Tapos na ang lahat ng mga subject ko at handang handa na akong umuwi sa bahay. Walang pinagbago. Kinamumuhian pa rin nila ako. It's already 6:47 in the evening.
Maglalakad na sana ako palabas ng gate nang bigla akong harangin ng isang malaking lalaki.
"Sorry ma'am saan po kayo pupunta?" tanong nito sa akin. Saan nga ba ako pupunta?
"Edi sa bahay namin."
"Sorry po, ma'am. May mga dormitoryo ang paaralang ito kaya hindi pwede na umuwi po kayo sa iyong bahay."
Umismid ako sa sinabi niya. Walang sinabi sa akin si papa na may dorm ang school na to.
"Hindi ko alam ang dorm ko kaya pauwiin na muna ninyo ako, okay?" Maglalakad na ulit sana ako pero hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Let me go! Uuwi na nga ako eh!" Sigaw ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Pasensya na po ma'am. Pumunta na lang po kayo sa Principal's Office at itanong niyo nalang po kung saan ang dormitoryo niyo."
Ba't ang kulit niya? Sabing ayoko!
"Ayoko nga eh! Bitiwan mo ko!"
Pero halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa likuran namin na siyang nagpatigil sa amin na gumalaw.
"Back off." the voice said.
Ilang saglit bago napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo, at nakatingin sa amin.
"Pero sir--"
"I said, back off."
Dahan-dahan akong binitiwan noong security guard, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong takbuhan sila palayo.
Hingal na hingal akong tumigil sa bench. Malayo na siguro ako sa kanila. Kinuha ko ang tubig ko, at dali-daling uminom.
Pero halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
Damn it.
"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?" mukhang seryoso niyang sambit, pero may bahid parin nang pagngisi.
Oo nga naman. Bakit hindi ako nagpasalamat sa kaniya?
moron Eleanor.
Dahan-dahan ko siyang nilingon, at nginitian siya bago magsalita.
"Aaah. Salamat." and I made an awkward face.
Pagkatapos ko magpasalamat ay agad akong tumakbo palayo. Sana hindi na niya ako sundan.
Tinungo ko nalang ang Principal's Office para itanong kung saan ang dorm ko. Hindi kasi nila ako ininform na may dorm pala dito.
PRINCIPAL'S OFFICE
Principal Celestia Francisco
Sinubukan kong kumatok ng tatlong beses pero walang sumagot sa akin. Sinubukan ko ulit, at sa wakas nagsalita narin si Principal.
"Sige pumasok ka na, Ms. Costello." tinig nito mula sa loob.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at tumambad sa akin ang
nakangiting si Principal Celestia habang nakaupo sa swivel chair niya.
"Good evening po." bati ko.
"Sa ika-anim na building ang mga dorm natin dito. 'Dorm 187' ang kwarto mo." agad niyang sabi.
Alam niya ang una kong tanong pero may isa pa akong tanong na kailangan na kailangan kong malaman ang sagot.
Umupo ako sa couch ng office niya, at seryoso siyang tinignan na para bang sinusuri ko siya, pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Principal."
"Yes?"
"Marami akong tanong ngayong araw dahil unang araw ko pa lamang sa paaralang ito ay iba na agad ang turing nila sa akin, at sigurado akong may nalalaman kayo patungkol dito. Kaya pwede bang makahingi ng kahit kaunting oras mo para sa pag-uusapan natin?"
Hindi ko alam kung saan nangaling ang matapang kong tono habang nagtatanong sa principal. Para bang kusa na lang lumalabas sa bibig ko.
Tumawa siya na parang baliw bago sumagot sa akin.
"Hell is empty, all the devils are here."
Dahil sa mga huli niyang tinuran ay nagsitayuan ang mga balahibo ko. Anong ibig sabihin noon? May mga demonyo dito?
Iniwan ko siya sa office habang baliw na baliw na tumatawa. May baho din pala ang Principal namin.
Nasa harapan na ako ng Dorm 187. Hindi ko alam kung gaano kabilis akong naglakad at ang bilis kong narating ang building na 'to.
Kinakabahan pa rin ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni principal.
Kumatok ako sa pintuan. Saglit lang ang pagkatok ko at agad nagbukas ang pinto.
Pagbukas ng pinto ay agad nanlaki ang mga mata ng babaeng nasa loob ng kwarto. Hindi na ako nagulat dahil inaasahan ko namang ganto ang magiging reaksyon niya.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.
"Dito raw ang kwarto ko."
Hindi siya nakapagsalita hanggang sa naglakad siya patalikod para mabigyan ako ng daraanan.
Naglakad na ako papasok. Halatang halata sa mukha niya ang takot. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung ang kinamumuhian ng lahat at ang sinasabi nilang malas ay magiging dormmate mo.
"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan." mahinahon kong sabi sa kanya.
Dahan-dahan siyang napaupo sa kama niya habang tinitignan ako.
"Sasaktan mo rin kami. Sasaktan mo kami sa huli." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Napailing ako sa kaniya. Hindi ko kayang manakit ng mga tao.
"Pasensya na, pero hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Basta ang alam ko lang hindi kita sasaktan."
Umupo ako sa kama ko, at tinignan ang wardrobe. Siguro andiyan na ang mga damit ko.
Nakahiga ako ngayon sa kama habang hindi pa rin mapakali ang kasama ko. Hindi pa niya sinasabi ang pangalan niya sa akin. Kapag tinatanong ko siya ay tinitignan niya lang ako. Kaya hindi ko na siya kinausap pa.
Iniisip ko pa rin kung ano yung sinasabi nila. Ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon. Katulad ng Free Season, School's Tradition, sasaktan ko raw sila, eh hindi ko nga sila sasaktan.
"Alam mo naguguluhan talaga ako. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niyo sa akin. Halos lahat ata kayo kinamumuhian ako. May nagawa ba ako sa inyo?" tanong ko habang nakatingin sa kisame.
"Wala kang malalaman." rinig kong sagot niya sa akin.
Agad akong napaupo at tinignan siya. Maputi, makinis ang balat, itim ang mga mata, bagsak ang buhok, matangkad, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, mapula ang labi.
In short, she's damn pretty. Pero kinakatakutan niya ako.
"Paanong wala akong malalaman?" takang tanong ko sa kaniya.
Naayos ang upo niya sa kama. Tumingin siya sa akin ng diretso. Nagmumugto ang mga mata niya, dahil ata sa akin yun.
"Wala kang malalaman. They can't say anything about the school's tradition while the Free season is happening." seryoso niyang sabi.
Ganyan na ganyan din ang sinabi sa akin noong babae kanina sa canteen.
"Hell yeah. Our transferee, wag kang magpapaniwala sa mga taong nagsasabi sa'yo na pumunta ka sa mga ganito, ganiyan, at kung saan pa man yan, dahil they can't say anything about the school's tradition while the free season is happening."
What the..
Ano bang meron sa 'School's Tradition' na yan? At sa 'Free Season?' Nakakabaliw na masyado.
"Naguguluhan ako."
"Just wait, May malalaman ka din. Just wait until the Free season is over,"
"Pero bakit hindi mo pa sabihin sa akin ngayon? Ngayon mismo? Bakit kailangan matapos pa ang free season na 'yan? Ang weird!" medyo tumataas na ang boses ko.
Nakita ko namang napalunok siya bago nagsalita.
"Takot kaming mamatay."
Pagkasabi niya noon ay hindi na ulit ako nakapagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya.
Takot silang mamatay. Pero bakit sila mamatay?
Tumayo siya, at pumunta sa kitchen.
"Ako nga pala si Xena Ellen Forteza."