Maaga akong nagising kaya napaaga narin ang pasok ko. Nakakabagot lang dahil wala akong matinong kausap.
Kagabi nga napapaisip ako kung sasabihin ko ba kay papa na kung pwede bang umalis na lang ako sa school na 'to. Pero sa tingin ko marami pa akong mga bagay na kailangang matutunan bago umalis dito.
8:00 am pa ang pasok namin pero 6:30 am pa lang ay ayos na ako. Naisipan kong pumunta na muna sa library. Itatanong ko sa librarian lahat ng mga katanungan ko, at baka sakaling may alam siya.
"Good morning po." bati ko sa librarian.
Hindi pa masyadong matanda ang librarian. Siguro nasa mid 40's pa lang siya. Mula sa tindig at sa mga kulubot sa balat ay mahuhulaan mo ito. Tumango lang siya sa akin, at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Pwede po bang magtanong?" Mahinahon kong ani sa librarian.
"Ano yun?"
"Ano po bang nalalaman niyo sa School's Traditon?"
Naningkit ang mga mata ko nang bigla siyang tumigil sa pagsusulat at tumingin sa akin ng diretso. Napalunok ako at napaatras.
"Hindi ako ang makakatulong sa'yo." seryoso niyang sabi sabay balik sa pagsusulat na para bang walang nangyari.
Napaupo na lang ako sa gilid. Kailangan kong hintayin matapos ang sinasabi nilang free season bago ko malaman ang lahat. Pero paano ko malalaman kung kailan matatapos ang free season na sinabi nila, kung wala man lang akong alam maski isang impormasyon tungkol doon? Ang gulo lang.
Tumayo ako at naghanap ng mga old books tungkol sa Dalfon high. Nagbabaka-sakaling andoon ang mga kailangan ko.
Habang naghahanap ako, hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga tuhod ko. Natatakot ako sa itsura ng mga mannequin.
Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang lumang libro. Nilinga-linga ko na muna ang paligid, at nakita kong nasa duluhan na pala ako ng library. Kinuha ko ang libro at pinagpagan. Sigurado akong wala ng nagbabasa nito dahil sobrang dami na ng alikabok.
Napaupo ulit ako habang pinapagpagan pa rin ang libro. Halos maubo-ubo na ako rito. Nang malinis ko na ang harapan ay nakita ko na ang book tittle.
DALFON HIGH
INFORMATIONS
1850-1950
Hindi ako nagdalawang isip na buksan ang libro. Sa title pa lang ng libro ay nacurious na agad ako.
Pagbukas ko ay agad bumungad sa akin ang alikabok, pati na rin ang mga gagamba at langgam. Punit-punit na ang ibang parte at halos kulay brown na ang papel.
Pagkaalis ng mga gagambang 'yon ay nilipat ko na sa kabilang pahina ang libro. Nakita ko ang mga pangalan ng mga myembero ng council students at mga School Officers ng taong 1950 hanggang sa 2000
Pagkatapos ko basahin ang mga laman ng pahinang yun ay lumipat na ako sa kabila. Mga pambungad pa rin. Speeches, Words of Wisdom.
Lipat lang ako nang lipat hanggang sa dumating na ako sa Facts About Dalfon High.
"Dalfon High is one of the greatest schools in century." basa ko sa unang fact.
Century? Ang tagal na pala ng Dalfon high. Pero bakit parang bago pa rin at walang sira? Siguro renovated 'to.
"In the year 1960, Dalfon High was forcedly closed because of the Deputy Principal and the Executive Assistant's personal issue that caused a big dirt in the name of the school. The issue was never been told to the public."
This problem makes me so curious. Binalikan ko ang mga pangalan ng school officers, at hinanap ang mga officers noong 1950.
"RS. Albert Sebastian, the 1950 Deputy Principal."
"RD. Jerome Felipe, the 1950 Executive Assistant."
Ang pagkakaalam ko ang acronym ng Retarded Scientist ay 'RS' at ang Retarded Doctor naman ay 'RD' so si Albert Sebastian ay isang retired scientist, while Jerome Felipe is a retarded doctor. That fact makes me think na ang problemang 'yon ay may kinalaman sa Science. I stopped thinking about it because, I hate science.
Bumalik ako sa page ng mga facts. Hoping for more significant facts.
"The youngest school officer in the year 1950 was Herme Fajardo."
"Dalfon High opened once again after 10 years. After the School Officer's personal issue."
10 years ago? Sobrang tagal naman. Gaano ba kalaki ang problemang 'yon at humantong pa sa pagsasarado ng Dalfon High?
"Searching for some facts?" Biglang tanong ng isang boses.
Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko si Reva. Nothing changed. Anghel pa rin.
"Yes." sagot ko sabay sarado ng libro.
"Hindi ka makakahanap ng mga sagot diyan. Clues, maybe. Pero hindi lahat."
Bakit ba ang hilig mangialam ng mga tao dito? Pero mas okay na yung may clue kesa naman sa wala akong kaalam-alam.
"Just leave me alone." seryoso kong sabi sa kaniya at tumayo.
"Bakit hindi ka pumunta sa sinabi ko sa'yong puntahan mo? Dahil ba naniwala ka sa abnormal na Zeah na yon?"
Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya ng matalas.
"I thought gusto mong may malaman, pero hindi ka naman pumunta. How will you know the facts if you just stay here all day and read some f*****g old books!" Bigla niyang sigaw.
Napakurap ako sa ginawa niya. Bakit ba agad-agad na lang siyang naninigaw? Wala naman akong ginawa ah!
"Could you stop shouting at me?! Ano na naman bang nagawa ko at sinigawan mo ako?! Yeah, I wanted to know everything! Dahil nagmumuka na akong tanga sa dalawang araw na nandito ako! I dont know anything!"
Ngumisi siya, at sinandal ang isang kamay sa lamesa.
"E yun pala e. You wanted to know everything, pero hindi ka pumunta. Anong gusto mo? Kami pa lalapit sa'yo? You're not special! Remember that!"
Wala ng patutunguhan 'tong usapan na 'to. Library 'to pero daig pa naming dalawa ang nasa covered court.
Padabog ko siyang nilagpasan, pero agad akong napatigil ng bigla siyang magsalita.
"If you really wanted to know everything. Trust me. Pumunta ka sa sinabi ko sa'yong puntahan." Kalmado niyang sabi.
"Why are you telling all of these to me? Akala ko ba bawal magsalita tungkol sa free season at sa mga school traditions na 'yan? Dahil ba takot kayong mamatay? And why the hell would you die? Huh?" Sarcastic kong tanong habang nasa likod ko siya.
"Because our fate is just the same."
What? Our fate is just the same. But how? Pano nangyari 'yon?
"Liar."
"You think I'm lying to you? Anong mapapala ko kapag nagsinungaling ako sa'yo? Nothing!" Iritado niyang sabi.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit.
"Ok, I will go."
At tuluyan ng umalis sa library kasama ang libro. I should read this.