Chapter Two

1050 Words
Paglabas ko palang ay nakita ko agad ang babaeng kumausap sa akin sa loob. Pabalik-balik ang lakad niya, para bang ang dami niyang pinoproblema at hindi niya alam kung anong problema ang uunahin niyang aayusin. "Ummm." Napahinto siya sa ginagawa at bumaling ang tingin sa akin. "Halika na, sa library tayo magusap." nauna siyang maglakad sa akin. Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Halos magsitaasan ang mga balahibo ko nang dumating na kami sa loob ng library. Kakaiba ang library na to. Nakakakilabot. Imbes sa mga bookshelves ilagay ang mga libro ay nasa kamay ng mga ayusadong mannequins. Feeling ko pinagmamasdan nila kami. Konti nalang talaga maiisip ko na ang weird ng school na to. Kasi naman for the first time in my life ngayon lang ako nakakita ng isang library na walang bookshelves at puro mga mannequins lang na may mga hawak na libro. "D-dito ba tayo mag-uusap?" Tanong ko habang nililinga parin ang buong paligid. "Oo, Bakit natatakot ka?" Sabay taas ng kilay. Napailing ako at sinundan siya sa pag-upo. "I'm Reva Zexa Madrid." sabay lahad ng kamay niya. Agad ko namang kinuha yun at ngumiti sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi kita kinausap para sabihin sayo ang mga nalalaman ko. Nandito ako para paalalahanan ka, at para bigyan ka ng impormasyon." seryoso niyang sabi. Nawala ang mga ngiti sa labi ko at napalitan ng katulad kay Reva. Bakit kailangan niya akong paalalahanan? Dahil ba sa inasta ng mga kaklase namin kanina? "P-para saan?" Nanginginig ang boses ko. "Mag-ingat ka dahil mainit na ang tingin sayo ng mga estudyante dito." pagbabanta niyang sabi sa akin. Bakit? May ginawa ba ako? Bakit mainit na ang tingin nila sa akin? Kakapasok ko pa lang sa eskwelahan na to kaya imposibleng uminit na agad ang tingin nila sa akin. Imposibleng imposible. "Unang araw ko pa lang dito kaya imposibleng mainit na agad ang tingin nila sa akin. Wala pa man din akong nagagawa." Sabay iling sa kanya. Ngumisi siya ng napakalawak at napatayo na rin siya sa kinauupuan niya. "Sa tingin mo wala ka paring nagagawa? Meron ka nang nagawa! At dadami pa 'yan sa pagtagal mo dito sa Dalfon High!" Ngayon mukang galit niyang hiyaw sa akin. Bakit ganito siya umasta? Kanina mukha siyang anghel pero ngayon.. Ibang-iba na sa anghel. Napatayo rin ako. "Bakit halos kayong lahat iba ang tingin sa akin?! Ha?! Ano bang nagawa ko? For your information, Reva Zexa Madrid! Kabago bago ko pa lang dito! Wala pa akong nagagawa kahit anong galaw dito! Kaya 'wag mo akong sabihan ng may nagawa na ako!" Sunod-sunod kong sabi kaya halos habulin ko na ang hininga ko. Kung ganiyan pala ang gusto niyang usapan. Sige! Kahit na nasa library pa kami. Wala na akong pakealam. Napahampas siya sa lamesa at parang inis na inis siya sa akin. "Tangina naman oh! Hindi mo kasi alam e! Wala kang alam!" Mariin niyang sigaw sa akin. "Edi ipaliwanag mo sa akin! Sabihin mo sa akin! Para hindi ako mukhang tanga na lumalapit sa inyo dahil wala akong alam!" Aalis na sana ako sa library nang bigla siyang nagsalita. "Gusto mo malaman ang dahilan?" Dahan-dahan akong humarap sa kanya, at nakita ko siyang nakapamewang. "Sasabihin mo ba?" Tumango siya at tumawa. Nababaliw na siya. "Oo, basta pumunta ka lang nang alas onse ng gabi sa garden ng Dalfon High." Pagkatapos ng matindi naming pag-uusap ay dumiretso ako sa canteen. Gaya ng inaasahan ko, parang huminto ang oras nila sa pagdating ko. Mainit pa rin ang dugo ko sa mga nangyari kanina. Dire-diretso akong pumunta sa counter at nag-order. "Isang Caffè Americano." Nakita ko na halos manginig ang kamay nung waiter habang sinusulat ang order ko. Ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang feeling na wala kang alam? Ni hindi mo alam kung bakit ka nila kinakatakutan. Umupo ako sa bandang dulo ng canteen. Walang sino man ang may balak na tumabi sa akin. Ang hirap maging tanga sa harap nila. Sila may alam habang ako wala. Dumating na ang order ko. Halos hindi pa rin siya makagalaw ng maayos. Pagkalapag niya sa kape ko ay agad siyang umalis. Habang iniinom ko ang kape ko ay biglang may lumapit sa akin na isang babae. Maganda siya at chinita. Nanginginig ang katawan habang nakatingin sa akin. "Bakit ka pa dumating?" Maluha-luha niyang sabi. "Wala akong alam sa sinasabi mo." wala kong ekspresyong sambit sa kanya. "Okay na e! Okay na! Pero bakit pa! Get lost!" Sigaw niya sa akin at tumakbo papalayo. Naguguluhan na ako! Ano ba kasing sinasabi nilang get lost? Okay na? Dumating ka pa? This problem is driving me crazy. Hindi ko na lang inisip ang mga nangyari. Pero nagulat na naman ulit ako nang biglang may lumapit sa akin na isang babae. Hindi na ba 'to matatapos? "Anong kailangan mo sa akin? Sasabihan mo din ba ako ng get lost? Bakit ka pa dumating?" Sarkastikong tanong ko sa kanya She has blonde hair. Painted ang mga kuko at over fashioned. Bakit ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga estudyante dito ay may mga itsura? "Masyado kang harsh, Eleanor Dru Costello. Don't worry hindi kita sasabihan ng ganoon." anang niya sabay upo sa harapan ko. "Bakit ka andito?" Agad kong tanong sa kaniya. "Well, well, well. Bakit mukang beastmode ang transferee namin?" Nakangisi niyang sabi sa akin sabay kuha ng kape ko pero agad ko siyang pinigilan. "Wag 'yang kape ko." Tumawa siya habang tinatakpan ng kamay niya ang bunganga niya. "You're silly." May sasabihin ba siya sa akin? Kasi kung wala, pwede na siyang umalis sa harapan ko. Hindi pa talaga bumababa ang dugo ko. "What are the f*****g things you want to say?" Seryoso kong tanong sa kanya. Kinagat na muna niya ang pangilalim na labi bago sumagot sa akin. "You need the reasons? Right?" Umismid ako sa kanya. "Hell yeah, Our transferee, wag kang magpapaniwala sa mga taong nagsasabi sa'yo na pumunta ka sa mga ganito, ganiyan at kung saan pa man 'yan, because they can't say anything about the school's tradition while the free season is happening." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Alam niya na nag-usap kami ng Reva-ng 'yon. At anong sinabi niyang school tradition? And oh! What a fascinating hearing skill. "That's enough for now, Transferee. Good luck!" Nakangiti niyang sabi at umalis na sa la mesa ko. May alam ba siya? Parang pili lang ang mga taong nakakalapit sa akin at nakakapagusap sa akin ng matino. And I'm sure may dahilan yon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD