Napaatras ako sa ginawa niya hanggang sa nacorner na nga ako. He put his right hand on the wall, beside my head. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Nakatingin lang ako sa sahig.
I want to push him right now! I want to run away from him! But I'm scared of his presence. I'm totally scared.
Bakit ba kasi kailangan niya pa 'tong gawin? Dahil ba hindi ko siya napasalamatan ng maayos? Punyeta! 'Yun lang naman pala e. Pwede kong gawin araw-araw 'yon. Kung gusto pa niya, bawat segundo at bawat oras pero iba na 'tong usapang 'to e. Iba na kung pinakaiingatan na ang pinaguusapan.
Dahan-dahan niyang inayos ang kaunting hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko, at iniligay niya iyon sa likuran ng tenga ko.
Kahit sandali lang pakiramdam ko tumigil ang puso ko sa paghuhurementado dahil sa ginawa niya. Kaya lang saglit lang 'yon, at bumalik ulit ako sa una kong pakiramdam.
"Wag kang pumunta." he said seriously.
Wait...
Nawala sa mukha ko ang takot, at napalitan ng pagtatanong ng dahil sa sinabi niya. Nagkatitigan kami. Mata sa mata ang nagyayari.
Alam niya? Pero paano? Kilala niya ba si Reva? Bakit ayaw niya akong papuntahin? Too many mysterious questions. Tsk
Pero iisa lang ang nasa isip ko ngayon, bakit ayaw niya ako papuntahin?
"Why? why can't I go?" Seryoso kong tanong sa kaniya habang nakatingin kami sa mga mata ng isa't-isa.
"Too dangerous." he answered.
What kind of danger?
"But I want to know everything." I defended.
Magsasalita na sana siya nang biglang may narinig kaming nagbubulungan. Hindi kalayuan sa amin.
"Elisha, they didn't follow the free season's rule. Mapaparusahan ang gumawa noon."
"Yeah, I know. Kung sino man 'yon. He or she should better hide now."
"Yeah."
Napatingin kami sa mga babaeng nagbubulungan na 'yon. Pero nakita nila kami kaya napatakbo sila palayo.
Now, he removed his hands. Siguro nakaramdam din siya ng awkward atmosphere. Pero anong sinasabi noong dalawang babaeng iyon?
'They didn't follow the free season's rule'
'Yan na naman ba ako sa free season?
Tinignan ko ang lalaking 'to. He looked so serious and calm. Parang walang nangyari.
"What's free season?"
Tinignan niya ako ng matalim bago niya ibinuka ang bibig.
"You will know everything in the right time, and this is not the right time to answer your question."
Hindi na ako umimik pa dahil inaasahan ko namang ganito ang isasagot niya. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na ma-curious sa paligid ko.
"Puntahan na lang natin yung sinabi noong dalawang babae. Alam kong may nangyari at sa palagay ko hindi 'yon maganda. Kapag kasama mo ako, you're safe." at nagsimula na siyang maglakad.
Hindi ko alam. Pero gumaan ang loob ko sa sinabi niya. I might be crazy but I think, he's kind.
Inalis ko na lang sa utak ko ang mga papuri ko sa kaniya, at sinundan siya. Pagdating namin sa center ng school. Doon namin nakita ang mga nagkukumpulang mga estudyante.
May nagbubulungan at may nagiiyakan. Pero lahat ng 'yon ay tumigil nang makita nila kami. Este pagdating namin nila Reva, Zeah, ako, at nitong kasama ko at may mga iba pang mga lalaki at babae.
Sino kami? Bakit sila tumigil?
Dahan-dahan kaming lumalapit sa ginawa nilang bilog. Nagkatinginan kami ng kasama ko, bago tinignan ang nasa gitna ng bilog.
Halos masuka ako nang makita ko ang isang bangkay ng lalaki. Wala na siyang ulo, kamay at paa. May nakita kaming sako, siguro nandoon ang mga parte ng katawan niya.
Sariwa pa ang dugo, at kumakalat pa sa lupa. Hubo't hubad na ang bangkay at kita mo na ang lahat sa kanya. May karatula ding kasama na may sulat na:
"SULQFLSDO"
Anong ibig sabihin niya? Code ba 'yan?
But Damn it! Napapikit ako at napatakbo papalayo. Bakit ganoon? Ang brutal ng pagpatay nila. Sino ang may gawa? Natatakot ako.
Habang nakaupo ako sa bench, hindi malayo sa eksena. Ay may narinig akong isang tinig.
Ang principal namin.
"Students go back to your dorms now. Ipinagbabawal namin ngayon ang paglabas sa mga dorm ninyo simula ngayong oras hanggang bukas dahil na nga sa nangyari. Suspended na din ang pasok bukas para lang masiguro ang kaligtasan ninyo."
"Bawat dormitoryo ay may bantay. Dadalhan na lang kayo ng mga pagkain ng ating mga school canteen servants."
"Kami na ang bahala sa may sala. Sige, kumilos na kayo..."
Halos magsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi ni principal. Paano mamaya? Pupunta pa ako sa garden! Kamalasan naman o!
Bago ako tumayo ay sumilip na muna ako sa mga tao. Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang principal na nakatingin sa akin, at nakangisi.
Agad akong napatayo at nagsimula nang maglakad. Sobrang nakakakilabot ang mga pangyayari ngayon.