Kinabukasan, bawat hakbang ko ay nagpapaalala sa'kin ng magdamag naming pinagsaluhan ni Shawn. Nagising ako kaninang wala na ito sa tabi ko at huling naalala ko ay ang pamamaalam nito kaninang madaling araw matapos niyang ubusin lagat ng natira kong lakas. Nasobrahan yata ako sa ginawa namin kaya ngayon ay di ko mapigilang mapaigik tuwing nabibigla ko ang paghakbang. Damn! Nanginginig ang binti ko at pinagpawisan ako dahil sa pinagsamang hapdi at kiliti na dulot ng bawat hakbang ko. Kung hindi lang ngayon iyong nabanggit na pagbisita ng ama ni Lizia ay mas pipiliin ko na lang sanang manatili buong araw sa silid ko upang magpagaling sa pinsalang iniwan ng pagiging mapusok ni Shawn at pagiging marupok ko. Labag sa kalooban kong dumalo ngayon sa usapang kasalan ni Shawn at Lizia habang s

