"That's enough everyone, lunch is ready," tawag ni Mamita mula sa b****a ng dining area. " About time... It's been long since I had a taste of your cooking, Mamita," nakatawang sabi ni Neil. Agad nitong inakbayan si Shawn papunta sa kinaroroonan ng dining area. Sumabay naman agad si Gresh sa mga ito. Nang madaanan nito ang anak na si Lizia ay masuyo nitong ginulo ang buhok ng anak bilang pagbati bago pinagpatuloy ang paglapit sa naghihintay na si Mamita, akbay-akbay pa rin si Shawn. Masayang nagtawanan ang mga ito nang tuluyang makalapit kay Mamita dahil sa kung anong nakakatawang sinabi rito ni Neil. They're really close. Pakiramdam ko tuloy ay outsider ako. "You see, Freglio and Caballer are really close and my marriage to Shawn will strengthen the family bond," pahayag bigla ni Al

